Kabanata 20

82 2 0
                                    

Break.

Tulala ako habang nakatingin sa puting kabaong sa harap ko. Ni hindi ko magawang tingnan ang mga lumalapit sa akin para makipagdalamhati. Blangko ang isip ko.

"I'm sorry, Gab," boses iyon ni Cartier.

Sa ilang oras ko sa harap ni Mama na nakatulala, siya lang ang nakapagpaalis ng tingin ko roon. Sunod-sunod na pumatak ang luha ko habang nakatingin sa kaniya.

Marahan niya akong niyakap habang humahagulgol ako na parang bata sa kaniyang dibdib. Malambing niyang hinaplos ang buhok ko habang hinahayaan akong umiiyak.

"Si M-Mama na lang ang mayroon a-ako. Hindi k-ko matanggap," humihikbi kong sabi.

Marahan niyang hinahaplos ang buhok at balikat ko. Patuloy lang akong umiiyak sa dibdib niya nang kumalas siya sa pagyayakap sa akin at inalalayan akong maupo. Pinunasan niya ang pisngi ko bago lumayo sa akin.

Kasunod no'n ang paglapit sa akin ni Papa. Hawak-hawak ni Papa ang kamay ko habang nakaluhod sa harapan ko.

Yumuko siya habang hawak nang mahigpit ang aking dalawang kamay. Dinala niya sa kaniyang labi ang aking mga kamay saka ito hinalikan hanggang sa maramdaman ko ang sunod-sunod na pagluha ni Papa na pumapatak sa aking kamay.

Tumataas-baba ang kaniyang balikat habang tahimik na umiiyak. Hindi ko maiwasan ang muling pagluha habang nakatingin sa aking ama.

Ayaw ko siyang sisihin. Ayaw kong magalit sa kaniya dahil alam kong minahal niya si Mama. Alam kong nasasaktan din siya, nawalan din siya at hindi ko ipagkakait sa kaniya ang magdalamhati.

Inangat ni Papa ang kaniyang mukha sabay punas sa kaniyang mukha. Tipid siyang ngumiti sa akin bago tumayo at lumapit sa kabaong ni Mama.

Hindi man ako lumapit sa kaniya, alam kong umiiyak siya. Kitang-kita ko kung paano niya niyakap ang kabaong ni Mama habang umiiyak.

"Gab, I'm sorry for your loss," marahang sabi ni Rei.

Tumango ako sa kaniya. Tumabi sila sa akin ni Cha. Si Cha sa kanan, sa kaliwa naman si Rei. Hawak nilang dalawa ang magkabilang kamay ko. Kahit hindi ako tumingin sa kanila, alam kong nakatingin sila sa akin.

Nilapitan ako ni Papa matapos niyang tingnan si Mama. Nagpaalam naman sina Cha at Rei sa akin para siguro makapag-usap kami ni Papa.

"If you want, you can stay with us sa Cebu," ani ni Papa.

"Nag-aaral ako, Pa," sagot ko.

Kaunting buwan na lang ay patapos na ako sa second year college, tapos no'n third year na ako. Konting kembot na lang ga-graduate na ako. Ayaw ko rin namang iwan sina Cha at Rei sa Manila dahil gusto talaga naming sabay-sabay at sama-samang magtatapos.

"I understand. Please allow me to help you with your expenses, okay? Your Tita Janah wants to visit here but she's in an important meeting kaya susunod na lang daw siya," ani Papa.

Tipid akong ngumiti. I appreciate it a lot. Alam ko namang mabait si Tita Janah. Hindi ko lang talaga kayang tanggapin siya sa buhay ko. Hindi ko pa kaya. I need more time. Not now.

"May ipon ako, Papa. Sa mga pinapadala ni Mama," sagot ko.

Hindi naman masyadong malaki ang naipon ko. Sapat na ito para sa pag-aaral ko hanggang makatapos. May bank account din na iniwan sa akin si Mama na may malaki-laking laman kaya nasisiguro kong bubuhayin ako no'n.

"I know. Pero kung kailangan mo ng kahit anong tulong, you can contact me or your Tita Janah," sabing muli ni Papa.

Tumango lang ako.

Slow Dancing in the Dark (Pontevedra Series #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ