Kabanata 11

77 3 0
                                    

Sleepover.

Masyadong mabilis ang mga sumunod na araw. Umuwi kami sa Pontevedra nang magsembreak kami. Apat na araw lang naman kami roon tapos nag-Boracay for two days. Bitin nga kasi kinailangan namin umuwi agad para asikasuhin ang enrollment for next sem. Kaya sinabi namin na babalik kami roon kapag may time kami ulit.

Ang pumagod lang talaga sa amin ay ang Foundation week. Puro activities. Puro sulat ng article. Pero pakiramdam ko mas pagod si Rei dahil sa cheer dance na sinalihan niya. Sinabihan niya ang prof niya na hindi na siya sasali dahil hindi raw kaya ng schedule niya at gaya ng nakasanayan, napaaway na naman siya sa classmates niya dahil masyado raw siyang feeling sikat.

Well, she is. She's on billboard kaya. Pila rin ang mga kumukuha sa kaniya for endorsement. May offer nga sa kaniya abroad na tinanggihan niya e. Baka next year na raw...

Parang kakapasok lang namin ng school kahapon tapos ngayon hindi ko napansin na magpa-pasko na at kailangan ko nang bumili ng regalo. Si Cha at Rei lang naman ang kaibigan ko. May mga nakakausap naman din akong classmates ko pero hindi talaga ako mahilig makipagkaibigan.

"Why don't we try the challenge that I saw online?" Sabi ni Rei.

Linggo ngayon. Wala na akong trabaho. Si Rei naman ay walang shoot. Si Cha, walang date yata. Kaya naman agad silang nagyayang magmall.

Minsan gusto kong maghanap ng kaibigan na tipid. Mamumulubi yata ako kina Cha at Rei dahil masyadong magastos. Sila naman ang nagastos ng mga binibili nilang kung ano-ano sa akin pero kasi minsan nahihiya ako kaya nag-ooffer na lang ako na sagot ko na ang pagkain namin.

"Ano na naman 'yan?" Tanong ni Cha.

Kanina pa kasi suggest nang suggest si Rei ng gagawin para sa exchange gift namin.

"Bunutan na lang tayo para matapos na 'yang pagtatalo niyo," sabi ko.

Mag-iisang oras na kasi nilang pinag-aawayan ang gagawin at medyo naririndi na ako.

"Good idea." Nakangiting sagot ng dalawa.

"Pero dapat less than 1k lang ang budget, ha? Mahirap lang ako," hirit ko.

"Anong mabibili sa 1k? Socks?" Maarteng tanong ni Rei.

Inirapan ko siya. Palibhasa'y puro mamahalin ang gamit kaya hindi alam na malaking halaga na ang isang libo.

"Marami kaya. Puro kasi branded ginagamit mo! Try mo kaya mag-ukay," pairap na sagot ko.

"Haynako, Rei! Try exploring other store kasi. Puro ka Gucci, Chanel, YSL!" si Cha.

"Of course. I am Reisha Moran kaya!" Maarte niyang sagot bago hawiin ang kaniyang buhok.

Sa huli, napapayag naman namin si Rei na 1k lang ang maximum amount ng dapat na gagastusin sa exchange gift namin. Aba! Kailangan kong magtipid dahil hindi pa ako nakakapasok sa trabaho ulit.

Sabi sa akin ni Mama na huwag ko na lang daw muna isipin na magtrabaho at magfocus sa pag-aaral. Pero syempre, hindi ako pumayag. Next time nga, sasabihin ko na kay Cartier na ipasok na ako sa resto bar nila.

"Look who's here," nilingon ko si Rei nang bigla itong magsalita.

Agad akong napaiwas ng tingin nang makita kung sino ang binalingan. Ellyse, Rei's first friend here in Pontevedra. Ito ang girl crush ko noon dahil sobrang ganda niya kaso nawala naging warfreak. Siya ang may kasalanan kung bakit ako nauntog noon at si Rei ang nasisi. Umalis siya ng Pontevedra matapos ang lahat ng iyon.

"Rei..." Gulat na sabi nito. "Mukhang nakakakuha ka pa rin ng pera sa sugar daddy mo ha," nakangising sabi nito matapos suyurin ang kabuoan ni Rei.

Humalakhak si Rei. "Of course. How about you? Anong napala mo sa pagsama sa matandang mayamang madaling mamatay?"

Slow Dancing in the Dark (Pontevedra Series #1)Where stories live. Discover now