Kabanata 9

82 5 3
                                    

Tears.

Nagpababa ako kay Cartier sa labas ng venue. Papasok pa kasi ng gate bago tuluyang makapasok sa mismong venue. Marami-rami rin akong nakitang mga media sa labas na nasisiguro kong nag-aabang sa mga papasok na bisita.

Kilalang pamilya sa bansa sina Cha. Malaki ang kompanya at iba-iba ang business. Narinig ko nga rin noon na shareholders din sila sa maraming kompanya sa ibang bansa. Kaya tuwing may ganito silang event, asahan mong maraming media na gustong magcover ng party nila.

Kabado pa ako nang maglakad ako palapit sa kanila. Mabuti na lang at nakita nila ang sasakyan ni Cartier na siyang dinumog nila. Halos takbuhin ko ang pagitan ng gate at ng malaking hall habang pinagkakaguluhan si Cartier.

Kumaway ako kay Cha nang makita ko siyang nakabusangot sa lamesa. Nakaupo sa tabi niya si Kuya Carlo na masama ang tingin kay Rei.

Ano na naman kaya ang nangyari sa dalawang ito? Tuwing nakikita ko sila, lagi silang nag-aaway kahit sa tingin lang.

"S-sorry! Medyo marami ang inutos ni S-Sir," sabi ko kay Cha.

Sabay na tumingin sa akin sina Kuya Carlo at Rei. Napaiwas tuloy ako ng tingin. Naupo ako sa tabi ni Rei bago ilapag ang purse ko sa lamesa.

"Where the heck is your brother, Carlo? And why are you sitting there? Entertain the guests for your brother!" Madiing sabi ni Tita Anna nang makalapit sa lamesa namin.

"G-good evening po, Tita!"

Tipid itong ngumiti sa akin bago lingunin si Rei. Nanlaki ang mga mata niya. Hindi ko matandaan kung nakikita ba ni Tita Anna si Rei noong nasa Pontevedra kami kasi mukhang hindi.

Kaya ba natanggi si Rei na tumambay sa kina Cha dahil ayaw niyang makita ang parents ni Cha?

"R-Reisha Hija, I didn't know that you're here," gulat na sabi ni Tita Anna.

"Ma, halika na. Let the girls enjoy the night," singit ni Kuya Carlo bago hatakin si Tita Anna.

"You know Mommy?" Gulat na tanong ni Cha kay Rei.

Kumunot ang noo ko. Alam kong natanong ko kay Cartier kung bakit hindi alam ni Cha ang tungkol sa engagement nina Rei at Kuya Carlo pero hindi niya iyon nasagot. Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako.

"O-of course, business partner sila ni Daddy," sagot ni Rei.

"So, nandito sila?"

"H-huh?"

"Well, halos lahat ng business partners nina Daddy ay invited. Hindi ko nga lang alam kung lahat ba ay makakapunta dahil nga last minute," nagkibit-balikat pa si Cha.

Napatayo ako nang tumayo si Cha, pati na rin ang iba pang mga tao. Bakit naman ngayon lang dumating ang isang 'to?

Binati ng iba't ibang tao si Cartier nang pumasok ito. Inilibot pa nito ang tingin sa paligid, nang makita ako ay ngumiti bago nag-iwas ng tingin.

"Cha, you should join your family. We're fine here," ani Rei nang maupo kami.

Tiningnan siya ni Cha bago bumaling sa akin. Sumimangot ito bago kuhanin ang kaniyang purse.

"Babalikan ko na lang kayo mamaya, okay? Kapag medyo pagod na kayo just tell me, uuwi na tayo."

"Wala namang pasok bukas, Cha. Sige na at kaya namin ang sarili namin," sabi ko.

Tumango ito bago kumaway sa amin ni Rei. Nagmamadali pa itong naglakad papunta sa pamilya.

"Bakit hindi ka sumama sa kanila?" Tanong ko.

Slow Dancing in the Dark (Pontevedra Series #1)Where stories live. Discover now