KABANATA 46 - Allister-like Boyfriend

178 13 30
                                    

"Eric, sigurado kang kaya mo nang magbiahe?" tanong ni Tita Jackie sa kanyang kapatid.

Tanggal na lahat ng bandages sa katawan ni papa. May mga parte sa kanyang katawan na medyo nasunog pala pero hindi na iyon malala. May mga sugat din siya pero hindi na rin malala kaya kampante akong kaya na niyang magbiahe.

"Oo, ate. Kaya ko na ito. Huwag kang mag-alala. At isa pa, nandito ang natitirang babae ng buhay ko na mag-aalaga sa akin." tawa niya. Ngumiti ako sa kanya at hinagod ang kanyang likod.

Hinawakan ni Tita Jackie ang braso ko.

"Take care of him." aniya. Tumango ako.

Si Allister na nasa tabi ko at hindi pa rin kumikibo ay agad na inalalayan si papa nang tumayo na. Medyo deretso na rin naman na siyang maglakad.

Nauna silang lumabas ng kuwarto ni papa sa ospital. Dinigil ako ni Tita Jackie.

"Ang gentleman naman ng boyfriend mo, iha." ngiti niya. Natawa ako.

Kung alam niyo lang ang talagang saloobin niya ngayon, tita.

Nagbayad kami ng bills ni papa pagkatapos ay lumabas na kami ng ospital.

Inihanda na namin ang lahat sa bahay nila Allister ang mga gamit namin para bumiahe.

"Dinner's ready!" sigaw ni Nate na nasa kusina.

Kaya naman nagpunta na kaming lahat sa dining room para kumain.

Katabi ko si papa, samantalang ang magkapatid naman ay katapat namin at magkatabi rin.

"Hmm, Al, di ka ba sasama kila Allyse?" tanong ni Nate.

"No." simpleng sagot ni Allister. Umangat ang tingin ko sa kanya pero siya ay nakatuon lang ang pansin sa kanyang pagkain.

"Bakit, iho? Para may kasama si Allyse doon." ani papa.

"Wala ka bang kasama doon, Allyse? Hindi ba sasama si Xavier?" tanong ni Allister sa akin.

Wow, a. Ito lang ang pinakamahaba niyang binigkas sa loob ng mahigit isang linggo. Napatigil pa ako bago ko naiproseso sa aking utak ang tanong niya.

"Uhm, kasama ko siya. P-puwede ka namang s-sumama." utal kong wika at pinagpatuloy ang pagkain.

"Tito, mukhang napipilitan e. Huwag nalang po." biglang sabi ni Allister.

"Aah, hindi! Sasama ka. That's final. Pagkatapos mong kumain diyan-"

"Pa." Putol ko.

"See?" Sabat ni Allister.

"Allister-"

"...mag-empake ka na rin para makahabol ka pa mamayang madaling araw." Putol ni papa sa akin.

Napatingin ako kay Allister na ang laki ng ngisi pero mabilis nawala iyon nang mapansing nakatingin ako sa kanya. Pagkatapos ay pinagpatuloy niya ang pagkain na parang walang nangyari.

Para namang timang ito.

Umirap nalang ako sa kawalan at inubos na rin ang pagkain.

I treated my papa's wounds and patched them up before kissing his cheek to sleep. Pagkatapos ay dumeretso na ako sa isang guest room at doon na ako nag-ayos ng sarili ko.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga gamit namin na bibiahe nang tumawag si Xavier sa akin.

Aniya ay pupuntahan niya kami dito mga bandang alas kuwatro ng madaling araw. Bibiahe daw kami ng mga alas singko.

Pagkatapos niyang tumawag ay humiga nalang ako, tulala. Bigla akong nauhaw kaya tumayo ako para bumaba papuntang kusina.

Patay na ang ilaw sa salas at ganun din sa kusina. Kaya sigurado akong nasa taas na silang lahat. Niyakap ko ang sarili bago tumungo sa kusina. Nahirapan pa akong maghanap ng switch ng ilaw pero nakita ko rin. Naglakad ako papunta sa fridge nila at nakitang may pitsel doon. Kinuha ko iyon at napangiti nang maramdamang masarap ang lamig niya.

Always and Forever (Allyse Sequel)Where stories live. Discover now