》BONUS CHAPTER《

455 12 45
                                    

"No. Way." Laglag ang panga ni mommy nang sinabi namin ni Allister na engaged na kami. Si daddy naman ay ganun din ang itsura.

Nakabalik kami ng States after two weeks. Dahil ngayon ay isang taon na kaming magkasama ni Allister ay nagpasya kaming ipaalam sa mga magulang ko. Magkatabi kami ni Allister sa isang sofa habang sila mommy at daddy naman ay nasa kabilang sofa.

Napakagat ako sa aking labi at sumulyap kay Allister na nakangisi sa mga magulang ko. Tumingin siya sa akin at hinila ako palapit sa kanya. Napangiti ako.

Napawi ang ngiti ko nang makitang namumuo ang luha sa mga mata ni mommy. Ayaw ba nila? Are they going to reject Allister?

"Oh my God!" Nanginginig na wika ni mommy at natawa. I let out a sigh knowing that my mom's not against Allister.

"Allyse, are you serious about this?" Ani daddy.

"Yes, dad. Mukha ba kaming nagbibiro?" Tanong ko.

"Uhm, tito, I promise I'll take care of your daughter. This is real. Don't you worry about her-"

"For Pete's sake! Who says I'm worrying about my daughter." Natawa siya. "I'm worrying about you." Bigla siyang nagseryoso at itinuro si Allister. Nanlaki ang mga mata ko at lumipat ang tingin kay Allister. Kumunot ang noo niya but he managed to smile politely.

"I know your story, Collado. I know how reckless and how indecisive you are." Sasabat na sana ako pero nang makitang kalmado lang si Allister ay sinubukan kong manahimik. Hinawakan ni mommy ang braso ni daddy.

"You made a mistake once. How can I make sure you don't make it twice to my daughter? Remember, Allister. Marriage must be planned by a deliberated man. Hindi yung kung gusto mong tumalon sa ilog, tatalon ka nalang. You need to know how deep it is. Is it cold? Is it warm? Kakayanin mo ba ang lalim at ang temperatura niya? Baka magulat ka nalang sa lalim at malunod pagkatapos kayong maitali." Napayuko ako.

"Mr. Wilson, I take the heavens as our witness. She's the reason why I became indecisive and can't decide on my own. Lalo noong nawala siya. Marking your daughter as a Collado will make a big big difference, sir. I promise. Yes, you're right. I'm reckless, indecisive, and impulsive... but not with her. I love your daughter very much, sir." Habang sinasabi iyon ni Allister kay daddy ay titig na titig ako sa kanya. Felt like he was indirectly talking to me.

Humugot ng malalim na hininga si daddy at nagsimulang humagulgol. Allister kept his stern but polite look. I turned to look at my mom patting dad's back.

"Walang hiya ka, Collado. Mahigit isang taon palang ang anak ko sa akin, huwag mo munang kunin." Hagulgol niya. Nakatakip ang kanyang palad sa kanyang mga mata. Laglag ang panga ko at parang punyal na sumaksak sa puso ko.

Then I realized. Marrying this man means leaving this home. My mom, dad, Allicia, and Xavier is my home. But Allister became my home too. But they are different from each other and I have to let go one of them. That's my family, for sure. Mahal ko si Allister, walang makakapagpapatibag sa pagmamahal na iyon. Not even my parents if ever they oppose us.

"Allyse, anak, huwag muna. Allister, huwag niyong madaliin, parang awa mo na, anak." Bloodshot ang mga mata ni papa na tumingin kay Allister.

Wait. Did he call him anak? Napatingin ako kay Allister na ganun din ang ekspresyon ng mukha niya.

"Anak. Yes. You have my blessing." Ani daddy. Suminghap ako at agad na may tumulo na luha sa aking mga mata. Laglag din ang panga ni Allister at hindi alam kung anong gagawin.

Tumayo si daddy na kahit si Allister ay napatayo. Ipinupunas-punas ang mga kamay sa kanyang jeans at nakangisi.

"S-sir. I-"

Always and Forever (Allyse Sequel)Where stories live. Discover now