KABANATA 14 - Can I Call

275 14 9
                                    

Pagkatapos kong maligo at magbihis ng pantulog ay gumapang na ako sa kama. Sinubukan kong kausapin si Xavier kanina pero parang may tension parin sa kanya. Naging casual lang ang pag-uusap namin. How can I assure him that I will never fall in love with Dave!?

Wait, no! Dave will never be a pain in the neck because my heart already owned by someone. Oh, oo nga pala. That someone's heart already owned by somebody else. But that doesn't mean I stop caring. Sadyang hindi pa ako nakaahon sa pagkalunod sa selos at pagdududa. Anyway, I can now assure my brother that falling in love with my boss will never happen!

Tumayo ako para makapunta sa pinto ng kuwarto ni Xavier. Kumatok ako.

"Pasok."

Binuksan ko iyon nang dahan dahan at nakita siyang naglilinis ng gitara niya; nakaupo sa dulo ng kama. Umangat ang tingin niya sa akin. Kumunot ang noo niya nang ako ang nakatayo sa harap niya. Isinara ko ang pinto. Pinagpatuloy niya ang paglilinis sa kanyang gitara pero ngayon nakabusangot nanaman.

"Bakit?" tanong niya na hindi man lang ako tinignan. Kampante akong nagsquat sa harapan niya. Napansin niya iyon pero parang wala lang sa kanya. Huminga ako nang malalim.

"Xav... Xav..." pangalawang tawag ko sa kanya ay iritado niyang tinigil ang ginagawa niya at tumingin sa akin. Okay, medyo natakot ako pero siyempre hindi ko iyon ipapakita sa kanya.

"I promise." ngumiti ako. "I promise." ulit ko. Dalawang salita lang iyon pero napalambot ko ang mukha niya. Nagbuntong-hininga siya. I guess, nakuha niya ang ibig kong sabihin. Ibinaba niya ang gitara sa tabi niya at humarap sa akin. Tinignan lang ako na parang may malalim siyang iniisip at sa mukha ko lang niya mahahanap ang kasagutan sa mga iniisip niya.

"I'll hold on to that promise." aniya. Ngumiti ako at buong pusong tumango. Nasilayan ko ang pag-angat ng labi niya at biglang ginulo ang buhok ko. Humalakhak na ako dahil alam kong okay na ang kuya ko!

"So, kaninong bahay yung pinunta mo kanina?" tinaasan ako ng kilay. Parang lalabas ang puso ko sa kaba. Oh my gosh! Nakita ako ni Xavier? Umawang ang bibig ko naghahanap ng masasabi. Humalakhak siya at tinapunan ako ng unan.

"Aray!" sinalo ko ang unan na nahulog mula sa mukha ko.

"Wala! Kaibigan ko iyon!" ngumuso ako. "O sige na! Matutulog na 'ko!" Sinipa ko ang unan niya at natamaan ang kanyang guwapong mukha.

"Ehem, ehem!" panunuya niya.

"Hoy, Xav! Walang lalabas! Paduduguin ko yang nguso mo!" banta ko.

"Loud and clear! I promise!" ngisi niya. Bumalik ako sa kuwarto.

►►►

Monday na at very excited akong pumasok sa unang araw ko. Smooth ang oras na nagdaan. May orientation din at siguro magtatagal pa hanggang one week. Nagsimula na ako ngayon. Pagkatapos ng medyo mahirap na orientation, at last at lunch break na. Tinawag ako ng secretary ni Dave na pumunta daw ako opisina niya.

Kumatok ako at binuksan ang double door. Nakita kong may nakaupo sa table ni Dave na babae. Brunette ang buhok niya at nakatirintas ito. Mula sa kanyak balikat, lumingon ang babae sa akin. Nakita na rin ako ni Dave kaya siya ngumisi.

"Finally!" aniya. Tumayo ang babae at humarap sa akin. Maganda siya. Halos magkahawig sila ng dalagang Angelina Jolie. Kahit ang kanyang ngiti ay parang yung artista na iyon.

"Allyse, I want you to meet my sister, Maven. Maven, this is Allyse, the new structural engineer of the company."

"Hi, Allyse!" naglahad ng kamay si Maven at tinanggap ko iyon. "Nice to meet you!"

Always and Forever (Allyse Sequel)Where stories live. Discover now