Kabanata 30

101 2 0
                                    

Letter.

I was crying the entire time. Ni hindi ako nilalapitan ni Cartier, nakamasid lang sa akin habang hawak si Chanelle na natutulog. Tahimik akong umiiyak habang inaalala ang pagkawala ni Mama pati na rin ni Tita Janah ngayon.

Nilapagan ako ng tubig ni Ate Trina. Mahigpit ang hawak ko sa kwintas ko na may abo ni Mama at sa singsing na binigay sa akin ni Tita Janah noong magbirthday ako.

Ni hindi ko alam kung bakit ako nasaktan sa pagkawala niya. Dapat galit ako sa kaniya dahil pinatay niya si Mama. Dapat galit ako dahil sa lahat ng ginawa niya pero hindi ko alam at hindi ko maintindihan kung bakit may parte sa akin na gumuho nang malaman ang balita ni Carter.

Tahimik ang lahat ng tao sa mansion ng De Dios nang makauwi kami pero ramdam ko ang titig nila sa akin, marahil ay pinapakiramdaman ako. Tipid akong ngumiti at humalik sa pisngi ni Tita Anna, at nagmano kay Tito Carlos bago umakyat ng hagdan.

Hindi ako kumain no'ng gabing iyon. Dinalhan ako ni Cartier ng pagkain pero hindi ko ginalaw. Maski silang dalawa ni Chanelle ay tahimik na nagmamasid sa akin. Si Chanelle ay kakalabitin lang ang ama kapag may kailangan. Hindi ko nga alam kung paanong mukhang naiintindihan niya ang nangyayari sa paligid.

"Do you want to visit her? Sa mansion niyo siya ibinurol," marahang sabi ni Cartier nang lumabas ako galing sa bathroom.

Nilingon ko siya at tumango. "Pupunta ako. Kahit na iwan ko na lang muna si Chanelle sa'yo."

"Sasama kami," sabi nito.

"I'm sure the media will cover Tita's wake. Baka makita ka roon," sabi ko.

"So, what?"

"Malalaman nila na may anak ka."

"So? Halos ilihim nga natin relasyon natin noon kaya nagulo tayo tapos ngayon pati itong si Chanelle gusto mong itago natin? The fuck are you thinking?"

"I'm sorry. Sige, sumama na lang kayo."

Maingat akong nahiga sa dulong bahagi ng kama, nakatalikod sa mag-ama. Rito na naman yata matutulog si Cartier.

"Nandito kami ni Chanelle para sa'yo, Gab," dinig kong bulong ni Cartier.

Marahan akong tumango bago pumikit. Siguro dahil sa pagod ko kakaiyak, mabilis akong nakatulog. Tanghali na nang magising ako. Nagmamadali akong maligo at magbihis. Nakakahiya naman dahil tanghali na akong bumangon.

Naabutan ko sina Cartier at Chanelle na tahimik na nanonood sa isang nursery content sa TV nila sa sala. Nilingon ako ni Cartier nang maglakad ako pababa ng hagdan. Tumayo siya at binuhat si Chanelle. Nilapag niya ito sa carpet, bago siya naglakad papunta sa akin.

"Nauna na sina Mama sa Cebu. Ang sabi ko susunod na lang tayo dahil nagpapahinga ka pa," sabi niya sa akin.

"Sorry. Tinanghali ako ng gising," sagot ko.

"It's fine. Kumain ka muna bago ka mag-asikaso."

"Wala akong gan—"

"Hindi ka na kumain kagabi, Gabriella."

Wala akong nagawa kundi ang pumunta sa kusina. Agad akong pinagsilbihan ni Ate Nori. Naupo na lang tuloy ako sa dining saka nagsimulang kumain.

Sinundan pa ako ni Cartier at sinilip ang kinakain ko bago bumalik sa sala. Mukhang tinitingnan niya kung kumakain talaga ako.

Matapos kong kumain, nagtoothbrush na lang ako at nagpalit ng damit. Inayos ko ang mga gamit na dadalhin ko dahil mukhang naayos na ni Cartier ang gamit ng anak. Nilapitan ko ang nanonood na anak nang matapos akong mag-asikaso.

Slow Dancing in the Dark (Pontevedra Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora