1

279 1 0
                                        

"Jessi!" tawag ni Marianne sa akin. Tiningnan ko siya at nakitang handa na siya para pumuntang university habang nakasabit ang backpack sa likod niya. Si Marianne ay may natural na kagandahan na masasabi mong tisay talaga.

"Sandali lang," sabi ko, at sabay kaming bumaba papunta sa dining area kung nasaan sina Nanay at Tatay.

Pabalik-balik rin ang mga kasambahay dahil nagigising na ang mga amo nila, pati na rin ang apo nina Nanay at Tatay na nandito nakitulog ay kailangan nilang asikasuhin.

"Buenos Días, Nay! Tay! (Good morning, Mom! Dad)," Hinalikan ko sila sa pisngi at umupo sa upuan ko habang nagbuhos ng gatas ang mga katulong sa baso ko.

Sa totoo lang, ayaw ko talaga sa gatas; sumasakit lang talaga ang tiyan ko kapag umiinom kaya hindi ako umiinom ng marami. Kailangan lang talagang uminom ng gatas sa umaga.

"Good morning, Nay at Tatay," segunda ni Em-em sa akin. Kaming dalawa lang ang nandito, si Miley kasi ay excused for one week dahil magbabakasyon nilang mag-pamilya.

Pamilya nilang iilan lang sila habang sa amin, mapapasabi ka na lang ng Diyos ko po, kay raming anak, kay rami rin ng apo. Paano ba naman, 12 lahat silang anak ng grandparents ko.

Ibinaba ko ang kutsara at tinidor, saka kinuha ang table napkin at elegante kong pinunasan ang gilid ng labi ko bago ako tumayo sa upuan ko. Para kunwari mabait at elegante, ika nga nila.

Buti na nga lang at hindi natuloy ang pangalan kong Maria Clara kaya Maria Jessi na lang. Pasalamat sa Tatay kong nagparehistro sa akin na walang plano sa pangalan ko.

Hinarap ko sina Nanay at Tatay na tapos na rin sa pagkain. "Nay, Tay, aalis na kami."

Nabigla ako nang hatakin ako ni Marianne. Kumaway na lang ako kina Nanay at Tatay na napapailing na lang. Mukhang nagmamadaling pumasok sa school ah.

Naiisip ko na talaga na umiibig na siya. Kanino kaya? Haha! Ano pa kaya ang gagawin niya kung in love na talaga siya?

"Ate, ano ba 'yan?" Kaagad kong kinuha ang braso ko sa pagkakahawak niya. Ang sakit kaya sa higpit ba naman nito!

Ano kayang tunay na nangyayari sa kaniya? Nabigla ako nang may humatak sa akin palayo kay Em-em.

"Hey guys," napairap na lang ako kay KJ. Bagay sa kaniya ang pangalan niya—kill joy.

Siya naman... basta, siya 'yung lalaking close namin. Kababata kasi naming magpinsan to eh. Hindi kami pinapayagan na mapalapit sa ibang lalaki ng mga nakakatanda maliban na lang sa naging kaibigan namin noong elementary na parang hindi naman na kami kilala. Ewan ko ba bakit pinagbabawalan kami eh.

"Dapat pala nating i-congratulate si Marianne dahil natalo niya ako," biglang lumiwanag ang mukha ko sa sinabi niya.

Tatawa na sana ako kaso pinigilan ko lang at nakangiting humarap kay Ate na nakasimangot ang mukha. Nakangiti naman si KJ na parang may naalala.

"Ayos pala ang ginawa kong ritual sa 'yo," mas lalo lang akong natawa nang binatukan niya ako.

Napatawa kami ni KJ sa pagiging pikon niya. Ano kayang meron sa kaniya? Alam kong kahit si KJ ay naninibago sa mga gawi niya ngayong araw, dahil parang may bumabagabag sa kaniya na ano eh.

"Malelate na tayo," walang gana itong naglakad papunta sa sasakyan. Napatawa naman ako dahil hindi ko pa naman siya nakitang mabadtrip tulad nito.

Hindi naman kasi siya pikunin. Baka nagising lang siya maling side ng kama kaya hayaan na lang natin. Napatingin ako kay KJ.

"Baka may regla," tawa kong sabi kay KJ at agad na akong sumunod sa kaniya nang patakbo.

Pagkapasok ko sa kotse ay nanonood na siya ng TikTok, as usual. Wala naman yatang magbabago, 'no? TikToker talaga 'to, everyday may iba't ibang moves na nalalaman sa TikTok.

Only Exception (UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon