Ikapito

10 0 0
                                    

Dedication: Ang kabanata na ito ay isinulat para sa mga anak na maagang naging breadwinner

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Dedication: Ang kabanata na ito ay isinulat para sa mga anak na maagang naging breadwinner

Part 01

Sinabayan ni Hiro ang pagtilaok ng manok ng isang kanta habang binobomba ang gripo sa likod ng kanilang munting tahanan. Naghahanda na si Hiro para maligo kahit hindi pa natatanaw ang pagsikat ng araw sa pagitan ng mga bundok.

Tinapon ni Hiro ang unang buhos sa inigib. Sa unang buhos lang malamig. Gaya niya sa ritwal na napakinggan sa Radio. Natawa na lang siya sa kan'yang sarili noong naalala na ang pinakaunang tubig na lumalabas sa gripo ang mainit.

Maagang bumangon si Hiro dahil kailangan niyang dumaan sa mansyon para magdilig sa hardin at magwalis sa bakuran. Iyon ang kan'yang trabaho uma-umaga. 

Bago ang lahat siniguro ni Hiro na nakahanda na ang agahan ng kan'yang ina at mga kapatid, hindi man iyon karamihan, binubuo lamang iyon ng dalawang pakete ng instant noodles na sinobrahan ng tubig at dinagdagan lamang ng pampalasa tulad ng patis upang magkasya para sa anim na tao, tatlong pirasong nilagang itlog na kinuha niya sa baki (itlugan ng manok) ng alagang native na manok, at inihaw na limang pirasong tuyo na binili niya sa tindahan sa halagang limang piso.

Pero pyesta na iyon kung maituturing kumpara sa ibang araw na kape mula sa sinunog na bigas at kanin ang nakaharap sa lamesa. Naawa na rin siya sa ibang kapatid na nagsasawa na sa paulit-ulit na pagkain.

"Maganda ata ang gising mo, kuya." pupungas-pungas na bati sakan'ya ni Klara nakapinta ang isang nagandang ngiti habang pinapanood ang kan'yang kuya na feel na feel sa pagkanta habang inaayos ang hapag.

Tinignan ni Klara ang lahat ng pagkain na nakahanda sa hapag at kinagat siya ng konsensya. Batid niyang galing nanaman ang pinangbili ng kanilang agahan sa sariling bulsa ng kan'yang kuya.

"Syempre naman! Kailangan salubungin ang umaga nang masaya. Para good vibes lang ang mag-manifest buong araw." hinila ni Hiro ang upuan para sa kan'yang kapatid. Iniimbitahan na umupo para kumain.

"Hindi mo naman kailangan maghanda ng agahan, kuya. Hayaan mo na kami ni Inay ang gumawa niyan." ayaw ni Klara na akuin ni Hiro lahat ng gawain. Maliban sa si Hiro ang pinakahuling dumadating sa kanilang tahanan ay siya rin madalas ang pinaka unang nagigising. Alam niyang pagod ito.

Nais niyang makatulong kahit papaano, kahit sa simpleng pagluto lamang ay mabawasan ang pagod ng kapatid.

"Ano ka ba! Napakasimpleng bagay lang neto. Umupo ka na riyan at kukunin ko iyong kapeng bigas na ginawa ko, alam ko kasing paborito niyo ni Inay iyon." tanging buntong hininga ang sagot ni Klara sa kakulitan ng kan'yang kuya. Dinaig pa ang kanilang bunso na naka Tiki-tiki.

Tahimik siyang nagpapasalamat kay Hiro. Sana hindi mapagod ang kan'yang kuya at manatiling hindi nagbabago. Minabuti na lang ni Klara na gisingin ang kan'yang Ina at mga kapatid.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 02, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tulyapis (Boys Love)Where stories live. Discover now