Mabilis akong bumaba ng stage. Wala rin namang nagbigay pansin sa akin kasi di naman ganun kagandahan ang boses ko. Normal naman na yun kasi nga taga-Pilipinas naman ako kaya sanay na tong mga to sa boses na yun.
"Ang galing talaga ng anak ko. Manang mana sakin" she said while giggling even shaking my shoulders.
"Gutom na ako, my" sabi ko na lang sa kaniya at agad naman siyang kumapit sa akin tsaka nilabas na ako ng lugar na yun.
Mabuti na lang talaga at wala na siya sa entrance nang dumaan kami. Kung nandun pa siya, siguro hindi ko alam kung anong gagawin ko. Baka bigla ko pang mahatak si Mommy pabalik sa loob kahit gutom na gutom ako.
Bumaba kami ng groundfloor at nakahanap naman agad akmi ng kainan na kakaunti lang ang kumakain kasi hindi naman siya pangmeal eh. Batchoy kasi siya kaya hindi masyadong marami ang mga taong nandito.
Nang maka-order na kami at nang hinihintay na lang namin ang order ay nagkuwentuhan na lang lami ni Mommy. Masyadong matagal naman na noong huling nagka-usap kami ng maayos.
"Anak, sana naiintindihan mo si Mommy ha? Kung bakit palagi akong wala. I just want the best for you. I want you to have the life I haven't experienced" nakatingin lang ako sa kaniya at napangiti ng maikli. Of course, naiintindihan ko naman siya eh.
"Of course, my" ano pa bang magagawa ko? Will I tell her ba na 'The only thing I want in this world is to have a mother by my side, my, but because of the things you believed in to, you disregard what I really wanted'? No.
"I'm happy na naiintindihan mo ako, nak. Do you know the last time pumunta ako ng Singapore. Ang ganda pala dun, may nakita akong-"
Napatigil sa siya sa pagsasalita nang dumating na ang pagkain namin. Nag-umpisa na rin naman kaming kumain at panay naman siya kwento sa mga nangyari sa kaniya sa Singapore, tsaka sa France tsaka kung saang lupalop man yun ng mundo.
Tumatango tango na lang ako sa mga kinukwento niya. Kailan kaya ako makakapunta sa mga lugar na kinukwento niya? Kailan kaya kami magkakasama? Na sa halip na ikwento niya yan sa akin ay sabay naming na-eexperience yun.
Kinuha ko ang iced tea tsaka uminom nang nagulat ako sa nakita ko. Mabilis ko na naibaba ang baso at gulat na nakatingin sa kaniya. Kaya pala kanina pa ako parang hindi mapakali.
Kanina pa ba siya nakatingin sa akin? Kita ko pang ngumiti siya. Talaga naman oh. Bakit ba nandito rin siya? Akala ko ba nandun siya sa arcade ha? Nakatingin lang ito sakin habang naka-upo rin sa isa sa mga table. Siya lang ang mag-isa dun!
"Busog na ako, my. Uwi na po tayo" tumingin ako kay Mommy tsaka uminom ng iced tea. Mabilis kong kinuha ang napkin at pinunasan ang bibig ko.
Kita ko namang natatarantang binilisan ni Mommy ang pagkain niya at uminom ng iced tea niya rin. Taka siyang tumingin sa akin habang may kinukuha sa bag niya.
"My! Bilisan mo po" sinamaan niya ako ng tingin at binuksan ang lipstick nito tsaka nag-apply.
"Pinagmadali mo na ako sa pagkain pati ba naman sa retouch?" tanong niya sa akin at pinasok din naman kaagad ang lipstick sa bag nito nang tumayo ako.
Nagmamadali naman akong naglakad paaliz sa lugar na yun at mabilis namang nakasunod sa akin si Mommy. Nakarating naman na kaagad kami sa parking lot ng mall.
Nakarating rin ako sa spot kung nasaan kami kanina nagpark pero hindi ko nakita ang sasakyan namin sa halip ay ibang sasakyan na ang nakapark.
Magtatanong na sana ako kay Mommy nang makita ko si Eli sa tabi lang namin. Muntik pa akong mapatalon. Buti na lang talaga at napa-atras lang ako e. Nakakabigla naman tong isang to. Nakangiit lang siyang nakatingin sakin.
ESTÁS LEYENDO
Only Exception (UNDER REVISION)
De TodoDoes love really exist? To the family who always has an unsuccessful marriage? To the family for whom marriage is just a duty? A duty you need to fulfill when you find a person you think is suitable for you? A marriage that isn't made of love, but...
