"Mhm-mhm hati tayo mahal ko" nakanguso ito habang pacute ang boses. Umakting naman akong nasusuka. Shuta akala mo bahay nila 'to. Makasohan nga ng PDA.
"Pda" paparinig ni Krizel sa kanila. Nanlaki ang mga mata ko nang lumingon sila sa amin.
"Patent Ductus Arteriosus" mabilis na sabi ko "it's the persistent opening between two major blood vessels leading from the heart. The opening, called the ductus arteriosus, is a normal part of a baby's circulatory system before birth that usually closes shortly after birth. If it remains open, however, it's called a patent ductus arteriosus" mahabang paliwanag ko.
"Oo nga 'yun! Yun nga! Nakaalimutan ko rin" mabilis na sang-ayon sa akin ni Marianne.
"Tama ka natatandaan mo pa pala yun? Pa quiz-quiz ka pa kasi Kriz yan tuloy" tumawa pa Lexy para kapani-paniwala.
"Feel ko talaga pagiging bobo ko" nagkamot sa ulo si Ivory.
"Ano ba 'yun?" Nagtataka itong nakatingin sa amin na ngayon ay nasa loob na ng sasakyan habang siya naman ay sa labas pa.
"Basta" hinila siya paakyat ni Marianne sa sasakyan.
Nakatingin lang ako sa kaniya habang pinaparking na niya ang sasakyan. Ang galing niya naman mag-park. Hindi tulad. ko. Bumaba na kami ng sasakyan. Parang transferee ata siya pero halatang kilala na siya sa university.
Hindi nga lang tulad ng nasa may mga movies na may mga banners sila o nagtitilian. Sila kasi tahimik lang at pasimpleng nagnanakaw ng tingin.
Pasimple lang silang napapatingin sa direksiyon namin. Shit natatakot pa naman ako sa mga babae minsan, lalo na yung warfreak.
"Thanks" tinapik ko muna sa balikat si Eli tsaka na nagsimulang maglakad paalis habang hawak sa kamay si Marianne.
Mas binilisan namin ang paglalakad para hindi na kami pa mapigilan ni Eli at isa pa baka malate pa kami kung kakausapin pa namin siya.
May project na dapat gawin pero by pair. And I feel like I'm in cloud nine when I found out we'll talk about Greek Mythology. Kaya nga galing sa Greek myth ang code names ko sa mga kaibigan ni Kuya Jeo eh.
Gustuhin ko man na Philippine Myth parang it's not giving the same vibes na. Hindi naman kasi ako ganun ka maalam sa Philippine myth dahil mas nagfocus ako sa pagbabasa ng Greek myth.
Habang nasa byahe ay nagbabasa lang ako ng libro na Sherlock Holmes dahil gusto ko lang. Hindi ko nga akalain na si Tito at Tita ang susundo sa amin pero okay na 'yun. I felt my phone buzz in my pocket.
Kinuha ko ito sa bulsa ko at nakitang may text galing kay Eli. Napakunot ang noo ko. Ano kayang masamang hangin ang umihip sa lalaking 'to para magtext.
Kuya Eli
Saan kayo?
Sina tto ang sumundo
sa amin kaya hindi mo
na kami kailangang ihatid
Okay take care
K
Hindi naman kasi ako short mag reply 'no. Ayoko lang kasi na ma feel nila na ayaw ko silang kausap. Pero kapag si Eli why not? Pero kidding aside, the truth is I'm scared na mapahaba convo namin. Baka ano na ang masabi ko sa kaniya.
I can still remember the day noong sinabihan ako ng dating bestfriend ko na annoying mabuti because of how much a yapper I am. Sana kung sa akin niya sinabi okay lang pero hindi 'e. Sa ibang tao niya pa talaga sinabi.
DU LIEST GERADE
Only Exception (UNDER REVISION)
SonstigesDoes love really exist? To the family who always has an unsuccessful marriage? To the family for whom marriage is just a duty? A duty you need to fulfill when you find a person you think is suitable for you? A marriage that isn't made of love, but...
