11

18 0 0
                                        

"Kuya! Ang galing galing niyo talaga" sigaw agad ni Miley at nagthumbs-up pa. Tumaas baba pa ang kilay nito.

"Ano? Ayos ba, Master?" pagpapasikat sa akin ni Apollo. Tinawanan lang naman siya nina Kuya at ng iba kasi palagi namang naaagaw ng kalaban kapag sa kaniya na ang bola.

"Ang yabang mo, masyadong pakampante" ngumuso naman ito sa sinabi ko sabay punas ng kaniyang pawis gamit ang panyong nilahad sa kaniya ni Ate Michelle.

"Siguro nga hindi tayo dapat magpakampante" kaagad na sabi ni Kuya tungkol sa sinabi ko na ikinatango naman ni  Ares.

Seryoso silang nag-usap tungkol sa gagawin nila sa game. Pati si Apollo na minsan lang sumeryoso ay seryosong nakikinig at nagbabahagi ng kaniyang mga suggestions. Ganun na ba ka importante sa kanila ang manalo sa laban na to o may iba pang dahilan?

"Una na kami?" Napalingon sina Kuya sa amin nang magsalita si Ivory. Halatang nagulat ang mga ito dahil ang bilis nilang mapatingin sa amin. Are they that deep with their conversation?

"Sige" tumango lang siya at uminom na lang ulit ng gatorade niya bago hinarap ang mga kasama niya.

"Master! Wish us luck" biglang singit ni Apollo at nagflying kiss pa nga. Baliw talaga!

Nauna nang maglakad si Em kaya sumunod na lang rin naman kami sa kaniya. Magkasabay naman na naglalakad sina Ivory at Kaye habang sina Em at Miley naman ang magkasabay.

Napatigil na lang ako nang humarang si Eli malapit sa hagdan. Hindu ata ako napansin ng mga kasama ko kasi nagpatuloy lang sila sa paglalakad. Ano na namang kailangan nito? Kapag kalokohan talaga ang sasabihin niya, masasapak ko ulit to. Masyadong papansin.

"Ano na naman?" Punong-puno na talaga ako ha. Nakangiti lang naman siya sakin na para bang hindi siya pagod sa laro. Kasama kasi siya sa first five kaya siguro dapat nakakapagod yun diba?

"Where's my goodluck?" Nakita ko naman ang mga kasamahan niya sa likod na nagwawarm-up daw kunwari pero halata namang nakikinig at nagmamasid. Nang makitannila akong nakatingin ay kaagad sila umiwas ng tingin, nagkukunwari pa.

"What? You wish, kalaban mo mga kapatid ko and yet you expect that from me?" ngumiti naman ito na para bang inaasahan ang narinig mula sa akin.

"I know" natigilan ako nang lumapit ito sakin at bumulong "May I remind you of the word love?" Ibig ba niyang sabihin na siya ang mahal ko?! Ang kapag talaga. Sino sya sa inaakala niya ha?

"ANG. KAPAL. MO" mahina at madiin kong sabi sa kaniya bago siya tinulak palayo sakin. Muntik pa nga matumba at bago ko siya lagpasan ay nakita ko pa ang mapaglarong mga ngiti sa labi niya. Walanghiya talaga!

Narinig ko pa tuloy ang pagkantyawan sa kaniya ng mga teammates niya. Grabe talaga ang pagka-kupal ng isang yun. Akala mo kung sino. At ano ba kasi ang alam niyang hindi ko alam?!

Humabol ang team nina Eli and they eventually won the game. Well that was impressive, mukhang wala naman na kasing pag-asa kanina kasi ilang segundo na lang ang natitira sa at may dalawang points na ahead sina Kuya. Paano ba naman nag-three points shot suya.

The crowd roared. Ang ingay! Grabe yung saya sa mga mukha nila at kahit pa man natalo ang team nina Kuya ay hindi na man parang nanlumo ang mga tagasuporta nila dahil ang iingay pa rin ng mga ito, cheering for the winners. Paalala na isa itong friendly game at may magandang purpose ito.

Nakita kong napasimangot ang mga kateam ni Kuya but they still congratulated the opposing team with genuine smiles plastered on their faces. Napangiti na lang ako pero agad ring nawala nang makita kong nagawi ang tingin ni Eli sa akin at ngumiti bago iniwas ang tingin. Napairap na lang ako sa kawalan.

Only Exception (UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon