"Guys" medyo paos na sabi ni Ivory habang nakatingin sa harapan namin.
"Hmm?" Sabay-sabay kaming napasagot sa pagtawag ni Ivory sa amin.
"Nakikita niyo ba ang nakikita ko?" Tanong ni Marianne. Kahit siya ay hindi makapaniwala dahil nga parang impossible naman. May chance of possibillity pero impossible pa rin sa paningin namin.
"Oo" sabay na sagot nila habang nasa iisang direksiyon ang mga paningin.
"Bakit sila nandito?" Bakas ang pagtataka sa boses ni Kaye. Diba? Naguguluhan talaga kaming lima.
"Don't tell me sila ang magkakalaban?" Mabagal na tanong ni Ivory na mukhang sarili niya lang naman ang kausap nito. Hindi pa rin siya makapaniwalang nakatingin sa harapan.
"I do tell you, Ive" sagot naman ni Marianne habang hidni inaalis ang tingin sa kanila.
"Ate, diba friends naman sila? Pikon pa naman ang ilan jan" nakangiwing sabi ni Miley habang nasa kanila pa rin ang tingin.
"Oo nga, ang mga laban nila dati ay palagi silang talo. Sana talaga hindi nila coach ang dati nilang coach, siya siguro ang badluck sa team" pano ba naman, makasigaw akala mo expert ni hindi nga siya marunong mag-three points e.
"Grabe ka naman sa badluck" mahinang sabi ni Em. Kunwari pa tong isang to e siya rin naman ang nagta-trashtalk sa coach na yun sa last na laban ng team na yun.
"BEBE!" gulat na lang akong napatingin sa lalaking patakbong papalapit sa amin. Paano ba naman bigla niya lang tinulak ang sa harapan niya para makadaan.
"Ano daw?" Bakit ba palagi na lang sila in unison? Nang makalapit na nga siya sa amin ay sinuklay pa nito ang buhok niya tsaka hinihingal.
"Hi girls" nakangiti niyang sabi tsaka kumaway pa nga siya. Masamang tingin lang ang ipinupukol ko sa kaniya kasi epal siya!
"Saan na?" biglang tanong niya nang mapatingin siya sa akin. Tiningnan niya pa ako mula ulo hanggang paa. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Ang?" nakataas na kilay kong tanong sa kaniya. May namuo namang nakakalokong ngiti sa labi niya. "Ang ano nga?!" inis na sabi ko. Nakakabwiset talaga to e!
"Ang goodluck kiss ko" nakanguso pa ito habang nakapikit pa itong nasa harapan ko. Nakangiwi naman akong tumingin sa kaniya at susuntukin na sana nang may bumatok sa kaniya na dahilan nang pag-atras ko.
Napaatras rin tuloy ang mga kasama ko. Hindi ako makatingin sa kanila kasi ramdam na ramdam ko na ang nagtatakang tingin nila sa akin. Lalong lalo na si Kaye, alam na alam ko talagang magtatanong tong babaitang ito sakin.
"Anong goodluck kiss pinagsasabi mo?" iritang tanong ni Kuya Jeo sa kaniya na kaagad naman niya ikinanguso ulit habang nakatingin kay Kuya.
"Ayaw mo sa goodluck suntok ko? Para sayo pa naman 'to" nakangiting sabi ni Kuya at nagpout naman si Eli. Baliw nga talaga. Nababaliw na siya!
"Mga taong naman to oh! Ang seseryoso ha?!" napahimas pa ito ng ulo niya. Tumingin ito kay Kuya at nagsalita "Ganiyan ba talaga pag ang whole being mo. . . red flag" mabinang sabi niya pa ng last words na akala mo naman hindi namin maririnig.
"Ganyan ang biro sayo?" seryosong tanong ni Kuya. Hindi ko alam kung bakit parang palagi silang ready to fight kapag magkaharap na. Mag-Ex ba sila? Modern day na kaya hindi na yun bago sa paningin ng mga tao 'no.
"Pare, gatorade kasi" muli na naman akong nilingon ni Eli. Mabilis kong binigay sa kaniya ang hawak kong plastic at mukhang napalakas pa nga dahil napa-atras pa siya.
"Yan na" tumingin naman siya sa akin na parang nasaktan ko siya. OA! Ang hina kaya nun. Napairap na lang ako.
"Thank you, bebe, bait mo naman" nakangiti na nitong sabi tsaka pinisil pa ang pisngi ko. Kumuha siya ng isa at pabalang na binigay kay Kuya. Bunalik naman ang tingin nito sakin at ngumiti.
YOU ARE READING
Only Exception (UNDER REVISION)
RandomDoes love really exist? To the family who always has an unsuccessful marriage? To the family for whom marriage is just a duty? A duty you need to fulfill when you find a person you think is suitable for you? A marriage that isn't made of love, but...
