"What's happening?" seryosong tanong ni Kj. Napatingin ako sa kaniya at nakita kong ang mga tingin lang nito ay naka kay Tanner. Rinig kong tumikhim si Tanner at umayos ng tayo.

"It's an accident" Tanner answered followed by a numerous nod by Em. Nakakunot lang ang noo ko sa kanila but brushed it off. Malaki na si Em, alam naman naming alam na niya ang ginagawa niya.

Napailing na lang ako at tumingin sa orasan. It's already 10 in the evening. For sure magagalit ang parents ni Tanner na ngayon pa ito magpapasundo, sobrang gabi na. Wala namang problema kung nakapagpaalam siya ah.

"That's all for today muna, let's call it a day. Ayusin niyo na ang mga gamit niyo at magsi-uwian. Gabi na" tanging nasabi ko na lang at nauna na akong mag-ayos ng gamit ko. Nilampasan ko lang ang dalawa.

Dati pa lang ramdam na ramdam ko na ang pagkailang sa kanilang dalawa. Parang may tension na hindi ko mawari kung ano. Ano bang meron sa dalawang to? Kung ano man yun, sa kanila na yun.

"Ahm ako na lang ang maghahatid kay Callum" napatingin agad ako sa kanila at kita ko na lang na hatak-hatak na ni Em si Tanner. Isn't that going to be awkward?

Bahala sila. I saw Kj is busy with his phone and so I grabbed mine. I went to the balcony of the room at ramdam ko kaagad ang ihip ng hangin. Magkaibang-magkaiba talaga ang pakiramdam ng aircon kesa ang sariwang simoy ng hangin.

Tinukod ko ang mga braso sa railings at binuksan ang phone. Ano kaya ang mga bagong chismis nila sa buhay? How about political chismis? Ano na naman kaya ang meron.

Kunot noo naman akong nakatingin sa cellphone ko nang tumawag si Eli. Anong kailangan nito? Sasagutin ko ba to? At balit ba siya tumatawag ng ganito na kagabi? Akala ko ba magkasama sila ni Kuya? Sa huli ay sinagot ko na lang rin naman.

"Hello?" nilagay ko ang phone sa tenga at tumingin sa entrance ng bahay. Ayan na naamn siya. Nakatingin lang sa akin na puno ng pagkaseryoso. Ano na namang problema nito?

"What were you doing up there, hmm?" I can feel the seriousness in his voice with a hint of a smile. Ano na naman bang problema nito ha? Seriously?

"May ginagawa lang kaming project with Marianne and Tanner" bored na sagot ko. Habang nakatingin lang sa kaniya. "You, why are you here this late at night?" nakataas kilay na tanong ko sa kaniya.

"Your Kuya and I talked about something" his eyes still locked with mine.

"Hmm is that so?" I said mocking his tone earlier.

"Yes, and I'm going home. Goodnight" he waved his hands at me and binaba na ang tawag. He got in his car. Sinundan ko na lang ng tingin ang sasakyan nitong papalayo. Nang hindi ko na ito makita ay pumasok na ako sa loob.

Nakita kong busy pa rin sa phone si Khalil sa phone niya. Nakasandal lang ako sa doorway habang nakatingin sa kaniya. Ano na naman kaya tong pinag-aabalahan niya? Nakakunot lang ang noo nito pero halata mong hirap na hirap na ito.

"I talked to her through chat" pagsisimula niya. Tumingin pa ito sa akin, looking at me helplessly.

"I'm all ears" he sighed then started talking.

"I told her kung pwede bumalik na siya sa akin dahil gagawin ko rin naman lahat para sa kaniya" yumuko ito at himig ko sa boses niya na parang iiyak na siya. Ganun niya na kamahal ang babaeng yun?

"Maybe, she needs space? Afterall, ang babata niyo pa lang naman" naiiling na sabi ko while frowning. Grabe namang problema yan. Umiwas siya ng tingin sa akin at napasuklay sa buhok niya.

"Space? Hindi naman ako astronaut" sabay tawa ng mahina. Halata na ngang nasasaktan pero tumatawa pa rin. Baliw talaga.

"Let's say, baka hindi talaga kayo ang para sa isa't isa. Ang babata pa natin, we don't know what the future holds. Malay mo, may mas mamahalin ka pa kesa sa kaniya" rinig ko pang tumawa ulti ito ng sarkastiko.

Only Exception (UNDER REVISION) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora