Naramdaman ko na lang ang puso kong kumakabog. Ano ba to? Ano meron? Bakit ako nagkakaganito? Hindi ko maintindihan. Bakit hindi ko maintindihan? Mukhang iba ang ibig sabihin ng sinasabi niya, this is not about an extra jersey anymore. What does he mean by that?

May alam ba siya sa nakaraan ko?

"Pwede ba tayong mag-usap? Yung tayong dalawa lang?" hindi ko napansin na nakatayo na pala siya sa harapan ko. Ganun na ba kalalim ang iniisip ko? Ano na naman bang kailangan niya?

Hinawakan niya ako sa braso at bago ko pa maproseso ang nangyayari ay nagpapahila na ako sa kaniya. Nakarating kami sa kabilang side ng gymnasium. Nasa likod pa rin kami at parang madalang lang ang mga taong makapunta rito.

How important the things are we gonna talk about? At kailangan nya pa talaga akong dalhin rito?

"I need the jersey you're wearing right now" gulat akong nag-angat ng tingin sa kaniya. What?! Hinila niya ako papunta rito just to take his jersey from me?! Baliw ba siya? He want me to take it off here? Oo sa likod kami ng gym pero hell! Nasa labas pa rin kami!

"Baliw ka talaga" sarkastikong tawa ko at aalis na sana nang hinawakan niya ulit ako. I should punch him, right? Ba't hindi ko magawa? Mabilis niya lang akong nahila pabalik sa harapan niya.

"I need that jersey, give it to me and papahiramin kita ng damit" wow? Parang siya pa ang agrabyado ngayon ah! Seryoso ba siya jan?

"I know na sinadya mong tapunan ng inumin yang jersey mo. Bare with it. Katarantaduhan mo yan" may halong galit at inis ang boses ko. Bakit kasi parang ako pa ang lugi sa sitwasyong to?

"You're going to give me my jersey or your whole clan will find out about your gang?" marahas kong inalis ang braso sa pagkakahawak niya. Tarantado talaga to eh.

"Are you that petty, Eli? Dahil lang sa ayaw kong ibigay ang jersey mo? When in the first place ikaw naman ang nagpumilit na suotin ko. Now na sinuot ko na, tatakutin mo naman ako para isumbong sa pamilya ko ang tungkol sa gang. Just what game are you playing, Elijah?" may diin at inis na sabi ko sa kaniya. Pinipigilan ko na lang ang sariling mapasigaw dahil sa kababawan niya.

"Maybe ganun na nga ako kababaw pagdating sayo" mahinang sabi niya at diretsong nakatingin sa mga mata ko. Why am I sensing longing in your eyes, Eli? Naguguluhan ako. Parang kahapon lang na muntik mo na kaming masagasaan tapos biglang didikit-dikit ka sakin na para bang ang tagal na ng pagsasama natin.

Why are you giving me these signals? What are you trying to tell me? Ano ba talaga ang alam mo pa sa pagkatao ko? Gaano mo ba ako kakilala for you to stick with me? Bakit ganito ang nararamdaman ko sayo? Bakit parang hindi lang to crush? Ano ba ang ginagawa mo sakin? Sino ka ba talaga, Elijah?

"What are you saying?" mahinang tanong ko catching the answers in his eyes.

"Give me my jersey dahil hindi lang gang mo ang malalaman ng pamilya mo. Do you really think na ang gang mo lang ang alam ko about you? I know so much more about you" bumalik ang mapaglarong tono niya at ngisi habang nakatingin sakin. Tangina niya talaga!

Bakit ba ang bilis magbago ng emosyon niya? May Bipolar ba talaga ang isang to? Baliw ba talaga to? Dahil sa sinabi niya ay muling nag-init ang dugo ko.

"Want to know more? I can just kill you in a snap right here, right now" may galit sa mga mata akong nakatingin sa kaniya. Nagsusukatan lang kaming tingin. Kung kanina ay puno ng emosyon ang mga mata niya, ngayon naman ay wala akong mabasa mula sa kaniya.

"You can't do that. You can't risk what you're building, aren't you? I have all the proof of your underground activities and by that, it's already enough for the authorities to seize you. And once you kill me, that evidences will come out" naramdaman ko ang paghaplos ng kamay nito sa mukha ko.

"Do you think you can runaway from the past? That very same past that made you this? I'll tell once more, I know everything about you." ewan ko! Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kaba at takot.

How can he make me feel these emotions? Nagulat pa ako ng lumapit ang mukha niya sakin. Bumaba ang tingin nito sa labi ko na nagpalunok sa akin. What the fuck? Lumapit pa siya kaya napapikit ako. Naramdaman ko na lang ang hininga nito sa tenga ko.

"Now tell me, can you really kill me?" imumulat ko na sana ang mga mata ko nang maramdaman ko na lang ang labi nito sa labi ko. Just what the fuck is happening right now?

Naramdaman kong tumutulo na lang ang mga luha ko. Hindi pa rin ako makagalaw. He's kissing me. Ang isang kamay niya ay nasa batok ko habang ang isa ay pinupunasan nito ang mga luhang tumutulo sa kabilang pisngi ko.

Naramdaman ko namang lumayo siya sakin. I don't know what to do. What is happening right now? What is happening to me. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko habang nakapikit pa rin ako at pinupunasan ang mga luha ko.

"I missed you" and with that I felt his lips into mine again and this time I respond with his kisses.

He's drowning me.

June 18, 2022
EDITED VERSION
#OnlyExceptionWP

Only Exception (UNDER REVISION) Onde histórias criam vida. Descubra agora