Kabanata 28

106 3 0
                                    

Dada.

Sinalubong kami ng maraming tao paglapag ng chopper namin sa Pontevedra. Nakita ko ang titig nina Tita Anna at Tito Carlos sa kay Chanelle na natutulog sa bisig ko. Gulat nila itong pinagmasdan.

Nakuha ni Chanelle ang mukha ng ama niya, kaya kahit sino malalaman kung kanino siyang anak. Gano'n kalakas ang dugo ni Cartier.

"Gabriella Hija..."

Nagulat ako nang lumapit si Tita Anna sa akin habang umiiyak. Mabilis akong lumuha habang nakatingin sa kaniya.

"I missed you, Hija." Nanginginig ang labi nito habang nakatingin sa aking mga mata.

Hinawakan nito ang pisngi ko habang umiiyak. Napapikit ako. Isa pa rin talaga si Tita Anna sa mga taong malapit sa akin. Isa siya sa mga tumayong ina ko, at pinagkatiwalaan ko nang lubos.

"Ma, they need to rest."

Inalalayan ako ni Tita Anna papasok ng mansyon nila. Walang nagbago sa lugar na ito. Parang ito pa rin ang bahay na tinatakbuhan namin lagi ni Cha kapag naglalaro kami.

Tahimik ang lahat ng tao pagpasok namin. Lahat ay nakatingin kay Chanelle.

"Call Doctor Fuentes, Ma. I'll have them check," utos ni Cartier.

Agad naman itong sinunod ni Tita Anna na agad umalis sa harapan namin. Kita ko ang titig ni Tito Carlos sa akin kaya mapaiwas ako ng tingin.

"We will talk to Gabriella, Pa. Just not now, please?" Seryosong pakiusap ni Cartier.

Malakas na bumuntong-hininga si Tito Carlos bago tumango. Umalis din naman siya agad sa harapan namin, marahil ay sumunod kay Tita Anna.

"My room is upstairs. Doon kayo magpahin-"

"Uuwi na lang ako sa baha-"

"You will stay here, Gabriella. Nakatakas si Janah Bernal..." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "That's why we need to make sure that everyone is safe habang hindi pa siya nahuhuli."

Nakatakas si Tita. Ibig sabihin hindi pa kami ligtas. Hangga't hindi ko nasisiguro na naka-kulong siya at ang mga tauhan niya, hindi ako mapapalagay.

Wala akong nagawa kundi ang tumango sa kaniya. Nakita ko ang mariin niyang titig kay Chanelle habang buhat ko ito. Umigting ang panga niya bago tumayo.

"Let's go."

Agad akong sumunod sa kaniya. Tahimik akong nakasunod sa bawat hakbang niya. Binuksan niya ang kwarto niya bago kami pinauna ni Chanelle.

"D-Do you want to carry her?" Kinakabahan kong tanong nang makita ang titig niya sa anak.

Tumingin siya sa akin, nangingilid ang luha. Lumunok pa muna siya nang ilang beses bago tumango sa akin. Marahan niyang kinuha si Chanelle sa akin kasabay no'n ang pagbuhos ng kaniyang luha.

Sunod-sunod ang pagpatak ng luha niya habang tinitingnan ang anak na natutulog. Bumubuga siya ng malalalim na hininga habang titig na titig sa bata. Tumingala siya at pumikit bago muling titigan ang anak.

Parang kinurot ang puso ko sa nakita ko. Kitang-kita ko kung paano siyang nasasaktan habang nakatingin sa bata na natutulog. Alam kong mali ang ginawa kong pagtatago sa anak niya, pero sa galit ko noon hindi ko na siya inisip.

"B-Bakit, Gab?" Tanong niya. "Bakit mo inilayo sa akin? Bakit mo inilihim?"

Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang pagbuhos ng luha. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya. Ano bang sasabihin ko? Na inilayo ko sa kaniya ang anak niya dahil akala ko niloko niya ako? Na akala ko siya ang may kasalanan sa pagpatay kay Mama? Na galit na galit ako sa kaniya kaya pinili kong ipagkait ang anak niya sa kaniya?

Slow Dancing in the Dark (Pontevedra Series #1)Where stories live. Discover now