Kabanata 31

161 4 0
                                    

Family.

Sunod-sunod ang patak ng luha ko habang nakatingin sa sulat ni Tita Janah. Halos mapunit ito sa diin ng pagkakahawak ko. Malakas akong humagulgol nang yakapin ako ni Papa.

"I'm sorry, anak. K-Kasalanan ko talaga ang lahat," sabi ni Papa.

Mariin akong yumakap sa kaniya habang hinahagod niya ang likod ko.

"I love your mother so much that it gives insecurity to Janah. I was planning to file an annulment for our marriage but she said that she'll kill herself if I leave her again."

"I tried loving her again pero nabigo ako. Mas mahal ko si Ayla. Mas mahal ko ang iyong ina," sabi niya.

Iyak ako nang iyak habang nagku-kwento si Papa. Pinupunasan niya ang luha ko habang patuloy na nagsasalita. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Ni hindi ko alam kung sino ang sisisihin ko sa kanilang tatlo. Tanggap ko na may kasalanan din si Mama, pero mas malala ang kasalanan ni Papa. He cheated on Tita Janah with my mother. Walang sapat na rason para magloko kaya alam kong mali ang relasyon nila. Ibig sabihin, mali rin na naisilang ako. I was a mistake of my parents at ang hirap tanggapin no'n.

"Please have a rest, anak. Bukas ay ililibing na si Janah," sabi ni Papa.

Marahan akong tumango. Pinunasan niya ang luha ko habang seryosong nakatingin sa akin. Marahan akong tumayo bago nagpaalam sa kaniya. Hinang-hina ako nang makalabas ako ng study. Nakasalubong ko pa ang ilang kasam-bahay na naglilinis ng bahay.

Dumiretso ako sa kwarto. Wala ang mag-ama at pakiramdam ko nasa baba sila. Saglit akong tumulala bago pumasok ng banyo. Nagbabad ako sa bathtub ng isang oras bago nagtapis ng tuwalya.

Halos mapatalon ako nang makita si Cartier na tinitimplahan ng gatas si Chanelle. Parang kaka-dede lang ni Chanelle, ha?

Saglit niyang sinuyod ang kabuoan ko bago nag-iwas ng tingin. Medyo nailang tuloy ako. Kumuha ako ng damit sa closet ko bago muling bumalik sa bathroom. Akala ko wala na siya sa kwarto paglabas ko, pero mukhang hinihintay niya ako.

"Are you okay?" Tanong niya.

Tumingin ako sa kaniya saka tumango. Tipid akong ngumiti bago humarap sa vanity table ko at doon inayos ang sarili. Medyo naiilang pa ako dahil ramdam ko ang tingin ni Cartier sa akin.

"May kailangan ka ba?" Tanong ko.

Malakas siyang bumuntong-hininga. "Tinatanong nila kung sino ang nanay ni Chanelle, sinabi ko ang pangalan mo. Ayos lang ba?"

Napahinto ako sa paglalagay ng lipstick sa labi ko. Nilingon ko siya at tinaas ang kilay ko.

"Bakit? Sino ba ang nanay ni Chanelle?" Sarkastikong tanong ko.

Umigting ang panga niya sa sarkastikong sagot ko. Hindi siya nagsalita pero tumango siya sa akin. Muli akong bumalik sa ginagawa. Tinutuyo ko ang buhok ko nang lumabas siya ng kwarto.

"Magang-maga ang mata mo," bulong sa akin ni Vincent nang makita ako sa sala.

Nakasuot siya ng puting t-shirt at pantalon. Mukhang kakatapos lang maligo.

"Halata ba?"

Tumango siya saka hinapit ang bewang ko. "Maganda pa rin naman."

"Bolero!" Singhal ko.

Humalakhak siya bago halikan ang noo ko. Sabay kaming nagpunta sa gawi nina Tita Vina. Nag-uusap ang mga ito tungkol sa ginawa ni Tita Janah. Maski ang mga reporters ay nakikinig. Gulat na gulat sila sa nalaman. Hindi naman kasi talaga gano'n ang ugali ni Tita Janah, nakakabigla.

"Si Chanelle?" Tanong niya.

Saglit kong hinanap ang lamesa nina Cartier. Nakita ko siya roon na nakaupo sa table. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makita si Charlynn.

Slow Dancing in the Dark (Pontevedra Series #1)Where stories live. Discover now