KABANATA 31 - No Means No

218 17 35
                                    

"Allyse? Uhm... Allyse? Allyse." Suminghap ako at napatingin kay Ate Aaliyah.

"Malapit na sila Shane."

"Ha?" Pinagmasdan ko ang paligid ko. Oo nga pala. Andito kami sa airport.

"You must be exhausted, Allyse. Nakatulog ka sa biahe kaya hinayaan ka nalang namin. Malapit na sila." Ani Ate Mackie.

Nakatulog ako? Malamang. Ginising nga ako e. Malapit na sila? Sino?

"Nakita na namin yung eroplano nila. Two hours pa tayo naghintay e." Sabi naman ni Aaliyah.

Bumilis ang pintig ng puso ko nang bumalik ako sa aking ulirat. OMG! How could I forget? Sila Shane, nandito na! Bigla akong bumalikwas. Napansin iyon ng dalawa kaya natawa sila nang makitang bigla akong nag-ayos.

"Tara na, Liyah." Anyaya ni Ate Mackie sa best friend niya at lumabas. Teka! Ako?

"Lyse, dito ka. Susorpresahin natin yang boyfriend mo!" Hagikhik ni Ate Aaliyah. Ngumiti ako at tumango.

Pinanood ko silang maglakad papunta ng Arrival area. Tumayo silang dalawa doon habang nag-uusap.

Hindi ako mapakali sa loob ng Fortuner. Gusto kong lumabas at ako ang sasalubong kay Shane pero sabi naman kasi nila na maiwan ako dito. Oh well, it's okay. Excited din naman akong makita si Shane na gulat.

Unti-unting lumawak ang ngiti ko nang masilayan ko si Brooklyn na nakajacket at may dalang backpack. Tumakbo siya kay Ate Mackie para yakapin siya. Sumunod ay si Layla, Mason, Jeremy, or Jeremy, Mason... hindi ko alam kung sino sa kanilang dalawa ang Mason at Jeremy. Natalie, Vannie, Mike, Tita Louisa, Tito Phill... Lahat sila yumakap sa dalawang dalaga.

Teka... mukhang may kulang. Nasaan si Shane?

Kumunot ang noo ko at umayos ng upo. Inigian ko pang maghanap ng Shane sa paligid nila pero wala. Bakit wala siya?

Itinuro ni Ate Mackie ang sasakyan niya, dito, at lumingon lahat ang pamilya niya. Nakita kong tinakpan ni Brooklyn ang kanyang bunganga.

Napasigaw ako nang may bumukas ng pinto sa tabi ko.

Nakita ko ang nakangising si Shane at may bonnet pa sa ulo. Nakasandal ang braso sa sasakyan.

"Hi, gorgeous."

"OH MY GOD!" tumili ako at agad na ipinulupot ang mga braso sa kanyang leeg. Humalakhak siya at mahigpit na niyakap ang baywang ko, hinila ako palabas ng sasakyan.

"Shane! I miss you!" Tawa ko habang buhat-buhat niya ako.

Hindi ko siya pinasagot dahil mabilis kong idiniin ang aking labi sa kanyang labi. Narinig kong tumili si Brooklyn na papalapit na pala sa amin. I felt Shane's smile against my lips and I heard him chuckled.

"I miss you too, baby." Niyakap niya ulit ako.

"Ate Allyse!" Masayang bati ng mga kapatid niya sa akin at iniisa-isa nila akong niyakap. Niyakap ko na rin sila tito at tita.

"Susunod na dito sila manong. Tinawagan ko kanina. Hindi magkakasya ang gamit sa loob. Malapit na iyon." Sabi naman ni Ate Aaliyah.

"Ate Mackie, anong problema?" Tanong Vannie kay Ate Mackie na tulala sa amin ni Shane. Nagkatinginan pa kami.

"Uhm... you k-kiss?" Nauutal na tanong ni Ate Mackie. Agad na naramdaman ko ang init sa pisngi ko at umawang ang bibig. Bakit? Masama ba? Oh my gosh.

Humalakhak si Shane at ang mga ibang kapatid niya.

"Hanggang ngayon pa ba, Macks?" Tanong ni Shane. Humagikhik din si Ate Aaliyah.

"Siyempre, Ate Mackie kasi magsyota sila, diba?" Pang-inis ni Brooklyn. Unti-unti rin namang tumango si Ate Mackie.

Always and Forever (Allyse Sequel)Where stories live. Discover now