Ikaanim

18 0 0
                                    


Umabot lamang ng apat na araw ang lamay ng tatay ni Hiro, hindi naging mabigat ang sumunod na araw dahil sa tulong na natanggap mula kila tiya Josie at kuya Alec

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.

Umabot lamang ng apat na araw ang lamay ng tatay ni Hiro, hindi naging mabigat ang sumunod na araw dahil sa tulong na natanggap mula kila tiya Josie at kuya Alec. Hindi rin sila kinapos sa pagkain na hinanda para sa bisita dahil sa pagdating ng tulong galing sa mga Lauchengco.

Pagdating ng lunes pumasok si Hiro na walang problemang iniisip kahit na hindi pa siya masyadong nakapagpahinga. Marami pang kailangan gawin sa kanilang tahanan, pinilit lamang siya ni Klara na pumasok at siya na ang bahalang gagawa ng ibang gawain.

Mainit na sinalubong si Hiro ng kan'yang mga kaklase at pinaulanan siya ng maraming tanong, may ilan pa na niyakap siya at nagbigay ng mga salita na pampalubag ng kan'yang loob. Pero sa dami ng taong nakapalibot sa kan'ya may isang imahe ang hinahanap-hanap ng kan'yang mata. Halos dalawang linggo niya rin hindi nakita si Rael ng maayos kaya't gano'n na lamang ang kan'yang pagkagalak nang nakita siyang naglalakad papasok sa kanilang silid.

Gusto ni Hiro na lapitan si Rael upang magpasalamat at ibalik ang panyo. Hinintay pa naman ni Hiro ang araw na ito upang makausap nang maayos si Rael. Sa katunayan pinaghandaan niya ito nang lubusan. Gumamit ito ng mabangong sabon na niregalo sa kan'ya ng kaniyang ninang na galing sa Taiwan na itinago niya para sa espesyal na okasyon. Ilan beses din siyang nag-rehearse ng sasabihin habang nag-iigib ng tubig sa gripo hanggang sa kan'yang pagligo. Kaya ganoon na lamang ang kan'yang panghihinayang noong pumasok ang guro at nagsimula agad ang klase.

Napakabagal na pumatak ang segundo at nagsimula nang mainip si Hiro. Panay na rin pag-silip niya sa orasan. Naiinis na rin ang kan'yang katabi dahil sa laging pagpalit nito ng ayos sa pag-upo.

"Ano ba Hiro? may uod ba 'yung pwet mo o ano? ba't 'di ka matahimik sa iisang lugar?" malakas na tanong ng kan'yang kaklase na si Ariel na kinaiinisan ng kan'yang kaklase dahil ubod ng manhid at hindi makaramdam sa mga sitwasyon.

Sinaway sila ng kanilang guro dahil sa ingay. Payak na humingi ng tawad si Hiro sa guro bago ginala ang mata upang tingnan ang mga kaklase. Nagpalitan ng tahimik na pang-aasar ang si Hiro at ibang kaklaseng lalaki. Nagpalitan ng kindat at pigil tawa.

Napatigil siya sa kan'yang pagkindat noong napansin si Rael na nakatingin sa kan'yang direksyon. O mas tamang ilarawan na nakatingin ito diretso sa kan'yang mga mata. Hindi siya umiwas ng tingin matapos nahuli, bagkus tinagilid pa niya ang kan'yang ulo habang mapanuri pa rin siyang pinagmamasdan. Iyon ang unang beses na tinignan siya ni Rael sa kan'yang direksyon.

Hindi makapaniwalang napakurap si Hiro bago tinakpan ang mukha gamit ang libro. Gumapang ang init sa kan'yang pisngi at nakaramdam ng kagustuhan na sana kainin siya ng lupa.

Bakit ba kailangan pa niyang mapahiya sa harap ni Rael at mahuli na tumitingin ito sa kan'yang direksyon?

Sa kanilang klase sa Reading and Writing, binalik ni Rael ang papel ni Hiro na naglalaman ng analysis ng isang kwento. Sa katunayan noong nakaraang dalawang linggo pa ito binalik sa mga may-ari, nasaktuhan lang na wala si Hiro at si Rael ang inutusan ng guro na magtago ng papel.

Tulyapis (Boys Love)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora