"Sabi nga niya hindi na niya ako mahal. Na may iba na raw siya, na tigilan ko na siya" huminga ito ng malalim.
"Unti-unti naman itong hihilom kung una mo. munang tanggapin ito tatanggapin. Kaya accept it, step by step. Wag mong biglain, because the more na minamamadali mo ang lahat, the more na hindi ka makaka-usad" napayuko na lang siya. Looks like he's processing what I said.
"Miss Saquian, pinapatawag ho kayo sa Principal's office" sabay kaming napalingon ni Em sa pinto nang marinig namin ang surname namin.
"Sino?" Tanong sa kaniya ni Em. Dalawa kasi kaming Saquian kaya hindi namin alam kung sino ba talaga ang pinapatawag.
"Si Miss Jessi ho" napataas ang kilay ko nang marinig ko ang pangalan ko. As far as I can remember, wala naman akong naging kasalanan para ipatawag. Ano na namang kailangan ng gurang na yun sakin?
"Bakit daw?" Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Kita kong parang naiilang pa ito sa akin. Okay? At bakit naman?
"Hindi ko po alam" nakayuko pa niyang sabi sa akin. Takot ba to sakin o ano?
"Kanina ka pa nagp-po, magka-edad lang naman tayo ah" I said. Sobrang formal naman niya kasi eh. Nakangiti lang itong nakatingin sa akin.
Nilingon ko si Em na nakatingin lang sa akin. Lumabas ako ng room. Napapansin ko rin na kapag dumadaan ako may ibang bumabati pero may iba namang nag-iiba ng daan o di kaya ay tumatabi kapag napapadaan ako.
Nang makarating ako sa labas ng principal's office kumatok muna ako bago dahan-dahang binuksan ang pinto ng opisina. Nakita kong naka-upo si Mister Abrantes, ang lolo ni Tanner.
"Good morning po, Lolo" siya kasi ang naghahandle ng school dahil wala raw siyang mapagkakatiwalaang iba. Busy naman kasi sa kompanya ng pamilya nila sina Tita at Tito.
"Oh nandito ka na pala, hija. Maupo ka muna" sa halip na umupo ay lumapit muna ako sa kaniya para magmano. Umupo na rin naman ako matapos nito.
"Bakit niyo po ako pinatawag?" curious na tanong ko. As far as I know ay wala naman akong kalokohang ginawa. In fact, sobrang bait ko ngayon. Nakangiti lang itong nakatingin sa akin. Ang creepy talaga ng matandang to. Parang palaging may masamang binabalak.
"Hindi lang ikaw ang pinatawag ko pati na rin si-" naputol ang sinsabi ni lolo nang may narinig kaming katok sa pinto. Napatitig na lang ako rito nang dahan-dahan itong bumukas.
Kumunot ang noo ko nang makita si Eli. Ano namang ginagawa niya dito? Pinatawag rin siya? Anong ibig sabihin nito? Anong meron?
"Good morning, Dean" sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makaupo na ito sa harapan ng upuan ko.
"I'll go straight to the point" inalis ko ang tingin kay Eli at binalik kay Lolo. Meron itong hawak na folder at nakita kong nakatingin lang ito sa laman ng folder.
"I'm impressed by the both of you" napatanga ako sa sinabi niya. What does he mean by that? At ano raw? Impressed? Nagkatinginan kami ni Eli, parehong naguguluhan pero binalik lang naman ang tingin sa matanda.
"With due all respect po, what do you mean by that? And what are you trying to tell us?" Eli asked. Tumingin ako sa kaniya at nakitang diretso lang itong nakatingin sa matanda, puno ng pagtataka ang mga mata nito.
"Can you be the host of the big event during the school's foundation day?" may malawak na ngiti ang naka-ukit sa labi nito habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. Anong connect nito ng pagiging impressed niya sa amin?
"I'm lost. What does that supposed to mean? How does being impress to us leads you to push making us the host?" nakakunot ang noo kong tanong sa kaniya. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nito.
"Ibig kong sabihin you two are popular" tumingin ito sa akin bago nagpatuloy sa pagsasalita "You, you're famous because of your family's name. Not only that, but you truly made your name in the society—being awarded as the best selling author and being an influencer"
I listened carefully. Still trying to connect the dots of why he wants me to be the host of the event. I'm somehow known in town but I'm not that well-known, for me to be a host.
"If may I ask po, ano pong connect ng pagiging sikat sa pagiging host, Lo?" taka kong tanong sa kaniya.
"Wait, hija, let me share my points first" he said to me motioning me to stop talking and to listen to him. Tinikom ko na lang ang bibig ko. Fine, makikinig na lang muna ako sa kaniya.
"Elijah on the other hand is a famous varsity player, also known as the running valedictorian of your batch. Most of the girls is swooning over you and that concludes, you two are perfect for this task. Our goal for this year's foundation day is to donate to the charity, the income we'll be getting through the event." I can't still seem to grasped what he's talking about.
"And ano po? Just because we're known it doesn't mean that people are already that addicted to pay money just to watch us host an event" Eli said with a serious face. Mukhang pinaglalaban niya rin na wala pa rin namang silbi ang pagiging host namin kung pera naman pala ang habol ng school.
"Well, of course, di naman sa inyo umiikot ang gabing yun. The school and the student council will prepare an event that will surely pull the audience, kahit pa mapa-outsiders yan o taga-rito" sumandal ito sa upuan niya at binitawan ang papel. Nagpalipat-lipat pa ang tingin nito sa aming dalawa.
"Afterall, remember that you're the student council's president, Jessi. You should make this event successful. All of the money we'll be making will be going to the charity. Elijah, isn't that what you want?" pangungumbinsi niya pa sa amin. Come to think of it, tama naman kasi siya.
Napahinga na lang ako ng malalim. Nanatili kaming tahimik ni Eli. Walang nagsasalita. Nakatulala lang ako sa nameplate kung saan naka-ukit ang pangalan ng Dean. Magiging host lang naman ako diba?
"But we both don't have any experiences at hosting, Lo" nakita kong napailing ito sa reklamo ko habang nakakurba ang kaniyang labi ng isang ngiti. Baliw
"And it will be your first experience, isn't it going to be exciting?" Nasisiyahan na sabi nito sa amin. Alam ko naman ang ugali ng isang to. Whatever he wants, he gets.
"Are you going to accept the challenge or not?" palipat-lipat ulit ang tingin nito sa amin ni Eli habang prenteng nakasandal sa malambot niyang upuan. Habang hindi na mabiling kung ilang buntong hininga ang pinakawalan ni Eli, nakatulala lang naman pa rin ako at iniisip kung ano ba ang dapat na gawin.
Sabay kaming napasalampak ni Eli sa upuan nang marinig ang pagsara ng pinto dahil sa paglabas ni Lolo. Kailangan daw siya sa bahay nila kaya naiwan kaming dalawa ni Eli sa loob ng opisina nito.
"Mauuna na ako" akmang tatayo na sana ako nang mabilis itong lumapit sa akin. Pinatong nito ang dalawang kamay sa armrest ng inuupuan ko kaya nakulong tuloy ako sa inuupuan ko.
"Magsabi ka ng totoo, naiilang ka ba sakin?" kunot noo at takang nakatingin lang ako sa kaniya. Ano ba naman ang takbo ng utak ng isang to? Anong nangyayari dito. Palipat lipat lang ang tingin ko sa dalawang mata ko at ganun rin naman siya.
Naestatwa na lang ako ng makita kong napadako ang tingin nito sa labi ko. Ramdam ko kaagad ang mabilis na pagtibok ng puso ko na para bang nag-10 km ako. Mas lalo akong nagulat ng unti-unti nitong nilapit ang mukha niya sa akin.
Tangina! Ito na nga nga ang sinasabi ko eh. Kaya delikado talagang iwan ako mag-isa kasama ang lalaking to. Kahit gustuhin ko mang suntukin siya ay nanghihina ako. Hinang-hina ako. Kahit principal's office ay di niya talaga pinalampas
"Oh my gosh! Get a room."
June 27, 2022
EDITED VERSION
#OnlyExceptionWP
YOU ARE READING
Only Exception (UNDER REVISION)
RandomDoes love really exist? To the family who always has an unsuccessful marriage? To the family for whom marriage is just a duty? A duty you need to fulfill when you find a person you think is suitable for you? A marriage that isn't made of love, but...
