"Welcome" walang ganang sabi. Napatingin naman ito sa akin tsaka kinuha ang braso ko at hinila kaya napabitaw ako kina Kaye at Ivory. Mabilis nitong nilagay ang braso sa balikat ko.

"Huwag mong kalimutan ang usapan natin ha?" bulong nito sa akin kaya natulak ko siya palayo. Bakit ba ang lapit-lapit niya kasi eh. Nakakagulat talaga siya, ramdam na ramdam ko pa naman ang hininga niya kanina. Hindi ako sanay.

"Tangina, huwag ka ngang masyadong malapit." diin kong sabi sa kaniya.

"Ikaw ha. .  . Bad yan" nakanguso nitong sabi na parang nagpapacute. Hindi naman cute. Mukha siyang timang.

"Ano ba yun, Elijah?" Biglang sabat ni kuya sa amin. Napatingin naman ako sa kaniya at mas lumayo pa kay Eli. Sobrang seryoso kasi ng mukha ni Kuya, alam na this.

"Don't come near me, dre. Baka mapagkamalang traydor" nakangito pa nitong sabi kay Kuya pero seryoso pa rin siyang tinitingnan ng isa.

"I'm watching you" sabi niya pa bago bumaling sa amin. "Enjoy the game girls" umalis naman siya kaagad. Ano ba kasing meron sa dalawang yun? Naguguluhan na talaga ako.

"Let's go na, sa likod tayo dumaan" Inakbay na naman niyo ang braso sa akin tsaka naglakad. Parang linta! Inis ko namang inalis ito pero kaagad niya rin namang binalik at narinig ko pa ang tawa niya.

"Aakbayan kita o. . ." Nagkunwari pa itong nag-iisip ng malalim at sumulyap sa akin mula sa peripheral view niya. Tumigil siya at may ngising hinarap ako. Kung nakakamatay ang tingin, kanina pa sya nakalibing.

"Huhubarin mo yang jacket mo at ipapakita sa lahat na isa kang Iverson" nakangisi niyang sabi, lumingon pa ito at nilapit ang mukha sa akin nang may mga ngiti sa labi. Masamang tingin lang ang binibigay ko sa kaniya.

"Sinong tinatakot mo?" mahinang sabi ko sa kaniya. "Alam mo bang ang ayaw namin ni Kuya Jeo ay may dumidikit na lalaki sa akin?" Nakangiti lang ito at biglang piningot ang ilong ko kaya agad akong napalayo mula sa kaniya.

"I know, pero ang cute mo kasi! Di kita tuloy malayuan?" mukhang pampakilig lines nya yun sana sakin pero siya naman ang kinilig. Amg baduy talaga. Nauna na akong maglakad at rinig ko pa ang tawa nito.

"So it's the latter? Yes?" inis ko siyang nilingon at tinaas ang middle finger ko sa kaniya. "Fuck you" madiing sabi ko sa kaniya.

"Oh! You're giving me a better suggestion" Hindi ko na siya pinansin at nagmadali nang makarating sa likurang pinto ng gymnasium.

Naramdaman ko naman ang paghawak sa braso ko. Napatingin ako rito at nakitang si Em pala ang humawak sa akin. Akala ko siya na naman. Napupuno na talaga ako sa gagong yun.

"Ano bang nangyayari? Ano meron sa inyong dalawa ni Kuya Eli?" takang tanong niya sa akin at sasagot na sana nang marinig kong sumigaw si Kaye.

"Hala kuya! Paano na yan?" Lumingon kami sa kanila at nakita kong basa ang suot na jersey ni Eli. Mukhang nabuhusan niya ng Gatorade ang jersey niya.

"Tanga kasi" mahinang sabi ko na dahilan ng pagtingin sa akin si Em na katabi ko. Tumingin ako sa kaniya at tinaasan ko siya ng kilay. Kita ko naman ang pagtataka sa mukha niya.

"Don't worry, I have an extra jersey" rinig kong sabi niya pero binalewala ko na lang ito. Buti nga sayo. "Right, Jes?" Lumingon ako sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.

"Malay ko sayo" Aalis na sana ako nang marinig ko na naman siyang magsalita.

"You know what I mean, Maria" natigilan ako. Maria? Ayan na naman siya sa pangalang yan. Hindi ko alam kong lilingon ba ako o magpatuloy sa paglalakad pero either way mukhang di ko magawa dahil naestatwa na ata ako sa kinatatayuan ko.

Only Exception (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now