Napatingin ako sa labas. May nakita akong jeep sa kabilang side ng daan. I then saw a sign and it has Loading and Unloading
written on it.
Paglingon ko kay Manong, nakatingin rin siya sa jeep. Wait, don't tell me na ipapasakay niya kami sa isang public vehicle.
Exciting!!
It will be my first time. My family won't allow me to because of the reasons I don't know—maybe because they just want to secure me and make me comfortable with the luxurious things Mom didn't have.
Mom gave me everything, literally. Sometimes I will tell her na it's too much but she wouldn't even listen to me and my grandma will only tell me to just let her be.
She also told me to just let Mom do those things because she want wanted me to have the life she didn't have when she was at my age.
"Ma'am, paano kung sumakay na lang kayo ng jeep? Malapit na rin po sana tayo pero masyadong mainit naman kung lalakarin niyo lang," nakaharang ang palad nito sa nakakasilaw na araw.
Sa init ba naman ngayon na nakakasunog. Buti na lang gumagamit na ako ng sunblock kasi baka madaling tumanda ang skin ko kung sakaling wala akong ginagamit.
I saw Kaye nodded her head like agreeing to what her driver said. Kahit ako, agree. Let's try some new things naman, right?
For memories. Asus, 'yun naman palagi mong rason, Jessi, 'di ba? Kapag may gagawing isang bagay for the "memories".
Ayoko kaya ng boring stories na ike-kwento ko sa mga anakis ko in the future. Tuluyan na ngang umalis ang driver at lumapit sa jeep. Napatingin sa kaniya ang driver ng jeep habang pinupunasan nito ang pawis sa mukha.
"Manong, pwede ba ninyong ibaba ang mga dalaga sa unibersidad?" Well, nabasa ko lang naman sa labi niya.
Kailangan ko kaya pag-aralan ang ganyang mga bagay for future purposes lang naman. Nakita ko pang nag-usap sila. Seryoso pa ang mukha ng driver namin. Maya-maya pa
ay bumalik na ito sa side namin.
"So... Okay na?" Tango ang sinagot ni Kuyang Driver kay Kaye. Ngumiti nang malawak si Kaye sa akin. Para siyang si Evie at ako naman si Mal.
Ang accurate kasi ng ugali namin sa dalawang 'yun. Ang sarap talaga kapag may kaibigan kang maiintindihan at masasandalan mo.
"Mag-iingat ho kayo, Ma'am," rinig kong sigaw ni KD (ang haba kasi ng Kuyang Driver) mula sa kabilang side ng daan.
We just waved our hands at him and we felt the jeep already moving. Grabe ang siksikan dahil uwian na ng mga taga SAC—isang Catholic school for every grade levels pa naman kaya, hayst.
Kabilang side ko ay si Kaye na nakatingin lang sa labas. Nakita kong pinagpapawisan na siya. Nakaramdaman na rin ako ng pamamawis ko dahil sa siksikan. Muntik pa ngang mabunggo ang ulo ko kay Kaye dahil sa biglaang paghinto.
Magpapasakay pa ba sila? Grabe, sobrang sikip na nga! At mas malala pa dahil may maliit na pwesto sa katabi ni Kaye kaya doon siya naupo.
As in sobrang liit n'un—parang isang pwet lang ang makakaupo. Buti sana kung maliit lang siyang tao pero malaki kasi siyang tao. Kaya nagsiksikan kami ni Kaye at napasiksik pa tuloy ako sa isang gwapong nilalang na katabi ko.
YOU ARE READING
Only Exception (UNDER REVISION)
RandomDoes love really exist? To the family who always has an unsuccessful marriage? To the family for whom marriage is just a duty? A duty you need to fulfill when you find a person you think is suitable for you? A marriage that isn't made of love, but...
