Kabanata 26

97 3 0
                                    

Graduation.

I became anxious when he told me that. Halos hindi ako lumalabas ng kwarto ko at laging nakadikit kay Chanelle. Kung pwede ko lang siyang itago na lang muna, ginawa ko na. Hindi ako natatakot sa maaaring mangyayari sa akin, mas natatakot ako sa pwedeng mangyari sa anak ko.

Hindi ko kayang mawalan ulit. Dumating si Chanelle sa akin nang mawala si Mama, pakiramdam ko siya ang alaala sa akin ni Mama.

"Vincent, can you take care of Chanelle muna?"

Gulat na tumingin sa akin si Vincent na seryosong inaayos ang higaan ni Chanelle.

"Bakit? May nangyari ba?" Tanong nito habang lumalapit sa akin.

Mabilis ang kabog ng dibdib ko habang mahigpit ang yakap sa anak. Pansin niya ang panginginig ng kamay ko kaya hinawakan niya ito.

"Gabriella, what the heck is happening with you?" Nag-aalalang tanong nito.

Mabilis akong umiling habang unti-unting bumubuhos ang luha. He immediately hug me. Hinahagod niya ang likod ko habang nakayakap sa akin.

"I'm so s-scared," nanginginig kong sabi.

Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Vincent ang nalaman ko. Pakiramdam ko kapag nalaman niya iyon, madadamay siya. Hindi ko yata kaya kapag pati si Vincent nawala sa akin.

"Do you want us to move?" Tanong nito.

Mabilis akong tumango. "Please beg Papa na hindi tayo magdadala ng kahit sinong bodyguards. I won't leave your premises, I swear."

Wala na akong pakialam sa pang-aaral ko. I just need my daughter to be safe.

"Hindi ko alam kung papayag sina Tito na aalis tayo without any bodyguards pero magagawan ko ng paraan na makaalis tayo rito if that's what you want."

Pinipilit niyang kalasin ang pagkakayakap sa akin pero mas hinihigpitan ko ito. Kung hindi lang naiipit si Chanelle sa pagitan namin ay mas hinigpitan ko pa ito.

"Let's talk properly, okay? Ilalapag ko si Chanelle..."

Mabilis akong umiling. Hindi ko yata kayang malayo sa anak ko kahit na ilang hakbang lang ang pagitan namin.

"Dito lang sa tabi natin, Gab. Baka magising siya, naiipit."

Umiiyak ako habang hinehele si Chanelle na umingit nang kuhanin niya. Inilapag niya ito sa tabi namin. Pinagitnaan pa ng mga unan. Muli niya akong binalingan nang masigurong komportable ang pwesto ni Chanelle. Naupo siya sa tabi ko. Inayos ang buhok ko at tinali bago punasan ang mumunting luha sa pisngi ko.

"Gusto ko na umalis dito, Vincent. Please? Ayaw ko rito."

"We will go, okay? Calm down, Gabriella."

Mabilis niyang pinunasan ang luha ko nang magtuloy-tuloy ulit ang pagluha ko. Halatang nag-aalala siya sa akin. Ni hindi niya alam kung saan ako hahawakan.

"K-Kung hindi papayag sina Papa, just take Ayla with you. Gawan mo ng paraan, Vincent. Just take Chanelle," pakiusap ko sa kaniya.

"Kung aalis si Chanelle rito, isasama ka namin. Why would I leave you here if you can come with us, huh?" Tanong nito.

Hinayaan ko siyang aluhin ako habang tuloy-tuloy ang pagbuhos ng luha ko. Halos 20 ang kasama kong bodyguards, sa rami nila hindi ko alam kung sino sa kanila ang tinutukoy ni Cartier.

Hindi umuuwi ang mga bodyguards namin. Lahat sila nakastay lang dito sa mansyon bagay na mas nakapagpapakaba sa akin.

Nakatulugan ko ang pag-iyak sa bisig ni Vincent. Mabilis na kumalabog ang dibdib ko nang malaman na wala si Chanelle sa loob ng kwarto.

Slow Dancing in the Dark (Pontevedra Series #1)Where stories live. Discover now