Ikatlo

17 0 0
                                    

Si Hiro, Hiro V

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Si Hiro, Hiro V. Almarez, ay labing pitong taong gulang sa kasalukuyan. Panganay siya sa limang magkakapatid. Isang anak ng mahirap. 

Ang kan'yang magulang ay parehong hindi nakapagtapos sa pag-aaral dahil sa parehong dahilan, kahirapan. Ang kan'yang ina ay umabot lamang ng grade 4 sa elementarya, dahil sa paniniwala ng kan'yang mga magulang, na mas mainam na sa bukid niya na lang ilaan ang kan'yang oras. 

Ayon sa kanila, mabuti pa doon ay mapapakinabangan siya dahil mag-aasawa lamang din siya nang maaga. Habang ang kan'yang ama ay high school lamang ang natapos, nagsakripisyo siya dahil siya ang panganay sa magkakapatid.

Ang kan'yang ina ay isang labandera na sumasahod ng dalawang daang piso sa maghapong pagtatrabaho, habang ang kan'yang ama ay isang magsasaka na nakikitanim lamang ng gulay sa lupang pagmamay-ari ng iba. 

Madalas silang kulangin sa pera at hindi na bago para sa kanila ang pagpapalipas ng gutom at makontento na kumain isang beses sa isang araw. Ang kaginhawaan ay isang luho sa kanila at isang bagay na imposibleng matamasa habang nakakadena sa kahirapan.

 Kinakailangan nilang kumayod hanggang sa mabali ang kanilang likod para lamang mabuhay.

Sa murang edad ay napagtantuan ni Hiro ang kan'yang tadhana, magiging alipin din siya ng kahirapan tulad ng kan'yang mga magulang, naniniwala rin siya na totoo ito. 

Kaya pinigilan niya ang kan'yang sarili na mangarap at maghangad higit pa sa kaya niya maabot, nakontento siya sa meron sa kan'ya. Pinilit niyang tignan lamang ang mga bagay na meron siya kahit hindi iyon karamihan. Hindi siya nagalit sa kan'yang magulang.

Kahit mahirap ay pinilit niya silang inintindi.

Madalas siyang lumiban sa klase dahil sa kakulangan ng pera. Imbis na magtungo sa paaralan upang mag-aral ay madalas siyang matatanaw sa gitna ng taniman kung hindi ay sa katayan ng manok kung saan siya suma-sideline.

 Habang nag-aaral ang kan'yang mga kaklase at natututo tungkol sa matematika at siyensya, si Hiro ay kumakayod at pinag-aaralan ang buhay gamit ang kan'yang katawan.

 Alam ng mga guro ang kan'yang kalagayan kaya't nanatiling tikom ang kanilang bibig. Ang kaya lang nilang maitulong sa kanya ay panatilihin ang kan'yang lihim at kaawaan siya nang tahimik.

Halos isang linggong lumiban sa klase si Hiro at walang nakakaalam ng dahilan. Madalas iyon mangyari kaya't hindi na sila nagtaka. Pero pagdating ng lunes ng umaga ay naging laman nang usapan sa klase ang pagkamatay ng kan'yang ama maging ang planong pagbisita ng mga estudyante at guro sa lamay.

Sa ilan taon na pananatili ni Rael sa lugar ay hindi niya alam na meron palang ganoong klaseng lugar sa likod ng kan'yang tirahan. Isang nakatagong lugar kung saan nananahan ang kahirapan.

 Doon niya napagtanto kung gaano kaliit ang mundong kanyang nakikita, kasing liit ng kan'yang perspektibo sa buhay. Ginawa siyang ignorante ng karangyaan sa problema ng iba.

Tulyapis (Boys Love)Where stories live. Discover now