Gumapang naman ito papunta sa labi ko at dahan-dahang hinawakan pababa gamit ang hinlalaki niya kaya napa-awang na lang ang labi ko. Hindi rin ako makapaniwala ginagawa niya to sa akin.

Agad akong napapikit nang nakita kong lumalapit ang mukha niya sa akin. Hinahanda ko na ang sarili ko para sa gagawin niya. Agad rin naman akong napamulat ng mga mata nang marinig ko siyang tumatawa.

"You told me na hindi ako magaling humalik while here you are now, anticipating for it. Lookslike your actions is contradicting your words, kid" nakakahiya! Sa sobrang hiya ko ay kaagad ko siyang sinapak.

Hindi na siya naka-iwas kaya ayun sapol. Napasalampak pa ito sa sahig pero rinig ko pa rin ang mahinang pagtawa nito. Pinupuno mo talaga ako Iverson!

"Tangina ka!" nakatayo naman ito kaagad. Mabilis ko rin siyang tinalikuran pero bago pa ako makaalis ay agad naman niya akong hinila at sinandal sa pader bago ko maramdaman ang halik niya.

Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. What the fuck?! Bago ko pa maproseso ang ginawa niya ay nakalayo na ito sakin.

"Told you, your lips is tempting" nakita ko pang dinilaan nito ang ibabang labi niya. Hindi naman niya iniinda ang dumudugong labi niya na gawa ng pagsapak ko sa kaniya.

"What the fuck, Eli" gulat pa rin akong nakatingin sa kaniya. Yumuko naman ito pinunasan ang dugo sa gilid ng labi niya.

"Ang sarap mo manapak pero mas masarap kang humalik" nanlaki ang mga mata ko sa narinig mula sa kaniya. Tangina? Napalunok ako.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Tangina niya. Lumayo siya sa akin na ikinaginhawa ko naman. Hindi ko na nga namalayan na pinipigilan ko na palang huminga sa sobrang lapit niya.

"My jersey?" biglang sabi niya habang nakalahad ang kamay nito sa harapan ko. Hindi na nga ako makikipag-away sa kaniya, baka halikan na naman ako ng walangyang to.

Kinuha niya mula sa isang upuan ang jersey na ipapalit ko sa suot ko at nilahad ito sa harapan ko. Parang hindi pa rin ako makagalaw dahil sa bilis ng mga pangyayari. Did he just kissed me again?

"Change. I need my jersey now" kinuha niya ang kamay ko at binigay ang jersey sa akin. Napatingin naman ako rito pero parang naestatwa pa rin ako. Umalis naman siya kaagad ng room.

Naramdaman ko tuloy ang panghihina ng tuhod ko, tuluyan na nga akong nawalan ng pwersa dahil napa-upo na lang ako sa sahig. Nakahawak ako sa dibdib kong ramdam na ramdam ko ang mabilis na kabog nito.

What did just happen? No! Stop thinking about it. Tama na yan, Jessi! It's just a kiss, no big deal. Nasapak mo naman siya, okay lang yan.

Mabilis akong nagpalit ng damit. Tangina talaga! Ramdam na ramdam ko pa rin ang panghihina ko. What the fuck! Tangina talaga. Lumapit ako sa pinto at nagdadalawang isip kong bubuksan ko ba ito o hindi.

Huminga ako ng malalim at binuksan ang pinto. Nakit ko naman siyang nakasandal sa harapang pader habang ang isang kamay ay nasa pocket nito. Gwapo naman talaga siya. Inangat nito ang tingin sa akin at mabilis na lumapit sa akin.

Inabot ko lang sa kaniya ang jersey na hawak ko. Kinuha naman niya ito at mabilis na akong naglakad paalis nang tawagin niya ako.

"Maria" napapikit ako at napahinga ng malalim bago siya dahan-dahang hinarap.

"What?" lumapit lang naman ito sa akin at inabot ang phone niya.

"And why the heck are you giving me your phone?" ngumiti lang siya at kinuha ang kamay ko tsaka nilagay ang phone niya.

"Just take it, baka mawala sa locker room" kung sasagot pa ako sa sinabi niya ay maaaring matagalan pa kami rito kaya kinuha ko na lang ito at nagmadali nang maglakad paalis.

Only Exception (UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon