Kabanata 13

80 2 0
                                    

Warning: R18+
If you are a minor or not open to this kind of scene you can skip this and proceed to the next chapter.

———

Love.

"Gabriella!" Nagising ako sa mahinang katok ni Cha sa kwarto ko.

Hindi ko na kailangang bumangon para pagbuksan siya dahil siya na ang nagkusang gumawa no'n.

"Nakuha ko ang susi ng suite ni Rei. I-surprise natin siya mamaya," bulong sa akin ni Cha.

Ni walang pumasok sa utak ko kaya umoo na lang ako. Nagtulukbong pa ako. Gusto ko pa sanang matulog kaso ang walang hiyang si Cha ay hinatak ang paa ko kaya nalaglag ako sa kama.

"Cha!" Natatawang saway ko nang bumagsak ako sa sahig.

Mabuti na lang at natukod ko ang kamay ko kaya hindi lumagapak ang mukha ko. Humalakhak siya habang hatak-hatak pa rin ako. Binitawan niya lang ako nang makalabas kami ng kwarto ko.

"Get up! We need to buy things na," sabi nito sa akin.

Masama ang tingin ko sa kaniya nang tumayo ako.

"Sorry na. Kailangan pa kasi nating magprepare," nagpeace sign pa ito sa akin.

"Pahiram damit," sabi ko.

"Okay!"

Mabilis siyang pumasok sa kwarto niya. Paglabas niya, tatlong paperbag ang dala-dala niya. Mukhang umalis din ang isang ito ha?

"Nagdate kami ni Xander kagabi. Mamaya aalis ulit kami. Saluhin mo 'ko kay Kuya Carlo, ha? Sabihin mo na lang may kinausap akong friend dito," sabi nito habang isa-isang nilalabas ang pinamili.

Sa huli, iyong itim na trousers at croptop na itim din ang kinuha ko. Masyadong mahirap manghiram ng damit kay Cha. Mas matangkad kasi ako sa kaniya kaya ang mga dress niya ay halos kita na ang singit ko.

"Maliligo muna ako. Mag-asikaso ka na rin," sabi ko sa kaniya.

"Okay! Gala tayo bukas dapat may girl's night din tayo rito," sabi nito.

Tumango na lang ako sa kaniya. Nagdadaldal pa nga siya ng kung ano-ano tungkol sa mga pinuntahan nila ni Alexander kagabi e.

Kinuha ko ang cellphone ko nang makapasok ako sa kwarto. Tinawagan ko agad si Cartier. Matagal-tagal bago niya sinagot. Nagising ko yata.

"Hmm..."

Agad na namula ang pisngi ko sa pambungad niyang iyon.

"Ano ka ba? 'wag mo nga akong ungulan!" Natatawang singhal ko sa kaniya.

"The fuck are you saying, baby?" Tanong nito.

Ngumuso ako. Baby raw. Sarap tuloy pumunta sa suite niya tapos halikan siya.

"Joke lang..." Natatawang sabi ko. "Nasa suite ba ni Rei si Kuya Carlo?"

Mahirap na baka makita ni Cha si Rei at Kuya Carlo na nakahubad doon 'no.

"I don't know. Why are you asking me?" Masungit na tanong nito.

Umirap ako. "Sungit mo, ha! Bahala ka riyan!"

Inis kong binaba ang tawag sabay bato ng cellphone ko sa kama. Bahala siya. Kapag talaga nakita ni Cha sina Rei roon, siya ang magpaliwanag.

Nilingon ko ang cellphone ko nang magring ito. Inirapan ko lang ito saka ako pumasok ng bathroom. Manigas ka riyan!

Mukhang plinano niya talaga ang gagawin sa birthday ni Rei dahil alam niya ang bibilhin namin. Twenty years old na si Rei, si Cha naman turning 20 na rin sa katapusan. Ako talaga ang bunso nila e.

Slow Dancing in the Dark (Pontevedra Series #1)Where stories live. Discover now