Chapter Ten

10 1 0
                                    


MAHIGIT ISANG oras na siyang naghihintay dito at kanina pa siya naiinip. Gusto na niyang umalis. Sinabi ni Lia sa sarili niya na bakit siya magpapakahirap sa paghihintay dito gayong hindi niya naman ito totoong minahal. Gagamitin lang naman niya ito sa mga plano niya laban sa pamilya nito. Pero ng maisip niya ang mga bagay na iyon ay parang sumakit ang kanyang dibdib. Parang may tumutol doon. Umiling siya. Hindi iyon pwede. Masisira niyon ang mga plano niya. Mga plano niyang matagal niya binuo at ngayon ay naisasakatuparan na niya.

"Just think straight Lia, sumunod ka sa original plan mo," paalala niya sa kanyang sarili at nakabuo siya ng desisyon na umalis nalang.

Sinabi sa kanya kanina ni Cole na magkita sila sa park na malapit sa café nila na ipinagtaka niya dahil hindi lumalabas ang binata kasama siya sa mga matataong lugar. Naiintindihan naman niya ito dahil kilala ang pamilyang kinabibilangan nito kaya minsan ay nag-iingat ito laban sa mga media at sa mga matang tila palaging nakamasid sa mga kinikilos nito.

Tumayo na siya at nagsimula ng maglakad. Bakit nga ba siya naghintay doon? Bakit nga ba siya nakaramdam ng disappoinment gayong dapat nga ay matuwa pa siya dahil hindi ito sumipot. May dahilan siya para magalit dito. Dahil simula ng magkasama sila ni Cole hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na magalit dito. Kung magalit man siya o magtampo ay mga maliliit na bagay ang dahilan. Mga normal na bagay na kadalasan ay pinag-aawayan ng mga nasa relasyon.

Pero hindi normal ang relasyon namin, iyon palagi ang paalala niya sa kanyang sarili.

"Lia," napatigil siya sa paglalakad ng marinig ang partikular na boses ni Cole at nang lingunin niya ay nakita niyang nakatayo ito sa gitna ng maraming tao. Nakangiti. Andun na naman ang kakaibang tibok sa kanyang puso sa tuwing nakikitang nakangiti ito. At sa tuwing nakatingin siya dito parang may tinutunaw si Cole sa kanyang puso, ang mga galit, pagkamuhi, at mga poot na inipon niya doon sa tagal ng panahon na nagdusa siya dahil sa ama nito.

Hindi pwede Lia, hindi pwede, anang isang boses sa isip niya ngunit habang papalapit si Cole at mataman siyang nakatingin dito ay may isang bagay siyang napagtanto. Tinalo na ng kanyang puso ang kanyang isip. Habang nakatingin siya sa lalaking papalapit sa kanya ay alam niyang nawala na ang mga hangarin niyang maghiganti. Gusto nalang niya na maging totoo sa kanyang sarili. Na minahal niya ang lalaking anak ng sumira sa kanyang buhay. How ironic. Ang taong sumira sa kanyang buhay, anak lang din naman pala nito ang magbibigay sa kanyang bagong pag-asa. Mga pag-asa na baka pwede siyang maging totoong masaya sa kabila ng lahat. Hindi siya normal. Kakaiba siya. Pero umaasa siya na baka matanggap siya ng lalaking papalapit sa kanya.

Nang tuluyan ng makalapit si Cole sa kanya at agad niya itong niyakap. Nangg mayakap niya ito ay naramdaman niya ang kakaibang comfort na dito lang niya matatagpuan. "Bakit ang tagal mo, bakit pinaghintay mo ako?" aniya sa basag na boses.

"Happy first anniversary babe," bulong nito sa kanya at tinanggal nito ang mga kamay niya na nakapulupot dito. "Sana magustuhan mo," sabi nito at bigla ay nakita niyang may isa-isang sumaway sa harap nila, at may mga lalaking isa-isang lumapit sa kanya at nagbigay ng bulaklak.

Isang taon na pala silang magkarelasyon. Isang taon na simula ng isipin niya na gustong maghiganti sa pamilya nito. At isang taon na rin mula ng malaman niya na kahit hindi ka na buo pwede ka parin palang maging masaya. At pwede pa rin palang pulutin ang mga basag mong pagkatao at unti-unti ay buuin. At iyon ang ginawa ni Cole. He picked every piece of her and he made her whole again, ng hindi niya namamalayan.

"HEY, nandito na tayo," naramdaman ni Erica ang mga kamay ni Cole na tumapik-tapik sa kanyang balikat. Nagmulat siya ng mata at agad na nagtama ang kanilang mga mata. Nakangiti ito at naramdaman niyang naging mabilis ang tibok ng puso ni Lia. Ang mga ngiting iyon ang isa sa dahilan kung bakit siguro nag-iba ang isip ni Lia na sa halip na maghiganti ay mahalin at pairalin nalang nito ang pag-ibig na nararamdaman para sa kanya.

Miracle That We MeetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon