Kaagad akong bumalik sa taas at diretso sa kwarto ni Marianne at nakita ko siyang nagtitiktok. Nakalimutan ko pa ngang kumatok. Kaagad itong tumingin sa akin at lumapit sa phone niya.

"Bakit?" tanong niya sabay kuha ng phone at lumapit sa akin.

"Samahan mo naman ako oh" nagtataka itong tumingin sa akin pero nginitian ko lang siya.

"Saan ba?" Napatingin siya sa relos niya at inangat ang tingin sa akin.

"Chapel may misa naman siguro ngayon nakalimutan ko kanina eh" nakangiti kong sabi sa kaniya. Nagpapacute obvi.

"Teka, hintay lang" sinara niya ang pinto. Ilang minuto pa akong naghintay hanggang sa lumabas na siyang nakajeans at nakasimpleng blouse na navy blue.

"Si Miley kaya?" Nag-aalinlangan kong sabi kay Marianne.

"Eh dapat kanina pinuntahan mo siya" napakamot pa ito sa buhok niya na nakaponytail.

"Sorry" napahinga na lang siya ng malalim at mukhang wala nang magawa pa. Sabay kaming pumunta sa kwarto ng nakakabtang pinsan namin.

Nagulat na lang kami ng makita namin siyang lumabas sa kwarto niya. Nakabihis ito ng dress na blue rin na long sleeves. Hindi man lang ako ininform na dapat magblue kami.

"Ate I'm ready" may maliit na heart shape na sling bag ang nakasabit sa balikat nito.

Naghintay kami kay Krizel, Ivory at Halexy dahil nachat ko na sila at kung pwede rin bang daw na sumabay na lang sila sa amin. Kaagad ko namang sinabi yun sa driver para ang SUV ang madala niya. Nang makarating sila ay umalis na agad kami. Hindi naman kasi ganun kalayo e.

OA lang si nanay sabi niya kasi highway yun kaya baka may kumidnapped sa amin o baka may mangyaring masama sa amin. OA lang, Nay? Lagi kaya akong ready hindi ako mapapahamak because of kidnapping lang no.

Baka nga kikidnappin pa lang kami butas na agad gulong nila. Hinding hindi nila ako makakaharap. Like huh? Sino sila para makita ang kagandahan ko. Nakarating kami sa chapel ng matiwasay.

Matapos ang misa ay nakita ko ang dati kong kaklase may bago na naman siyang kasama. Sa maliit na private school kasi siya nag-aaral, maliit lang ang population nila, walang fun at fans. State university kasi kami. Halos mayayaman ang nakakapag-aral pero open for all naman. May scholarship naman. Mabait kasi ang may-ari kaya ginawa itong state university. And our university was meant to be a prestigious one if it weren't for the recent headmaster na ginawa itong state university when it looked like prestigious.

May bago na naman kasi siyang kalandian. Maybe girlfriend? I saw his tweet yesterday and I found it funny cause he swore that he will never flirt but what is he doing now. Seriously? Kahapon lang yun ah? But I guess can't blame him, ikaw ba naman ipagpalit sa malapit? Nakakawalang dignidad.

Napadaan kami sa kanila dahil walang sariling parkingan ang chapel kaya sa looban pa namin ito pinark. Sa gilid kasi ng chapel ay may daan papunta sa isang baranggay pa. Malawak ang space sa tabi ng daan kaya duon nagpapark ang mga may sasakyan.

"Gusto mong pansit?" rinig kong sabi nito napatingin ako sa kanila at nakitang nakaakbay ito sa babae tapos magkahawak kamay pa ang mga ito.

"Mhm-mhm" tatango-tango naman na sagot ng babae habang nakanguso. Kinaganda mo?

"Hati tayo?" Marahan ang pagkakatanong nito sa babae. What the hell?

Only Exception (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now