Ikalima

14 0 0
                                    

Pagdating ng Senior high school ay naging magkaklase si Hiro at Rael

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pagdating ng Senior high school ay naging magkaklase si Hiro at Rael. Subalit nanatili pa rin na malayo ang distansya na namamagitan sa kanilang dalawa. Doon napansin ni Hiro kung gaano kaliit ng mundo ni Rael habang nakapataas ng pader na nakapalibot sa kan'yang sarili.

Madalas siyang mag-isa at walang kaibigan. Pansin niya rin na lagi itong tulala at napakalayo sa mundo, parang isang bola na tinangay ng alon at dinala sa gitna ng kawalan. Nag-iisa. Hinihintay lamang ang pagdating ng alon at hangin para hilaing palayo, paalis, nang hindi alam kung saan siya patungo.

Kahit noong sumasabay si Hiro Kay kuya Alec upang makatipid ng pamasahe ay hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin.

Ilang hakbang lang ang layo nila sa isa't isa kung tutuusin pero napapatanong siya sa kan'yang sarili kung kaya niyang tawirin ang distansya upang makipagkilala.

Nais niyang maging kaibigan si Rael at malaman ang lahat ng bagay tungkol sa kan'ya. Mula sa maliit hanggang sa kan'yang sikreto at problema. 

Dahil hindi niya maintindihan ang kan'yang kaklase, hindi niya kayang ipagwalang bahala ang misteryosong pakiramdam na bumabalot sa kan'yang puso sa tuwing nakikita itong natutulala sa kawalan.

Naging parte ng araw-araw na buhay estudyante ni Hiro na sundan si Rael mula sa distansya sa pag-uwi, naging aliw at pampalimot sa kan'yang problema sa tahanan. 

Si Rael ang kan'yang naging pahinga at panandaliang takas mula sa nakakasakal na responsibilidad na nakatali sa kan'yang mga paa.

Hanggang sa isang araw, habang tumatawid sa kalsada napansin niya ang pagtigil ni Rael sa paglalakad sa gitna ng kalsada. Tahimik itong tumitig sa kalangitan, tuluyang nakalimutan na nasa gitna siya ng kalsada. 

Binalot ng kakaibang takot noon si Hiro at kumaripas ng takbo sa direksyon ni Rael at hilain ito sa kabilang dulo. Hindi niya namalayan ang pagsabog ng kan'yang galit at sinigawan si Rael.

"Anong ginagawa mo? Bakit ka tumigil sa gitna ng kalsada? paano na lang kung nahagip ka ng sasakyan?" Ang tanging reaksyon na nakuha ni Hiro mula sa kan'ya ay isang gulat na tingin at bahagyang pagyuko bilang pasasalamat, bago naglakad ng mabilis palayo.

Iniwan si Hiro sa kan'yang posisyon na hindi alam kung anong gagawin sa natitirang galit na kan'yang naramdaman.

Hindi niya mahanap ang tamang salita upang ilarawan ang kan'yang emosyon, maliban sa nakakakilabot na pag-gapang ng takot sa kan'yang sistema.

Tinitigan niya ang kamay na ginamit upang hilain si Rael, napakalambot ng kamay ni Rael at napaka lamig.

Buong gabi na hindi nakatulog sa Hiro kaiisip sa nangyari.

Buong gabi na hindi nakatulog sa Hiro kaiisip sa nangyari

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Tulyapis (Boys Love)Where stories live. Discover now