Prologue

66 7 6
                                    


 "ANO ang nangyayari sa isang Lawiswis kapag namamatay siya yena?" tanong ni Luna sa kanyang ina habang sinusuklay nito ang kanyang buhok. Napakaganda ng kanyang yena iba ang kulay ng buhok nito na kakulay ng kanyang pakpak, kakulay din ng gabi ang mga mata nito. Sa tuwing matutulog sila sa gabi sinasabi ng kanyang yama na napaka-misteryoso daw ng mata ng kanyang yena. Parang katulad daw sa mga alamat ang mga mata nito, isang hiwaga.

Hindi nila kauri ang kanyang yena sapagkat ayon sa kanyang yama taga-labas ang kanyang yena. Isa itong nilalang na walang pakpak. Ordinaryo lang ang kanyang yena katulad niya. Ngunit magkaiba sila sa pisikal na anyo, ginto ang kulay ng kanyang mata, kayumanggi ang kulay ng kanyang buhoy na may matingkad na puti sa dulo ngunit wala siyang mga pakpak katulad ng isang Lawiswis. Ngunit may nakaguhit na pakpak sa kanyang likuran. Ang sabi ng kany ang yama iyon daw ang kabayaran ng pag-ibig nito sa kanyang yena ang pagkawala ng kanyang pakpak. Hindi na rin naman iyon mahalaga. Dahil masaya siya sa buhay nila, kung pag-ibig ang dahilan ng pagkawala ng kanyang pakpak ano ang dahilan niya para magreklamo? Kahit na kinukutya siya ng ibang batang Lawiswis dahil wala siyang pakpak, wala siyang pakialam. Dahil sabi ng kanyang yama espesyal sila ng kakambal niyang si .

Kabaliktaran naman niya ito. Itim na itim ang buhok nito, itim din ang kulay ng mga mata nito katulad ng kanilang sa ina ngunit mayroon itong magandang pakpak na kulay ginto. Kakaiba sa ibang mga batang lawiswis na karaniwan na ay itim ang pakpak. Ang pakpak naman ng kanyang ama ay kulay itim din. Si Tala lang ang nag-iisang Lawiswis na mayroong gintong pakpak.

"Napupunta sa totoong tahanan ang kanyang kaluluwa," sagot nito sa kanya.

Lumingon si Tala na nakatingin sa labas ng kanilang bintana. Maliit lang ang kubo nila na nasa hanggganan ng Namayan Pugad at ng mundo ng kanyang ina. Ang mga katulad nilang itinakwil na Lawiswis ay doon nakatira. Bago pa pinakasalan ng kanyang yama ang kanyang yena ay isang tagabantay na may mataas na katungkulan sa buong Namayan Pugad ang kanilang yama. Ito ang nagbabantay ng lagusan sa mula sa dalawang mundo. Binubuksan lang ang lagusan ng Namayan Pugad patungong mundo ng mga mortal kapag nagtagpo ang buwan at ang araw, doon lumalabas ang mga matatandang lupon upang mag-halad at magpasalamat sa mga biyaya na natatanggap ng Namayan. Kaya nga nakilala ng kanyang yama ang kanyang yena dahil nakakalabas-masok ito sa dalawang mundo. At isa sa pinagbabawal ang magmahal ng isang tagalabas. Pero sinuway iyon ng kanyang yama, bumaba ito sa katungkulan nito, tinanggap nito ang kaparusahan na tanggalan ng isang pakpak at lumayo sa Pugad nito. Ganoon kabigat ang kaparusahan ngunit kapalit naman niyon ay ang pagsama ng kanyang yena sa kanyang yama, tinalikuran din nito ang sariling mundo para sa pagmamahal.

Pag-ibig na makapangyarihan. Lahat ng balakid kayang lampasan, kahit gaano pa iyon kataas kinayang akyatin, kahit gaano kalalim kayang sisirin at kahit nasa dulo pa ng mundo kayang liparin.

"Ang mga tao yena ano ang nangyayari sa kanila kapag namatay sila? Katulad din ba ng mga Lawiswis?" narinig niyang tanong ni Tala sa kanilang yena.

Tipid na ngumiti ang kanyang yena. "Pareho lang, iisa lang naman ang lumikha sa atin," anang ina niya sa kanya.

"Gusto kong pumunta sa mundo mo yena, gusto kong makita ang iyong yena at ang iyong yama," sabi pa ni Tala na sa tuwina ay hindi maitago ang kasabikan na mapunta sa mundo ng kanilang yena. Palaging nagpapakita ng interes si Tala sa tuwing napag-uusapan ang mundo ng kanilang ina.

"Mahirap Tala, katulad dito sa Namayan Pugad malupit din ang mga tao, kapag may nakikita silang kakaiba na hindi kayang ipaliwanag ng kanilang isip ay kinukutya nila. Hindi nila tinatanggap. Mapanghusga ang mga kauri ko Tala," anang ina niya ngunit alam ni Luna na may mga gabi na naririnig niyang umiiyak ang kanyang yena, sinasabi nito sa kanyang yama na nangungulila na ito sa sariling mga magulang. Ang kanyang yama ay yayakapin lang ito at sasabihing darating ang araw na bubuksang muli ang lagusan at makakabisita ang kanilang yena sa mga magulang nito.

Miracle That We MeetWhere stories live. Discover now