Chapter Five

5 0 0
                                    

NAKATAYO si Erika sa isang madilim na paligid, ang tanging liwanag na meron sa lugar na iyon ay makakikita sa dulo, at sa tingin niya aabot hanggang sa dalawang kilometro mula sa kinatatayuan niya bago niya tuluyang maabot ang liwanag. Parang napakailap ng liwanag.

"Nasaan ako?" tanong niya sa sarili at nagulat siya ng marinig niya ang sariling boses. Hindi kay Lia ang boses na iyon, kanya ang boses na iyon.

"Ikaw at ako ay iisa," isang pamilyar na boses mula sa kanyang likuran ang kanyang narinig. Pamilyar pero hindi niya kilala kung sino ang may-ari. Basta pamilyar lang sa kanya ang boses nito. Napalingon siya at may nakita siyang batang babae, mga nasa sampung taong gulang siguro.

"Sino ka?" tanong niya sa batang babae na nakita niyang nakatayo sa kanyang likuran.

"Ikaw at ako ay iisa," sabi lang nito sa kanya at tumakbo ito. Umiiyak.

"Sandali," sigaw niya at hinabol ang batang babae. Ano ang ibig sabihin nito. Sino ito? Habang hinahabol niya ang batang babae ay papalapit siya ng papalapit sa liwanag. Nawala ang batang babae, napalitan iyon ng nakakasilaw na liwanag, tinakpan niya ang kanyang mata at bumungad sa kanya ang isang silid.

May matandang babaeng nakatayo, nasa mid-forties, mapula ang mga labi, at makapal ang kolorete sa mukha. Nakita niya ang batang babae, nakaupo siya sa silya, tahimik na umiiyak. Nakita niyang may mga pasa ito sa braso.

"Bata," tawag niya dito pero parang hindi siya narinig ng batang babae nilapitan niya ito at hinawakan pero lumusot lang ang kamay niya. Narinig niyang nagsalita ang babae.

"Darating si Gov mamaya kailangan mo ulit maghanda," sabi ng matandang babae sa batang babae. "At ayoko na makarinig ng reklamo Lia, sumunod ka sa lahat ng gusto niya."

"P-Pero M-Madam natatakot ako," humikbing wika pa ng bata na sa hula niya ay si Lia—dahil habang tinititigan niya ay nagiging klaro ang mukha nito— at kitang-kita niya sa mukha nito ang kakaibang takot.

"Letse, para din sa'yo 'to para makapag-aral ka, para makatapos ka at para mahanap mo ang nanay at kapatid mo," singhal pa ng babaeng tinawag na Madam.

May kumatok sa pinto at sumenyas si Madam na tumahimik. Nilapitan nito si Lia at pinahid ang mga luha. "Basta sumunod ka lang sa gusto niya, naiintindihan mo?" halos pabulong na wika ni Madam at bumukas ang pinto at nagulat siya ng makita kung sino biglang pumasok. Si Rafael De Marco.

Ang ama ni Cole, sigaw niya sa kanyang isip.

"Hello, Gov, maiwan ko na kayo," at lumabas si Madam.

Nakita niyang napangisi si Rafael De Marco ng makita ang batang si Lia, dahan-dahan itong lumapit sa bata. "May dala akong pera at candy Lia," wika nito at naupo sa tabi ni Lia saka hinawakan ito sa braso.

Napapiksi si Lia ngunit naging mahigpit ang pagkakahawak ni Rafael dito. "G-Gov, maawa po kayo," anito at parang pinipiga ang puso niya habang nakatingin sa mga ito ng mga sandaling iyon. May nabuhay na galit sa puso niya habang nakatingin kay Rafael De Marco.

"Hindi kita sasaktan Lia, promise," sabi ng gobernador at kinuha ang kamay ni Lia saka dinala sa harap ng pantalon nito.

Napasigaw siya dahil hindi niya kaya ang nakikita. Anong klaseng tao si Rafael De Marco? Hindi niya kayang buksan ang kanyang mga mata dahil sa kababuyan na ginagawa ni Rafael kay Lia. Sumigaw ulit siya at nagbabakasaling marinig siya ng mga ito at matigil ang ginagawa ng lalaki ngunit naramdaman niyang may kamay na humawak sa kanya at nagmulat siya ng mata.

Si Cole ang sumalubong sa kanya.

"LIA," tawag ni Cole sa kanya at naitulak niya ito ng makita niya sa mukha nito ang mukha ni Rafael De Marco.

Miracle That We MeetUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum