Prologo

43 2 0
                                    

Labing limang taon siya nang makilala ang kan'yang unang pag-ibig

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Labing limang taon siya nang makilala ang kan'yang unang pag-ibig. Subalit hindi ito tulad ng nasa telenobela o 3rd rated na libro, na madalas basahin ng mga katulong sa mansyon. Hindi nakakasabik, walang sparks, walang slow motion, at sa kan'yang dismaya, walang nakakakilig na konprontasyon sa ulan.

 Dumating ito na parang kidlat sa mapayapang tanghali na sinundan ng hindi inaasahan na malakas na ulan. Sa kan'yang obserbasyon isa itong maputik, makalat, nakakainis, pero payapa at nakakakilabot. Isang karanasan na hindi maipaliwanag sa isang salita dahil sa kan'yang mababaw na bokabularyo.

Madalas siyang humihiling sa kan'yang bathala na sana 'di na tumigil ang ulan, kahit hindi niya ito gusto. 

Alam niya na sa huli ay kailangan lumisan ng ulan pero bulag-bulagan pa rin umasa na baka magkaroon ng himala sa kanilang k'wento. Alam niya rin na hindi totoo ang himala. Alam niya rin na niloloko niya na lang ang kan'yang sarili. Anong magagawa niya maliban sa umasa?

Subalit may hangganan din ang kan'yang kahibangan. At masakit itong nagwakas.

 Ang kan'yang pag-ibig ang pinakamainam na representasyon ng pag-ibig sa maling oras, isang malinaw na trahedya. Isang ligaw na salita sa isang pahina, kung kan'yang ilarawan.

Hindi siya handa sa pagdating ng mga pagsubok na dala nito dahil labing pitong taong gulang lamang siya nang mapagtanto ang pag-ibig at napakalupit ng mundo.

12/06/22

12/06/22

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Tulyapis (Boys Love)Where stories live. Discover now