Patapos na ang pagkain ng kinuha ng katulong si Ginger dahil gusto nito maglaro. Siguro, naging hudyat iyon sa papa ni Frosto na mag usap kami.

"Hindi ko talaga inaakala ang ginawa sayo ni Genevive hija. Huwag kang mag alaala at tutulungan ko ang anak ko para maayos ito. "

"A-Ano naman kaya ang ginagawa ni tita sa anak niya? " nag aalalang tanong ni Ava.

"Ava ang inggrata na babaeng iyon ay mas malala pa sa ina niya kaya huwag ka nang' magtaka." singit ng mama ni Ava at nakita ko na iilang wine na ang nauubos nito.

"Nay!" saway ni Ava dito. Hinawakan agad ni Faustino ang kamay ni Ava at hinalikan. Nakita ko siyang nag-excuse at tumayo upang sundan ang kanilang anak.



"Ginagawa ko ang lahat dad. Araw araw naka monitor ang mga tauhan sa destinasyon ni Genevive. Hinding hindi ko siya mapapatawad." seryoso ang boses ni Frosto ng sabihin iyon. Nilingon ko siya at nakita kong' kakapalapag niya palang ng wine at nagkatitigan kami.

Habang nakatitig siya sakin ay tinignan ko ang wine at balik sa kanya. Ang kamay niya ay nasa likod ng upuan ko at nagkakabanggaan ang hita namin.

Ngumiti ako sa kanya na ikinalaki ng kanyang mga mata. Umiwas siya at pumikit.

Huh? Nangyari sa kanya?

Base rin sa pananahimik at pakikinig ko ay kilala na rin ni lola ang pamilya ni Frosto. Sigudo dahil sa pagkuha sa kanya ni Frosto at pagdala dito.

Mabilis natapos ang araw at pagabi na ng umuwi kami. Maraming pinag usapan doon at panay lang ang pakikinig ko sa kanila. Gusto ko mang' magsalita ngunit para iyon kay lola na sa tingin ko'y hindi na muna dapat gawin sa mga oras na iyon. Inuna kong' magkipagsayahan sa kanila ng makita ko na nasisiyahan si lola.

Kasama namin si lola sa kotse. Nasa backseat siya at ako naman ay nasa tabi ni Frosto sa unahan. Inabot ko si lola at nginitian.

"I miss you lola." bulong ko. Nakita kong' napalingon samin si Frosto.

Alam ko na hindi kami doon sa hotel uuwi. Mas gusto kong' makapiling si lola ngayon kaya nagbiyahe pakami papunta sa bahay na pinagawa ni Frosto para kay lola.

Oo, may bahay si lola na para sa kanya. Pinagawan siya ni Frosto ng bahay. Nabigla ako ng sobra!

Nang makarating kami ay nilibot ko sa paligid ang paningin. Ngayon, kahit gabi nakikita ko ang nagkalat na iba't ibang mga pananim na mga gulay. Malaki ang bahay at may fountain pa sa gilid.

"Ang ganda dito lola!"

"Oo nga apo kaya salamat talaga Frosto."

"Walang anuman iyon lola." si Frosto at binuksan ang pintuan.

Mas maganda ang loob at nakita ko agad ang malaking litrato ni lolo. Mayroon rin litrato ko noong nakaraang taon at nasa balon ako. Mayroon rin litrato ni mama na kamukhang kamukha ko.

"W-Wow." uminit ang gilid ng aking mga mata at tinitigan si lola. Niyakap ko siya ng matagal. Iniwan kami saglit ni Frosto.

"Apo pasensiya na kung hindi man lang ako nakalapit sayo bago ako sumama kay Frosto. Hindi rin ako makahindi sa offer niya sakin at lalo na umuusad na ang kaso ng papa at lolo Septimo mo."

"H-Ho? Kaso?"

Tumango si lola. "Iyong kaso ko noon na binalewala ng mga pulis sa Mindoro hija. Nakausad na ngayon sa tulong ni Frosto." hinawakan ni lola ang magkabilang pisngi ko. Hindi ako makapagsalita.


"Hija, ayos lang ba sayo?"

Kinagat ko ang labi sa tanong ni lola.

"Na ganoon ang desisyon ko? Para mabigyan ng hustisya ang ina mo. Natatakot ako na baka matulad ka sa kanya-"

Unang Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon