Kabanata 17

107 2 0
                                    

Merge.

Nakanguso ako nang buksan ni Cartier ang pintuan ng penthouse niya. Gulat siya nang makita ako. Inis akong nagmartsa papasok sa penthouse niya tapos nilapag na lang sa gilid ang mga pinamili ko.

"Nakita ko sina Papa kanina," panimula ko.

"Oh, that's why you're grumpy," natatawang sabi nito.

Hinapit niya ang bewang ko tapos hinalikan na naman ako sa noo. Sa sobrang inis ko, umalis na lang ako ng mall. Ni hindi na ako nagsabi kina Rei at Cha. Nagpaalam lang ako sa kanila na may dadaanan ako nang makasakay na ako ng taxi.

"Nakakainis. Pinakilala pa ako no'ng asawa niya na pinsan daw ng pamangkin niya. Ew!"

Tuloy-tuloy ang pagra-rant ko habang nakahalukipkip. Nakikinig lang siya sa akin. Tumatawa. Sinusulsulan ako.

"Nako! Kung ako 'yan mas magagalit pa ako," muli niyang panunulsol.

Sinamaan ko siya ng tingin. Humalakhak lang siya tapos yumakap sa akin. Doon ko lang napansin na marami palang papeles na nakapatong sa lamesa niya. Mukhang marami na naman siyang tinatrabaho.

"Bakit dito mo ginagawa 'yan?" Tanong ko, nakanguso sa mga papers.

"You texted me. Ayaw ko namang hayaan kang mag-isa rito at magmukmok. Kaya inuwi ko na lang," sagot niya.

Naguilty naman ako roon. Next time kapag tinopak ako, siguro uuwi na lang ako sa apartment at doon magmumukmok. Kaysa naman maabala ko siya sa kaniyang ginagawa.

"Sorry," sabi ko.

"It's fine. Babasahin ko lang naman ito at pipirmahan. My secretary will get this later," sabi nito para mapanatag ako.

Ngumuso ako.

"I said it's fine. Halos isang linggo rin tayong hindi nagkita dahil busy ako. It's good thing that you texted me."

Hinayaan ko siyang magtrabaho roon. Nanonood lang ako sa ginagawa niya, nang mabored naman ay nag-scroll lang sa Facebook at nagshare ng kung ano-anong mga memes.

"You hungry?" Tanong ni Cartier nang tumayo siya.

Pinatunog niya ang leeg niya bago ako tingnan. Doon lang napatingin sa orasan ng cellphone ko. Ala una na pala. Ni hindi ko namalayan dahil sa sobrang badtrip ko.

"Gusto ko ng Carbonara. Nagc-crave ako," sabi ko sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata niya, "You're pregnant?"

"I just had my period last week," singhal ko sa kaniya.

Humalakhak siya sa reaksyon ko. Tuwang-tuwa dahil napikon niya na naman ako. Tumawag lang siya sa baba para magpaorder ng pagkain namin.

"Are you going to be busy this year?" Tanong niya habang nakasubsob sa aking leeg.

"Hindi ko alam. Hindi naman siguro."

Ang sabi naman kasi sa amin sa third and fourth year pa kami tatabunan ng sandamakmak na gawain. Medyo chill nga lang ako no'ng first year bukod sa foundation week namin. Medyo maganda nga ang grades ko roon dahil ang article ko ang napasama.

"We'll be having a big project in Cebu. Magiging busy ako," sabi nito sa akin.

"It's fine. Maghahanap na lang ako ng trabaho para may pagkaabalahan ako," sagot ko.

"I want to put you on our resto bar kaso maraming lalaki roon. Baka magselos ako," nakangusong sabi niya.

Humalakhak lang ako.

"I'll put you on our office. Pwede ka naman maging encoder doon..." sabi nito. "Or be my assistant?"

Pinalo ko ang dibdib niya dahil sa biro niyang iyon. Humalakhak siya. Sigurado naman akong kapag magkasama kami, lalandiin niya lang ako nang lalandiin. Gano'n naman lagi.

Slow Dancing in the Dark (Pontevedra Series #1)Where stories live. Discover now