Kabanata 2

112 6 6
                                    

Beautiful.

Gusto kong sisihin ang sarili ko nang kinabukasan ay lahat kaming magkaka-klase ay may hangover. Maski ang mga schoolmates namin ay mukhang hindi makamove on sa party kagabi dahil bukambibig nila ito.

Maliit na bayan lang ang Pontevedra kaya tuwing may salo-salo, alam na agad ito ng lahat. Kilalang pamilya rin kasi sina Cha dahil isa sila sa bilang na mayayaman dito.

"Mukhang enjoy ang debut mo last night, Ms. Bernal," ani Mrs. Flores nang pumasok ito sa classroom namin.

Sabay-sabay kaming nagtayuan nang malaman ang presensya niya.

Napayuko ako dahil sa guilt na nararamdaman, "Sorry po, Ma'am."

Humalakhak lang ito saka umiling sa akin, "No, it's fine. Isang beses lang sa buhay natin ang debut at dapat lang na i-enjoy mo iyan. Wala rin naman tayong gagawin ngayon kundi ang kaunting reviews dahil sa final examination next week."

Binigyan niya lang kami ng kaunting review at iilang reviewers. Pati na rin ang mga topic na kailangan naming aralin at pagtuunan ng pansin.

"Goodluck sa final examination, guys!" Ani Mrs. Flores bago ito tuluyang lumabas ng aming silid.

Masaya kaming nag-uwian lahat dahil absent ang last subject teacher namin. Iyon nga lang, binigyan kaming dalawa ni Cha ng gawain ni Ms. Reyes para sa huli naming topic sa markahan na ito. Medyo nahuli kasi kami sa subject niya dahil umabsent ito no'ng nakaraan.

"Nakakainis talaga si Ms. Reyes. Review na nga lang tayo sa ibang subject tapos siya, pinagreport pa tayo," reklamo ni Cha habang nasa byahe kami pauwi. "Saka kasalanan ba natin na late tayo sa subject niya? Kasalanan niya 'yon!"

"Baka nagalit si Ma'am dahil sumuka si Hailey sa classroom," sagot ko.

Halo-halo ang emosyon namin kanina nang dumating si Ms. Reyes. Paano ba naman ay sumuka si Hailey sa kaniyang klase. Ang iba ay natawa pero mas lamang ang takot namin.

"Sana pala hindi na rin tayo pumasok. Ang duga ni Rei," reklamong muli ni Cha.

Nagtext sa amin ni Cha si Rei kanina na hindi raw siya makakapasok dahil masakit ang kaniyang ulo.

Iritado si Cha buong oras ng byahe. Kumalma lang siya nang ipaghanda siya ni Mama ng paborito niyang Lasagna.

Tahimik akong nagtungo sa kwarto namin sa loob ng mansyon. Noong naghiwalay kasi sina Mama at Papa, nagtrabaho siya rito kina Cha. Noong nagtagal, kinuha na rin kami ni Tita Anna at nagkaroon kami ng kwarto sa mansyon kaya mula no'n, dito na kami tumira sa kanila.

May bahay namin kami hindi kalayuan sa kanila pero ayaw na ni Mama manatili roon mula nang alukin kami ng mga De Dios na manatili rito, naaalala niya raw kasi ang kagaguhan ni Papa.

Minsan naman ay doon kami natambay o natutulog nina Cha at Rei. Kaya rin siguro hindi pinapaalis ang kuryente namin roon dahil sa aming tatlo.

Bitbit ko ang libro, notebook, at pencil case ko nang magtungo ako sa malawak na hardin nina Cha. Rito namin madalas gawin ang schoolwork namin dahil tanaw ang dagat mula rito. Healthy pa naman sa utak ang magandang tanawin, makakapag-isip ka talaga nang maayos.

Si Cha ang gumagawa ng PowerPoint presentation namin tuwing may reporting kami. Marunong naman ako pero mas bilib ako sa mga desenyo ni Cha. Mas sanay kasi siya sa laptop.

"Maligo muna tayo, Gab. Maaga pa naman," nilingon ko si Cha nang bigla itong sumulpot sa tabi ko.

Nakasuot na ito ng cycling at sports bra. Mukhang wala talaga sa isipan niya ang gumawa ng report dahil wala naman siyang dalang laptop o kahit ballpen.

Slow Dancing in the Dark (Pontevedra Series #1)Where stories live. Discover now