Chapter Twenty-one

2 0 0
                                    

NAGULAT si Erica ng mapansin niyang papasok sila sa loob ng sementeryo. Hindi ito ang ine-expect niya matapos ang naging eksena nilang dalawa sa parking lot.

So, ano ang ine-expect mo? Date sa mamahaling restaurant? Or mga romantic na lugar kung saan siya magpo-propose sa'yo?

Sinaway niya ang sarili niya na medyo nag-assume ng very light. Kung sana isang pelikula ang lahat ng ito baka pwede pang mangyari iyon. Pero hindi, eh. Siguro nga na-miss lang niya ang binata ng sobra kaya kung ano-ano na ang mga naiisip niya habang papunta sila dito kanina. At siguro wala na rin namang dahilan para hindi niya aminin sa sarili na may nararamdaman na siya para dito. Kaya inisip din niya na baka the feeling is mutual.

Pero ano nga kaya ang gagawin nila rito sa sementeryo? Wala siyang mahanap na magandang dahilan para pumunta silang dalawa sa sementeryo.

"Tara na," ani Cole at inalalayan siya nito palabas ng sasakyan. Tumatakbo pa rin sa isip niya kung ano ang gagawin nila rito. Mga bandang alas-kwatro na at pababa na ang araw. Medyo creepy na ng mga sandaling iyon.

"Anong gagawin natin dito?" naisatinig na rin niya sa wakas ang kanina pang tanong na nasa isip.

"May kakausapin lang ako," sagot nito sa kanya at mas lalo lang siyang nagtaka.

"Sepulturero?" natawa ito sa tanong niya at ginulo nito ang buhok niya.

"Silly, halika na," sabi nito at niyakag na siya nito papunta sa kung saan.

Magkahawak pa rin ang kamay nilang dalawa habang papunta sa kung saan. Wala pa rin talaga siyang ideya hanggang sa tumigil sila sa isang puntod. Bumilis ang tibok ng puso niya ng mabasa ang pangalan na nakasulat sa lapida. Nanikip ang dibdib niya at naalala niya ang mga araw na nasa loob siya ng katawan ng babaeng iyon. Parang may bumara sa lalamunan niya at naiiyak siya ng mga sandaling iyon ngunit mabilis niyang pinigilan.

I'm sorry Lia, I'm sorry, aniya sa isip at naramdaman niyang naging mahigpit ang pagkakahawak ni Cole sa kanyang kamay.

"Wala siyang magulang, she was abandoned at iniwan siya sa isang ampunan pero naging miserable ang buhay niya ng mapunta siya sa mga sindikato. Naging mahirap ang buhay niya, pero hindi siya nagalit sa mundo, she was the most positive person na nakilala ko. Hinawaan niya ako ng lahat ng positivity na meron siya. She was my light, my everything. Pero siguro napagod na siyang mabuhay, napagod na siya sa magulong buhayna meron siya. Kaya siguro binangungot siya because she was tired, walang pahinga sa araw-araw na pakikipaglaban sa malupit na mundo. At ako? Anong nagawa ko? Hindi ko man lang siya nagawang ipagtanggol mga magulang ko, I'm so selfish, kaya sinisi ko ang sarili ko sa pagkawala niya." Ang luhang kanina pa niya pinigilan ay tuluyang pumatak.

Kanina siguradong-sigurado siya na may feelings siya kay Cole pero ngayon bigla ay natakot siya. Paano siya makikipag-kompetensiya kay Lia gayong alam niyang mahal ito ni Cole? That even she was gone may naiwan itong marka sa puso ng binata.

"But you came to me Erica, makulit, you always save me hindi lang sa mga aksidente kundi sa mga panahong wala akong gustong gawin kundi ang tapusin nalang ang buhay ko. Mula nang mawala si Lia alam ko na wala na rin akong saysay. But I was wrong, dahil kaya ko pa palang magmahal ulit. Tinuruan mo akong patawarin ang sarili ko, tinuruan mo akong mabuhay ulit. And I am here standing in front of Lia's grave, iniiwan ko na ang Cole na namatay mula ng mamatay rin si Lia. Gusto ko ng mabuhay ulit, gusto ko ng maging masaya dahil alam ko na may dahilan kung bakit nandito pa rin ako. At iyon ay ang makilala ka Erica," anang binata sa kanya at sa bawat salitang lumalabas mula rito ay palakas ng palakas ang iyak niya.

Nasasaktan siya. Hindi niya alam kung bakit. Siguro dahil all this time ay minahal niya si Cole kahit noong nasa katawan pa ni Lia pero alam niyang pag-aari na ito ng iba kaya naman ang pag-ibig na para dito ay napunta kay One. Minahal niya si One, alam niya iyon, and he was still loving him up to this moment pero mahal niya rin si Cole. Sa magkaibang paraan siguro. It was a lie when you say you can only love once, a heart is never a selfish heart. Kaya nitong magmahal ng marami. Iyon nga lang nasa iba't ibang paraan kung paano magmahal ang puso. Kaya nga may first love, puppy, greatest love at kung ano pang uri ng pag-ibig.

Miracle That We MeetWhere stories live. Discover now