Narating ko na nga ang gym pero sa sobrang dami ng tao ay hindi ko mahanap ang mga kasama ko. Nilagay ko na lang sa bulsa ang phone ni Eli. Napahinga ako ng malalim at kukunin na sana ang phone ko sa kabilang bulsa nang may narinig akong sumigaw.
"Bae!" napatingin ako sa sumigaw at nakita ko naman silang apat, kumaway sa akin si Miley habang si Kaye naman ay sinenyasan akong lumapit.
"Oh" bigay sa akin ni Ivory ng softdrink and chips as soon as nakarating ako sa harapan nila. Nasa gilid kasi sila ng stairs. Hindi pa sila nakaka-upo, mukhang hinintay nga nila ako.
"Thanks" kinuha ko sa kaniya ang pagkain at mauuna na sanang maglakad nang biglang hinawakan ni Kaye ang kamay ko at pinatalikod sa kanila.
"Naka-jersey siya, mga mare!" dun ko narealize na suot ko pala ang jersey ni Eli dahil sa pagiging occupied ko. Tuloy ay nanlaki ang mga mata ko at mabilis na humarap sa kanila.
"A-ano-- nanghiram lang ako ng damit kasi natapunan ng tubig" mabilis na sabi ko at tanging tukso lang ang tingin na binibigay ni Ivory at Kaye sakin at si Em naman ay nakataas ang isang kilay nito habang pagtataka naman ang naka-ukit sa mukha ni Miley.
"Asus! Kami pa inuto mo. Bakit nga ba pina-una kami ni Kuya Eli dito?" tanong na naman ulit ni Kaye. Ni hindi ko nga napansin kanina na sinabihan pala sila ni Eli na mauna kanina.
"At anong pinag-usapan niyo kanina sa likod ha?" mabilis naman akong tumingin kay Em nang magsalita ito habang nakataas ang isang kilay. Para siyang ate na strikta. Teka-- Nakita ba nila kanina yung-
"Kanina naka-cardigan ka ngayon naman ay naka-jersey ka na" sabat ni Ivory kaya lumingon ako sa kaniya. Hindi ako makalusot ano ba naman to?! Caught off guard ako rito.
"Sandali! Huwag nga kayong mag-isip ng kung ano-ano! Wala pa nga kayong al--"
"Sabi ko na nga ba eh! Naghihinala talaga ako sa knaila un apa lang eh. Parang may iba, parang may something!" pagputol ni Kaye sa sasabihin ko sana na kinampihan rin ni Ivory.
"What?! Walang something sa amin, alright?" inis na sabi ko kay Kaye pero tangina panunuksong tingin lang ang ipinukol nito sa akin. Sinundot pa nga nito ang bewang ko.
"Come on, magsisimula na ang game" seryosong sabi ni Em at nauna na sila ni Miley. Sinamaan ko lang ng tingin si Kaye pero nanatili pa rin ang nakangisi nitong mukha.
Sumunod ako kina Em at narinig ko naman ang tawanan nina Kaye at Ivory. Narinig ko pa ngang nag-apir ang dalawa. Ewan ko ba! Why didn't they let me explain? Wala nga kasing meron sa aming dalawa ng Eli na yun.
On second thought, mas mabuting wala silang alam tungkol sa halik. Kung alam siguro nila ay mas grabeng panunukso pa ang aabutin ko. Ang cardigan ko pala. Sa sobrang occupied ko kanina eh nakalimutan ko na ang cardigan ko.
Nakita ko na lang ang sarili ko sa gitna ng taong puno ng hiyawan na siya namang pinaka-ayaw ko sa lahat—ingay. Pero dahil sa larong napapanood ko sa harapan at sa dikit ng laban nila ay parang hindi ko na alintana ang maingay na paligid.
Kung dati ay palaging tinatambakan ng kalaban sina Kuya ngayon ay dikit na dikit ang mga puntos nila ng kalaban. Hindi ko masasabing dahil sa mahina ang kalaban dahil kitang-kita naman kung gaano kagaling ang mga to.
Malaking improvement talaga ang nagbago ng team nina Kuya. Nagpalit kasi sila ng coach kaya kitang-kita ang improvement sa mga kilos nila. Ganun talaga if you're guided the right way.
Nanatili lang na nakatutok ang mga mata ko sa laban nila. Nandito kami ngayon sa gitnang bahagi ng court dahil sa left side ay ang mga sumusuporta sa grupo nina Elijah habang ang sa kabila ay kina Kuya.
YOU ARE READING
Only Exception (UNDER REVISION)
RandomDoes love really exist? To the family who always has an unsuccessful marriage? To the family for whom marriage is just a duty? A duty you need to fulfill when you find a person you think is suitable for you? A marriage that isn't made of love, but...
