9

15 0 0
                                        

Nakatingin lang ako sa labas, halos puro puno ang nadadaan namin at pero mas marami ang rice field. Nakakamangha rin ang mga bahay na colorful, ganito ka ganda ang mga tanawin sa probinsiya.

Naririnig ko namang naglalaro ng online games sina Kaye at Ivory dahil sa mga mura nila sa isa't isa habang nagkukwentuhan lang namn si Marianne at Miley. Sinasali naman nila ako paminsan-minsan pero mas madalas ay hindi naman nila ako kinukulit dahil napansin naman ata nila na wala akong ganang makipachikahan sa kanila.

Maya-maya pa ay tumigil ang sasakyan sa harapan ng isang tyangge. Malapit na rin naman ito sa EBJ kung saan mangyayari ang game.

Kailangan rin pala naming magduty next month para sa cluster meet. Nandito rin kasi gaganapin ang mga laro sa cluster meet. Bukod kaso sa pagiging president ng Student Council ay president din ako ng student's medical team.

Nakakapagod na buhay to oh. Gusto rin ni Nanay na pasukin ko ang mga orgs na yun kasi nga raw mas dadami ang connections ko. It was all about connections. Ewan ko ba. Nakakapagod rin e.

"Pabili" wala kasing ang nagtitinda kaya sumigaw na lang ako.

Nakita ko naman ang isang ginang tumatakbo papunta sa tiyangge dahil malayo ito sa bahay nila. Nakangiti itong tumingin sa akin tsaka pinunasan pa nito ang pawis sa noo gamit ang panyong nakalagay sa balikat nito.

"Anong bibilhin mo, ne?"

"Gatorade po yung color blue" binuksan naman nito ang refrigerator na nasa gilid na bahagi ng tiyangge. Maliit lang ang loob nito pero ang dami naman ng mga paninda.

"Meron, ne, ilan ang bibilhin mo?" Napatigil ako ay napaisip saglit. Wala naman siyang sinabi kung ilan ah.

"Lima ho, tag-ilan?" Magpapabili na nga lang hindi pa kinumpleto ang info.

"Trenta isa bale wanpipti lahat" Tumango lang ako tsaka naglabas ng pera. Nilagay niya ito sa plastic tsaka nilahad sa akin kaya nilahad ko rin ang bayad sa kaniya.

Nang nakasakay na ako ay kaagad namang umandar ang sasakyan, baka kapag natagalan pa kami rito baka ano pang mangyari sa player kuno, insert sarcasm.

Pagkarating namin sa EBJ Sports Stadium ay mahabang pila ang siyang sumalubong sa amin at ang maingay na paligid. Hindi naman seryoso ang laro nila ah? Di rin naman hineld ng government kaya bakit ang rami ng manonood?

May biniling tickets kasi sila beforehand and meron pa atang nagbebenta ng ticket sa kabilang table dahil dalawa ang pila ngayon at ang nasa isang pila nakalabas na ang mga tickets while ang sa kabila ay wala silang ticket.

Sana fundraising to. May papasok kasing bagyo kaya naghahanda rin ang lahat at if fundraising nga to ay makakatulong to sa mga nasalanta if ever. Sino kaya organizer nito?

"Ang haba naman ng pila" reklamo ni Kaye, kumapit pa ito sa akin at sa kabila naman ay si Ivory habang si Em naman ay nakakapit kay Ivory at sa tabi nito ay si Miley.

"Oo nga" sabay naming sabi habang hindi maipinta ang mga mukha. Parereho kaming madaling mainip siguro nasanay rin sa hindi mahahabang pila.

For example, kapag enrollment, ang schools kasi rito ay puro online enrollment kaya walang pila na nagaganap. Sa canteen, wala ring pila dahil may mga waiter naman na magseserve, mangilan-ngilan lang ang pumupunta sa counter.

Isa pa, pagkatapos ng bagyo or kunwari may mga ayuda, isa-isang pinupuntahan ng mga officials ang bahay ng bawat pamilya para ibigay ang ayuda nila. Lastly, traffic, walang traffic sa probinsiya kaya hindi talaga kami sanay sa mga ganito.

Sa di kalayuan ay may nakita akong pamilyar na lalaki. Naningkit pa ang mga mata ko para tingnan nang mabuti. Hindi lang pala siya nag-iisa dahil mukhang buong team o dalawang team ata yun dahil ang sa kabilang side ay iba ang kulay ng jersey at sa kabila naman ay iba rin. Sila?

Only Exception (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now