"Yeah, I like Hades too. He's loyal to his wife unlike the other gods that has so many affairs with other women like Zeus and Poseidon but he has many exes too unlike Cupid who only have one woman in his whole life" pa-irap na sagot ko sa kaniya.

"Let's just do it, Miss Jessi" napatingin ako kay Tanner, tinaasan ko siya ng kilay. Miss Jessi? Wow ha.

"Just call me Jessi" ramdam ko ang titig ni Em-em sa akin. Ano na naman?

Sa huli naghanap talaga ako ng paraan para makipag-swap at sinabi ko na rin sa teacher namin ang tungkol sa swap ng Greek god na mangyayari. Sa una ayaw pa nito pero pumayag na rin naman sa huli.

Sinimulan na lang namin ang ginagawa namin, kanina pa ako nagtataka kung bakit tahimik si Kj. Wala itong imik nung magreact ako tungkol sa Greek god na na-assign sa amin kanina. Usually kasi kapag, nagre-react ako ay pinagsasabihan niya ako kaagad.

Nagsasalita lang siya kapag may itatanong tungkol sa project namin. I'm bothered because it seems that he's really not himself. We knew each other since we were and I know him pretty well.

"Good evening, young people" nakangiting humarap sa amin si Nanay "Jessi" tumayo ako at lumapit kay nanay.

"Bakit po, nay?" Bigla akong napaiktad dahil kinurot niya ako sa singit "Nay!" Mahinang sigaw ko. Nakahawak pa rin ako sa kinurot niya at lumayo naman ito sa akin.

"Bumili ka na naman ng libro, eh marami ka ng mga libro jan. Natapos mo na ba ang lahat ng nandiyan?" nakakunot noo na sabi sa akin ni Nanay habang magkadugtong ang kaniyang mga kilay.

"Nay, naman natapos ko na. Wala na rin akong mabasa dahil wala na akong natitirang libro" dahilan ko sa kaniya habang kinakamot ang batok.

"Bahala ka na ngang bata ka, siya nga pala ang Mommy mo tumawag kanina tinatanong kung ano na namang mga kalokohang ginawa mo" buntong hininga ang sagot ko sa kaniya.

"Hindi na ho ako nag-cutting pakisabi na lang kay mommy" tumango na lang ito sa akin kahit halata namang hindi naniniwala. Alam naman nilang responsable akong klaseng student leader at hindi basta basta leader lang dahil ako ang Student Council President.

Sa kabila ng pagiging responsable ko ay alam naman nila na kahit papaano ay hindi naman talaga ako ganun ka good samaritan at good model sa mga schoolmates ko dahil ang hilig ko ring mag-cutting at makipagbasag-ulo. Boring naman kasi ng klase.

Nilampasan naman ako ng tingin ni Nanay at nabaling ito sa mga taong nasa likuran ko. Napatingin na lang rin ako sa kanila at nakita ko pang mukhang nagulat pa sila sa ginawa ni Nanay sa akin..

"Magsumbong ka sa akin Marriane ha" gulat pa rin ito pero tumango naman ito kay Nanay. "Huwag mo na ulit kunsintihin ang batang ito kung mag-cucutting ulit" mabilis naman siyang tumango sa sinabi ni Nanay.

"Opo, Nay" tanging sagot nito sa kaniya.

"Oh siya, sige na magluluto na lang ako ng bischo-bischo para pang meryenda niyo" napatingin pa ito kay Tanner

"Oh nandito rin pala ang unico hijo ng mga Abrantes? Hijo nakikiramay ako at pakikumusta na lang pala sa iyong mga magulang at sa lolo't lola mo" maliit lang na ngiti ang naibigay nito ni Nanay sa kaniya.

"Makakarating po, Lola" nakangiting sagot nito kay Nanay na halatang may bahid naman ng sakit.

Nginitian lang ulit sila ni nanay bago lumabas. Kaagad kong sinara ang pinto at tumingin kay Em. Napakunot ang noo nito ng lumapit ako sa kaniya nang may ngiting nakapaskil sa labi ko.

"Ano na namang gagawin mo?" Ngiti lang ang sagot ko sa kaniya at nang makalapit na ako ay kinurot ko rin ang singit niya kaya bigla nito akong nabatukan.

"Masakit" reklamo ko habang himas himas ang ulo. Nakurot na nga tapos nabatukan pa.

"Eh, anong sa tingin mo sa ginawa mo sa akin? Hindi masakit?" sarkastikong sabi niya sa akin kaya napangisi na lang ako.

"Akala mo, ako lang ang makukurot ikaw rin no. Sinumbong mo ako kay Nanay" kaya napatawa ito sa sinabi ko sabay iling pa.

"Hoy, hindi ako yun. Siya yun" turo nito kay Kj na ngayon ay nakatingin na naman sa kawalan habang naka-upo sa dulo ng kama ni Em.

Lumapit ako sa kaniya at mabilis siyang binatukan. Ano na nanang nangyayari sa isang to? "Aray, bakit ba?" inis na tanong niya at inangat ang tingin sa akin.

"Lalim ng iniisip ah" nakangisi kong sabi sa kaniya at umupo sa tabi niya.

"Bakit nasisid mo ba?" I scoffed and shifted my gaze towards him.

"Usap tayo sa labas"

June 25, 2022
EDITED VERSION
#OnlyExceptionWP

Only Exception (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now