Kabanata 27

90 3 0
                                    

Blood.

Mabilis na kumalabog ang dibdib ko nang makita ang seryosong tingin niya sa akin. Para bang nakatingin siya sa kaluluwa ko at lahat ng nasa isip ko ay nababasa niya. Sigurado akong narinig niya ang huling sinabi ko at kung anomang iniisip niya, hindi ko alam.

Nanginginig ang paa ko nang bumaba ako ng stage. Kamuntikan pa akong matalisod kung hindi lang ako hinawakan ng student council namin.

"Uuwi na ba tayo?" Tanong sa akin ni Vincent nang matapos ang program.

"Mauna na kayo, okay lang? I need to talk to M-Maxi," sagot ko.

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko ngunit tumango rin siya. Magkakaroon kami ng maliit na salo-salo sa mansyon. Hindi talaga pumayag si Tita Janah na walang magaganap na handaan kaya pumayag na rin ako.

Kaming pamilya lang din naman ang naroon kaya komportable ako. Ang mga bodyguards ay pinaalis ni Tita Janah sa mansyon, sabi ni Papa. Nasa Davao raw sila para malayo sa amin. Tahimik ang ginagawang imbestigasyon nina Papa para wala raw maalarma sa ginagawa namin.

"Gabriella, bakit hindi ka pa sasabay?" Tanong ni Papa nang halikan ko ang pisngi niya.

"May kakausapin lang po ako. Uuwi rin ako agad," sagot ko.

"Take care, Hija. Hindi natin alam ang mayro'n sa paligid natin kaya magdoble-ingat ka," paalala ni Tita Janah.

Tumango ako. Binalingan ko si Vincent na seryosong nakatingin sa amin ni Tita Janah. Hinalikan ni Tita Janah ang buhok ko bago humawak sa braso ni Papa. Marahan kong kinurot ang pisngi ni Ayla bago ngumiti kay Vincent.

"Huwag mong iaalis ang tingin mo sa kaniya, ha?" Paalala ko kay Vincent.

"I know what to do, Gabriella."

Ngumiti ako sa kaniya at humalik sa kaniyang pisngi. "Maraming salamat, Vincent."

"Umuwi ka agad, okay? Chanelle will look for you," sabi nito.

Tumango ako sa kaniya bago tuluyang nagpaalam. Hinintay ko pang makaalis ang sinasakyan nilang van bago ako tumalikod para hanapin ang lalaking nakita kanina.

Nakita ko siya na nakasandal sa pader habang seryoso ang tingin sa akin. Mabagal akong naglakad papunta sa kaniya. Umayos siya ng tayo nang makalapit ako.

"G-Graduate na ako," nakangiting sabi ko habang inaayos ang toga na suot.

What was that, Gabriella? Ang awkward...

"Congratulations. I am so proud of you," seryoso niyang sabi.

Ngumiti ako sa kaniya. Pakiramdam ko nahihirapan akong huminga habang nakatingin sa mga mata niya. Iniabot niya sa akin ang bulaklak na ngayon ko lang napansin na hawak niya. Tinanggap ko iyon.

"Salamat."

"I'm sure Tita Ayla is also proud of you," sabi nito.

"Of course," sagot ko.

Hindi ko alam ang idudugtong ko roon. Parang nanghihina ako habang nakatingin sa kaniya. Sigurado akong narinig niya ang mga sinabi ko kanina. Kung nakita niya si Chanelle, iyon ang hindi ko alam.

"Bakit ka nagpaiwan?"

Natigilan ako sa sinabi niya. "U-Uhh, gusto ko lang itanong kung may bago ka bang information."

Umiling siya. "Lahat ng alam ko, tinext ko na sa'yo. The private investigator will call me one of these days for another information."

"Salamat, Cartier."

Ngumiti siya. "Anything for you."

Natahimik ako sa sinabi niya. Yumuko na lang ako habang tinitingnan ang bulaklak na bigay niya.

Slow Dancing in the Dark (Pontevedra Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon