"Hoy!" Mabilis kong natulak si Eli palayo. Tumalikod ako sa kanila at agad na pinunasan ang mga luha ko. What the fuck just happened? Did I just let him to fucking kiss me?
"Master?!" rinig ko pa ang OA na sigaw ni Apollo. "Anong ginawa sayo ni Elijah!?" nagulat ako nang marinig yun. Ares?! Siya ba yun?
I faced them. Walang emosyon ang mukha ko because I don't want them to see my misery inside. Tinuruan ko kasi silang magbasa ng emosyon kaya kailangan ko ring mag-ingat kahit papano sa paligid nila.
"Nothing" maikling sagot ko at aalis na sana sa harapan nila nang hinila ulit ako pabalik. Inis kong binalingan ng tingin ang gumawa nun at nakita ko na naman ang pagmumukha ni Eli pati na ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.
"What?" may halong inis ang madiin kong tono. Nakakainis na ang isang to eh! Ilang beses niya pa ba ako hihilahin? Palagi na lang! Argh, kainis talaga.
"Anong nangyari dito bago kami dumating?" nagbabantang tanong ni Ares. Tumingin ako Sa kanilang anim ay si Kuya Bry-bry talaga ang umaastang pinakamatanda, kaya rin close kami dahil siya ang tagahatid-sundo ko noong elementary.
Nagulat na lang ako nang tinago pa nga ako ni Eli sa likuran niya. Ano na naman bang trip nito? Kung tutuusin di naman nila malalaman na hinalikan ako nitong unggoy na to eh. Siya kasi ang nakatalikod sa way papunta rito kaya hindi rin ako masyadong makita dahil mas matangkad naman siya sakin eh.
"Napuwing kasi siya" kalmadong sagot ni Eli. Pasimple kong pinahiran ang tuyong luha, hindi naman siguro yun masyadong halata.
"Huh?" sabay-sabay pa nilang tanong. Nahawaan ba sila nung mga babaeng yun? Bakit naman in unison din sila?
"Bakit parang ang lapit mo naman kanina?" pahabol na tanong ni Haphaestus sa kay Eli.
"Napuwing nga diba?" sagot naman ni Eli sa kaniya na para bang 'ang obvious na nga tinatanong pa' ang tono ng pananalita niya.
"And we really need to go already" biglang sabat naman ni Poseidon dahil alam niya ang gusto kong ipahiwatig sa pamamagitan ng mga mata. Sa mga ganitong sitwasyon si Poseidon lang talaga ang maasahan ko.
"Yeah" pagsang-ayon naman ni Hermes dahil alam na niya kung bakit sumingit ang kapatid niya sa usapan. Buti naman at hindi sila pahirapan kausapin.
"Makakarating 'to kay Jeo" masamang tingin lang ang binibigay ni Apollo kay Eli. Nauna naman siyang maglakad at sumunod ang mga ksama niya. Susunod na sana ako nang may pumigil na naman sa braso ko.
Nakakailang ulit na tong si Eli ah?! Konting-konti na lang talaga masasapak ko to. Sana bigyan ako ng sign.
"Damit?" Oo nga pala!
"Fine" napipilitan kong sagot dahil baka umangal ulit ako eh kung ano-ano na naman ang lumabas sa bibig niya.
"Sa locker room tayo, nandon mga gamit ko" nauna na ito sa paglakad at nakasunod na lang ako sa kaniya. Nang makarating na kami sa labas ng locker room nila ay hindi pa rin niya binubuksan ang pintuan. Problema nito?
"Sure ka ba na suot mo ang jersey?" alanganing tanong nito. Sinamaan ko siya ng tingin. Aabot ba kami dito kung wala? Ginagamit niya ba utak niya?
"What? Do you think I'll come with you if I'm not wearing it?" natawa naman siya at napailing. May narinig pa akong bulong nito pero hindi ko naman maintindihan.
"You never change" ano na naman bang binubulong-bulong niya jan? Kainis talaga tong lalaking to. Magsasalita na sana ako pero kaagad rin niya naman binuksan ang pinto at naunang pumasok.
Papasok ba ako jan? Napatingin ako sa corridor at mukhang mahirap kapag sumigaw ako, halos walang makakarinig dahil nasa gym na silang lahat tapos ang ingay pa.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
Only Exception (UNDER REVISION)
РазноеDoes love really exist? To the family who always has an unsuccessful marriage? To the family for whom marriage is just a duty? A duty you need to fulfill when you find a person you think is suitable for you? A marriage that isn't made of love, but...
