Napahikab ulit ako sa hindi ko mabilang na beses. Shuta! Nagpuyat ako kagabi para lang mag-update pang next chapter ko tapos hindi ko pa nasave. Buhay talaga oh! Kahit tignan ko pa sa revision history wala pa rin. No use.
Ayoko na talaga! Sira na ang araw ko. Kinamot ko ulit ang buhok ko out of frustration. Ano ba yan, wala na ba talaga akong ikakamalas pa ngayong araw. May mga kasambahay na yumuyuko kapag nakikita ako at bumabati pero hindi ko sila mabati pabalik because of this annoyance inside me. Baka sila pa mabuntunan ko and trust me they don't want that to happen.
Sa kakareklamo ko sa utak ko ay hindi ko na napansin na nakarating na pala ako ng dining hall. Nakayuko lang ako hanggang sa makaupo sa upuan ko. Wala talaga ako sa mood ngayong araw. Sirang-sira na talaga. Kahit nakayuko ay pansin ko pa na nakatingin lang sila sa akin.
"Morning" kahit magsalita ay tinatamad ako. Bumuntong hininga ako at hindi ko pa naaayos ang buhok, well hindi naman pala ako nag-aayos ng buhok.
Pinaghirapan ko yun! Pinagpuyatan! Tapos hindi man lang masasave. Ang payapa ng tulog ko kagabi e pero paggising ko pala may problemang sasalubong sa akin.
Kinuha ko ang kanin tapos tiningnan ko kung may maganda bang ulam ngayon. Malay mo dahil sa ulam gaganda araw ko. Medyo lumiwanag naman amg paligid ko nang makita ang luncheon meat kaso malayo ito sa akin.
"Pakikuha" turo ko sa luncheon meat na nasa dulo. "Thanks" kinuha ko naman ito nang ipinatong nito sa tabi ng pinggan ko ang sisidlan. Kumuha lang ako ng tatlo at nilahad sa katabi ko ang sisidlan na kinuha naman niya at binalik sa pinaglalagyan kanina.
"Are you okay. . . ?" Rinig ko pa ang pag-aalangan sa boses ni Kuya nang tanungin nito ako. Nakasimangot ko siyang tinignan. Tumaas ang kilay niya sa akin bago binalik ang tingin sa pagkain ko.
"Obvious ba?" Tinusok ko ang isang meat at agad na pinaslak sa bibig ko. Bahala sila jan. Isa pa kilala na rin naman ako.
"Maria" rinig kong sambit ng isang asungot. Napairap na lang ako sa hangin. Mahina kong nilapag sa mesa ang kubyertos at taas kilay na tiningnan ang taong nangahas na may tumawag pa talaga sa akin.
"Anong--?" nayayamot na sabi ko at nilingon siya pero laging gulat ko na lang nang makita kung sino ito. Shit!
"Eli!?" Napatayo ako bigla nang makita siya dahil sa gulat at naglikha pa nga ng ingay ang upuan. Nanlalaki pa rin ang tingin ko habang nakatingin sa kaniya.
"Jm" madiin na sambit ni Nanay. Nabalik ako sa reyalidad nang marinig siya. Bumuntong hininga muna ako bago umupo at inayos ang sarili. Mahina akong napailing para mawala ang konting kirot ng ulo ko.
"Usap tayo mamaya" mahinang bulong niya sa akin nang bumalik na sa pagkain ang lahat. Kita ko naman ang nag-aalalang tingin sa akin ni Marianne. Tango lang ang sagot ko sa katabi at sumubo ulit ng kanin.
Aish! Buti na lang may pagkain na nagpapagaan ng damdamin ko. Kaso nga lang hindi ako makakain ng marami ngayong umaga kahit gusto ko. Eh ano ba naman kasi! Tuwing natatapos akong kumain sa umaga e natatae ako maliban na lang kung hindi masyadong marami ang kinain ko. Eh minsan sa sobrang gutom ko niraramihan ko edi the consequence is on the way.
"So, as I was saying. . .". tumikhim si kuya kaya napaangat ang tingin ko sa kaniya. I saw that he put down his spoon and fork then drink a water.
Binalik ko na lang ang atensiyon sa pagkain ko. "That I won't allow her to date anyone until she graduates" nabulunan ako sa narinig at kaagad na nabuhay ang katawang lupa ko.
"Sino Kuya?!" Kumikisap-kisap pa ang mata ko habang nagsasalita. Yeah, I'm smart! (not bragging though) pero may pagka-chismosa ako no lalo na pagdating sa mga malalapit sa akin pero sa ibang tao ano namang pake ko sa buhay nila. Bakit ba late ako bumaba, nahuhuli na naman ako sa balita.
YOU ARE READING
Only Exception (UNDER REVISION)
RandomDoes love really exist? To the family who always has an unsuccessful marriage? To the family for whom marriage is just a duty? A duty you need to fulfill when you find a person you think is suitable for you? A marriage that isn't made of love, but...
