KABANATA 54 - Importunate Boyfriend

229 12 60
                                    

"Excuse me... Excuse." sunod-sunod kong sabi sa mga nilalagpasan ko.

"Hey! Watch out!" singhal ng isang matanda.

"I'm sorry." sagot ko at nagpatuloy sa paglakad nang mabilis.

Luminga-linga ako sa paligid ng mall.

"Allicia, nasaan ka na?" bulong ko sa sarili ko.

Dinig na dinig ko ang bawat pintig ng puso ko. Lumingon ako sa pinanggalingan ko at nakitang nawala ko si Allister. O si Allister nga ba iyon?

Inalog ko ang ulo ko. Napapraning nalang ako dahil hindi kami nakapag-usap nang mabuti kanina. Yes, napapraning lang ako. No more, no less.

Huminga ako nang malalim nang makompirma ko na wala na siya. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang may mabunggo nanaman ako. Umangat ang tingin ko sa lalaki at ang gusto ko nalang ay lamunin ako ng tiles.

"Allyse?" masayang bati ni Nate sa akin. Oh, shoot!

"N-nate. Uhm-"

"Sa wakas nakita na kita! Nakita mo ba si Allister? Nasa market din siya-"

"Excuse me!" sabat ko at hinawi siya para makadaan ako. I jogged away from him.

"Lyse! Teka lang!" sigaw niya pero hindi ko siya tinignan.

Am I wrong? Lumingon ulit ako sa kanya at makitang naglalakad lang siya papunta sa akin. Mabilis kong kinuha ang phone ko habang nilalakad ko ang papunta sa elevator. Nidial ko ang line ni Xavier at sinagot niya naman agad.

"O, ano!" naririnig kong ngumunguya siya.

"Nasaan ka?" tanong ko.

"Nasa third floor. Dito sa food court." Nakita ako ni Nate na pumasok sa elevator kaya siya tumakbo papunta doon pero nagsara na nang tuluyan.

"Umuwi na tayo, Xavier! Bilisan mo! Sabihin mo na rin kila mommy at daddy at kay Allicia. Whatever you do, dalhin niyo na sa sasakyan as soon as possible." Mag-isa ako sa elevator kaya walang hiya akong nagtatataas ng boses.

"Okay, okay. Relax ka lang. Ano bang nangyayari sayo?" Bumukas ang elevator. Mabilis akong lumabas at tumakbo sa kabilang elevator. Eksaktong may mga lalabas doon.

"Uhm..." Mula sa likod ay nakita ko si Nate na nagmamadali ding lumabas kaya tinalikuran ko agad ang elevator at humarap sa isang puwesto doon sa tabi.

Nate walked past me without noticing me. When I saw the elevator was empty ay pumasok ako doon at pinindot ang ground floor. Pagsara ng elevator ay huminga ulit ako nang malalim.

"I can't believe, Xav! Nandito sila Allister at Nate, yung kapatid niya! Like, what the hell are they doing here? Kausap ko lang si Allister kanina sa phone tapos magpapakita siya na parang multo sa harapan ko?!" natataranta kong bulyaw. Narinig ko lang ang halakhak ni Xavier.

"Really now? Paano ka nakakasiguro na sila nga yung nakita mo?" I rolled my eyes.

"Nakita ng dalawang mata ko! Urgh! Basta! Umalis na tayo!"

"E bakit aalis tayo? Ayaw mo silang makita? Ayaw mong makita si Allister?" tanong niya at doon na bumukas ulit ang elevator. Tumakbo ulit ako palabas ng mall para makapunta sa parking lot.

"Nakakatakot! Ano ba!? Bumaba na kayo!" inis kong sabi sabay putol sa tawag. Hinihingal na ako pero tumakbo parin para makarating sa sasakyan.

Nadatnan ko sila mommy, daddy, Xavier, at Allicia na natatawang naghihintay sa akin. Akala ko ba nasa third floor sila? Pinapaikot nanaman ako ng mga ito.

Always and Forever (Allyse Sequel)Where stories live. Discover now