Kabanata 5

89 4 1
                                    

Compliment.

"Finally! After years of planning, we're finally in one roof!"

Tumili si Rei nang makapasok kami sa apartment na nilipatan namin. Matapos ang graduation namin, ilang linggo lang kaming nanatili sa Pontevedra bago lumuwas ng Manila.

Mabuti at pinayagan ako ni Mama sa plano namin. Hindi ko rin kasi akalain na sisipagin kami na mag-Manila.

Pare-parehas kasi kaming natanggap sa university na gusto namin kaya agad kaming naghanap ng apartment malapit doon. Kahit ilang buwan pa bago ang aming pasukan, lumuwas agad kami para malibot ang Manila.

"Sa susunod, iyong coffee shop naman natin ang itatayo natin without the help of our parents," ani Cha.

Cha and Rei were both fan of coffee. Feel ko nga hindi na dugo ang dumadaloy sa kanila, kundi kape na. Well, not me. Kapag nagco-coffee kasi ako, nagkaka-lbm ako.

Dalawang palapag ang apartment na nilipatan namin. Tatlo ang bedroom with bathroom sa second floor. Sala, kitchen, common bathroom, at isang maid's room sa baba.

Mamaya raw ay pupunta kaming mall para mamili ng mga gamit para sa bahay. Alam ko namang barya lang ang gastos namin kina Rei at Cha, pero nakakahiya naman kung wala akong maiaambag.

"Why are you bothered about the money, Gab? Sa susunod ka na bumawi sa amin kapag mayaman ka na rin," ani Rei nang mapansin na nananahimik lang akong nakamasid sa pamimili nila.

"Oo nga, Gab. I'm sure ikaw ang successful sa ating tatlo kasi parehas kaming magiging lakwatsera rito," si Cha.

Umiling na lang ako habang nakangiti. Ang sabi nila ay gamit sa bahay ang bibilhin namin pero mga brand ng damit, sapatos, at alahas ang nakasulat sa paperbag na dala namin.

"Online na lang tayo bumili ng gamit. Ang hassle kaya kapag dito," pagpapaliwanag ni Cha nang mapansin na huminto ako sa store ng mga sofa.

Days passed like that. Minsan ay sa mall kami naggagala. Minsan naman naghahanap kami ng tourist attractions sa Manila. Minsan, nasa bar kami. Para kaming ibon na nakalaya sa aming hawla.

"Huwag mong titipirin ang sarili mo, anak. May sapat akong ipon para pag-aralin ka ng ilang taon kahit na gagastos ka riyan."

Napabuntong-hininga ako sa sinabi ni Mama. Kakabili ko lang ng laptop galing sa perang pinadala ni Mama sa akin noon. Kailangan ko kasi ito para sa kursong kukuhanin ko.

"Ma, hindi naman na ako bata kaya nga sabi ko sa'yo maghahanap ako ng part-time job dito para kahit papaano ay may pandagdag sa gastusin ko," giit ko.

"Hindi kita pagbabawalan kung iyan ang gusto mo pero paano kapag napabayaan mo ang pag-aaral mo?" Tanong nito sa akin.

"Hindi ko naman po pababayaan, Ma. Magtiwala ka lang sa akin," sagot ko.

Mukha namang guminhawa ang loob niya sa sinabi ko. Naging magaan lang ang pag-uusap mamin kaya naman nakahinga ako nang maluwag. Iyon nga lang, sumama ang pakiramdam ko nang makita ang pangalan ni Papa sa caller ID.

"Carlos said that you're in Manila, is that true?" Bungad nito sa akin.

Napairap ako. Paano ko nga ba nakalimutan na parehas business tycoons si Tito Carlos at Papa ngayon. Kay Tito Carlos din siguro galing ang iilang impormasyon na nalalaman ni Papa tungkol sa akin.

"Oo, bakit? Magpapakita ka na ba sa akin?" Sarkastikong tanong ko.

Rinig ko ang paghugot niya ng hininga sa kabilang linya. Napairap tuloy ako. Parang hirap na hirap naman siyang makipagkita sa akin. Gano'n ba kahigpit ang bago niyang asawa?

Slow Dancing in the Dark (Pontevedra Series #1)Where stories live. Discover now