Chapter Nineteen

2 0 0
                                    


PARANG instinct na tumaas ang kanyang kamay at agad na pinahid ang mga luha ni Erica. Hindi niya alam kung dahil ba sa nakikita niyang kalungkutan sa mga mata nito kaya bigla rin siyang nalungkot at nasasaktan habang nakatingin sa mga mata nito. Nakatulugan niya ang pagyakap kay Erica at ng magising siya kanina ay hindi niya magawang bumangon. Nakatingin lang siya sa mukha nito at hindi niya magawang alisin ang tingin niya rito. She was so beautiful. Kung sasabihin nitong isa itong anghel ay paniniwalaan niya ito.

"Bakit ka umiiyak?" tanong niya dito matapos niyang punasan ang mga luha nito. Mukhang nagulat pa nga si Erica na ginawa niya iyon. "Bakit biglang naging malungkot ang mga mata mo?" tanong niya ulit dito ng hindi na ito sumagot pa sa kanya. Unti-unti ay napapansin niyang nawawala ang pakpak nito. Bumalik na ba ito sa normal?

"O-Okay na ako pero parang nanghihina pa rin ako pakiramdam ko, parang hindi ko pa magawang bumangon," sagot nito sa kanya na mukhang iniiwasang sagutin ang naunang dalawang tanong niya.

"Bakit ka umiiyak?" likas na matigas ang ulo niya at gusto niyang malaman kung bakit umiyak ito at kung bakit malungkot ang mga nito. For him Erica was his savior, a superhero. Ha has this impression that Erica was strong. Dahil kung hindi ito malakas ay hindi siya nito kayang iligtas. He was not talking physically, but emotionally. Pero bakit ng mga sandaling iyon ay nakikita niya si Erica bilang isang babaeng kailangan ng tagapagligtas. It seems that she was drowned from her own misery.

"May naalala lang ako," tipid na wika nito sa kanya at mukhang wala talagang balak na pag-usapan ang dahilan ng biglang pag-iyak nito.

Nagkibit-balikat siya at bumangon na. Mukhang mataas na ang sikat ng araw sa labas. "Hindi mo pa rin ba maigalaw ang katawan mo?"

"Nawala na ang pangmamanhid pero parang nararamdaman ko na mahina pa rin ang katawan ko. Gusto kong bumangon ngunit hindi ko parang ayaw pa ring makiayon ng kataan ko," sagot nito sa kanya at napansin niyang sinubukan nitong igalaw ang katawan ngunit nabigo ito. Mukhang nahihirapan nga ito at nakikita niya ang frustration sa mukha nito.

Nakarinig sila ng katok at agad na bumukas ang pinto ng silid. Magkasunod sina Charles at Fidel na papasok. Nasa likuran si Fidel at may bitbit na tray na may lamang pagkain at ang gamot ni Erica.

"Hi, Erica," bati ni Charles dito at agad na lumapit ang lalaki at naupo malapit kay Erica. Mukhang walang tulog si Charles base sa nanlalalim na mga mata nito.

"Anong nangyari Charles? Nasaan ako?" Narinig niyang sunod-sunod na tanong ni Erica dito.

"Nasa bahay kita ngayon, dinala kita dito dahil malala ang pinsala ng lason sa katawan mo. Kailangan mo munang magamot bago ka umalis dito." Paliwanag ni Charles kay Erica at nakita niyang tumango-tango ang babae. "Sa ngayon magpahinga ka muna at si Cole ang bahala sa'yo. Tutal siya naman ang dahilan kung nasa ganyang sitwasyon ka ngayon," dugtong pa ng lalaki at hindi niya alam kung pinapasaringan ba siya nito o ano.

Inilapag na ni Fidel ang dala nitong tray at nilagyan ulit nito ng gamot si Erica. "Pakainin mo siya," ani Fidel na lumingon sa kanya.

"A-Ako na," wika ni Erica ngunit tinapunan ito ni Charles ng tingin.

"Bakit kaya mo na ba?" sarkastikong tanong ni Charles dito at tinapunan siya ulit nito ng tingin. "Ano pang tinatanga mo rin 'yan? Pakainin mo na si Erica," utos nito sa kanya at mukha talagang bad trip sa buhay. Mukhang hindi maganda ang gising at mainit ang ulo.

Wala siyang choice kundi ang tumalima. Lumapit siya sa tray na may mga hiniwang prutas, nagpaalam na ang dalawang lalabas na at naiwan ulit silang dalawa ni Erica.

"Pasensiya ka na 'dun ha? Masyadong bossy," narinig niyang wika ni Erica at ngitian lang niya ito ng tipid.

"Totoo naman 'yung sinabi niya eh, dahil sa akin kaya nagkaganyan. Bakit kasi palagi mo nalang nilalagay ang sarili mo sa alanganin para sa akin? Hindi naman tayo ganun ka close," saad niya dito at kumuha ng hiniwang mansanas at isinubo kay Erica. Mukhang nahihiya pa ito ngunit sumunod naman.

Miracle That We MeetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon