Kabanata 32

106 3 0
                                    

Complete.

Saglit kaming tumuloy ni Chanelle sa condo ni Papa sa Makati. Hindi ko alam kung paanong napapayag ako ni Cartier na sa penthouse niya tumuloy nang matapos niyang iparenovate ang guestroom. Maraming bagay akong naalala nang makapasok akong muli sa penthouse niya.

Gano'n pa rin naman ang penthouse niya. Ang kaibahan lang, may bagong portraits na nakasabit sa sala katabi ng portrait nila ng pamilya niya.

"Matagal na 'yan?" Tanong ko habang nakatingin sa larawan namin no'ng nasa New York kami.

Tipid akong nakangiti sa larawan habang hapit ni Cartier ang bewang ko. Seryoso siyang nakatingin sa larawan habang kapit na kapit sa akin.

Tumango siya. "Sa susunod larawan nating tatlo ni Chanelle," sabi niya habang nakatingin sa bakanteng space na nasa pinakagitna.

Mabilis na kumalabog ang dibdib ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung sa kaba ba o nakaramdam ako ng kilig doon.

Masayang naglaro si Chanelle sa loob ng kwarto niya. Punong-puno ito ng iba't ibang laruan. May corner pa para sa mga libro at manika niya. Lahat ay bagong bili.

"Ang gastos naman," bulong ko habang nakatingala sa kwarto ni Chanelle na may mga paru-paro pang nakadikit sa taas.

"Bakit ko titipirin ang anak ko kung may pera naman ako?" Sarkastikong tanong nito sa akin.

Ngumuso na lang ako saka pumasok. Isa-isa kong binuksan ang closet ni Chanelle na punong-puno rin. May mga gown, dress, shorts, t-shirts, jackets, at kung ano-ano pa.

"Alam mo bang mabilis lumaki si Chanelle?"

"Edi ido-donate ko," sagot niya.

Gusto ko pang umirap nang pagbukas ko ng isang bahagi ng closet ni Chanelle, may mga bag at sapatos doon. Lahat ay branded. Pinaggastusan talaga ng ama.

"Dada!"

Malakas na tumili si Chanelle nang buksan ang mas maliit na cabinet. Puno rin iyon ng mga laruan. Malakas na lang akong bumuntong-hininga habang nakatingin kay Chanelle.

Napakagastos mong bata ka. Noong nasa tiyan pa lang kita matipid ka kasi Buko pie lang ang gusto mo!

"Maliligo muna ako," paalam ko bago lumabas ng kwarto ni Chanelle.

Napasimangot ako nang buksan ko ang kwarto na ginawa para sa akin. Parang gusto kong magreklamo dahil mukhang tinipid ako.

E ano naman kung tinipid ka, Gabriella? Baka nakakalimutan mong hindi na kayo kaya 'wag kang assumera riyan! Nanay ka lang ng anak niya, bukod doon wala na kayong relasyon.

Nakanguso ako nang buksan ang sariling closet. Nanlaki agad ang mga mata ko sa nakita ko.

"Cartier!" Malakas kong sigaw. "Walanghiya ka! Cartier!"

Halos batuhin ko si Cartier nang pumasok ito sa kwarto. Mukhang nagmamadali pa dahil hawak-hawak si Chanelle na bitbit ang isang Barbie doll.

"W-What!" Tanong niya.

"Ano 'tong mga 'to?" Inis kong tanong.

"Jewelries?" Inosente niyang sagot.

"Anong gagawin ko sa mga 'yan!" Inis kong singhal.

"Isusuot malamang," sarkastikong sagot niya.

Masama ko siyang sinamaan ng tingin. Akma ko siyang sasampalin nang iharang niya si Chanelle sa gitna namin. Ngumisi siya sa akin saka kumindat.

"Napakawalanghiya mo," bulong ko.

"Hindi mo pa nga nakikita buong closet mo, galit na galit ka na. Paano pa kapag sinabi kong may gold bars diyan?"

Slow Dancing in the Dark (Pontevedra Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora