Naalala ko tuloy, tuwing laban nina Kuya nandun talaga ako sa side ng sumusuporta sa kanila. Kahit tahimik ako ay palihim akong napapangiti sa tuwing nakakapuntos sina Kuya.
"Shoot! Shoot!" sigaw ng mga taong sumusuporta kay Eli. Kahit baguhan lang yang timang dito eh parang napakaraming nakakakilala sa kaniya. Grabe ang pagsuporta eh.
I wonder why? Paano nangyari yun? Ganun ba siya ka friendly? Ay! Oo nga pala, taga dito siya dati. Ang pinagtataka ko lang ay hindi ko siya kilala.
"HINDI!!!" natigil lang ako sa pag-iisip nang makarinig ng matinis na boses. Iisang tao lang ang sumigaw pero parang mas nangibabaw ang boses nito sa lahat.
Si Ate Ygette pala. Siya ang ate ni Ivory, hindi yan absent sa mga ganitong laro. Kitang-kita ko na parang maputol na ang mga ugat nito sa leeg sa kakasigaw habang hinahampas pa ang railings.
"Nandito pala ate mo?" rinig kong bulong ni Kaye kay Ivory.
Lahat ay nagsisigawan pati sina Ivory, Kaye at Miley ay panay sigaw. Minsan nga lang ay nakakalito rin kung anong team ba talaga ang sinusuportahan nila. Paano ba naman sa tuwing nakakashoot ng bola ang team nina Kuya ay napapasigaw sila at ganun din kina Eli.
Tiningnan ko si Em at nakamasid lang naman ito sa naglalaro. Mukhang sumasama na nga ang timpla ng mukha nito. Mukhang kanina pa nga ata eh. Lumingon siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. Ano kayang problema nito?
Umiwas na lang ako ng tingin at binalik ang tingin sa court. Kita ko naman ang mabilis na pagtakbo ni Eli, siya ngayon ang may hawak ng bola papuntang kabilang side. Tagaktak ang pawis nito pero kahit ganun ay mas lalo lang nadadagdagan ang appeal niya.
Nakita ko ang pagpasa nito sa kasama niya, base sa mukha niya ay sinenyasanan nito ang kasama na ipasa ulit sa isa pa nilang kasama ang bola na para bang gusto nilang lituhin ang kalaban. Tsk, what an easy move.
Naagaw ito ng kateam ni Kuya pero kaagad rin namang nabawi ni Eli nang ipapasa na sana ito ng kateam ni kuya sa isa pa. Mabilis na tumakbo si Eli at kaagad na shinoot ang bola.
"3-points shot!" biglang sigaw ng announcer at naghiyawan naman ang mga taga-suporta nina Eli habang nagwala naman ang taga-suporta ng team nina Kuya.
"AMPUTEK MO, 'TOL" rinig kong sigaw ulit ni Ate Ygette. Parang tatalon na nga ito sa railings, kung hindi lang siguro mataas ang railings baka kanina pa sya nahulog.
Sigawan ng mga tao ang umalingaw-lingaw sa buong lugar. Natuon lang ulit ang tingin ko sa laro. Halata na ang pagkapikon sa mukha ni Ares. Kanina pa siya mura ng mura sa loob ng court habang lukot ang mukha nina Dionysus, Haphaestus, at Poseidon; sobrang sama naman ng timpla ng mukha ni Kuya.
May pilyong ngiti naman ang mukha ni Eli. Natuod naman ako sa kinauupuan ko ng lumingon ito sa direksiyon namin tsaka kumindat na siyang dahilan para mapatili malapit na mga babae sa amin. Yumuko na lang ako at napailing. Baliw talaga siya.
"Kinikilig siya" bulong ni Kaye na inirapan ko lang habang may pasundot pa ito sa tagiliran ko.
"Ako'y kinikilig~" bulong na kanta ni Ivory habang tinutukso ako ng mga tingin nito.
3rd quarter na, nakakabanse na sina Kuya. Palihim naman akong napangiti nang makita ang inis sa mukha niya. Parang natatawa naman ako dahil ilang beses na siyang napapasuklay ng buhok niya gamit ang mga daliri nito.
Naiinis na rin ito sa kateam niya dahil hindi nito pinasa ang bola sa kaniya. Tumakbo na lang ito papunta sa kabilang side kung saan ang iba pa nilang kasama. Napasimangot naman ako nang makita kong natumba si Kuya.
Nakita ito ni Eli kaya mabilis itong lumapit at nilahad ang kamay niya para alalayan siyang tumayo. Mukha nagulat rin si Kuya dahil saglit siyang natigilan bago kunin ang kamay ni Eli.
Kahit magkalaban sila sa court ay hindi nila nakakalimutan na magkaibigan sila. Hindi katulad ng ibang magkakaibigan kapag sa loob bahala na kung masaktan ang kaibigan dahil kalaban naman.
Nang matapos ang third quarter ay mabilis rin itong nagsi-upo sa kani-kanilang mga bench. Nakita ko pang pinabilog sila ng mga coach nila para kausapin ang mga players.
"Punta tayo kina kuya?" bulong ko kay Em. Tumingin siya sa akin at parang nagtatanong siya kung sure ba ako.
"Mhm, tara" tumango ako sa kaniya at mukhang sinabihan pa naman niya si Miley.
"Punta kami kina Kuya, sama kayo?" tanong ko kina Kaye at Ivory, tango naman ang sinagot nilang dalawa.
"Excuse me" hindi ko na mabilang kung ilang beses ba naming nasabi yun habang naglalakad sa gitna ng crowd. Tatlo lang kasi ang hagdan at napagdesisyunan naming sa pinakagilid kami dadaan dahil yun ang pinakamalapit sa amin.
Nang makababa kami ay napakislot ako nang bigla na lang may humawak sa braso ko. Napahinga naman ako ng maluwag nang makitang si Eli lang naman pala. Nakakagulat rin naman kasi siya.
Napatingin ako sa mga kasamaahan nito at nang makita nila akong nakatingin ay mabilis nilang inalis ang tingin sa akin tsaka nagkukunwaring may ginagawa. Masyadong halata. Mukhang tapos na ang pag-uusap nila with their coach.
I faced him. "Do you need anything?" I asked with an annoyance tone. I raised my eyebrow at him and he just chuckled. Well fuck him!
"Phone ko?" Kinuha ko sa bulsa ng pants ko ang phone niya at mabilis na binigay sa kaniya tsaka umalis na kaagad sa harapan niya.
Mabilis akong kumapit kay Em at hinila na siya paalis roon. Hindi pa kami nakaka-ilang hakbang nang marinig ko ang sinabi ng kateam nito.
"Wow! May Misis Iverson pala tayo" rinig ko pa ang pagsipol ng isa sa kanila. Napapikit ako sa hiya pero hindi ako tumigil at tinuloy ang paglalakad habang hawak si Em.
Buti na lang talaga ay hindi nakatinginsina Kuya bago lalo lang siyang sumimangot. Ramdam ko na rin na gusto na akong tanungin ni Em tungkol sa nangyayari pero mukhang alam niya rin na hindi pa akong handang sabihin sa kaniya.
"Gago! Hindi pa" rinig ko namang sagot ni Eli na parang nagyayabang. Ang yabang talaga! Tingnan natin kung saan ka dadalhin ng yabang mo.
"Pa?" sagot ng isa mga kasama nila at narinig ko na naman ang nakakarinding hiyawan nila. Fuck you, Iverson!
June 21, 2022
EDITED VERSION
#OnlyExceptionWP
BINABASA MO ANG
Only Exception (UNDER REVISION)
RandomDoes love really exist? To the family who always has an unsuccessful marriage? To the family for whom marriage is just a duty? A duty you need to fulfill when you find a person you think is suitable for you? A marriage that isn't made of love, but...
