KABANATA 50 - The Return

228 13 31
                                    

"Maligo ka, sabi!" aniya bago isinara ulit.

Kaya naligo ako. Hindi ko na rin natulungan si Xavier na gumawa ng cake dahil nagkulong ako sa kuwarto kung saan natutulog si papa.

Hindi ko siya ginising nang pumasok si Xavier at sinabing kakain na. Dinalahan ko nalang siya ng pagkain sa loob ng kuwarto bago ko siya ginising. Sinabi ko nalang na may surprise ang mga lalaki sa kanya kaya huwag na muna siyang lumabas. Pinaalam ko na rin kay Xavier iyon.

Tahimik kaming tatlo na kumain sa kusina pero mabilis akong natapos at sumunod si Allister. Nahuli lang si Xavier sa mesa. Ako nalang ang naghugas ng mga ginamit sa pagluluto at pati na rin ang pinagkainan namin.

"What happened?" tanong ni Xavier nang may pinuntahan si Allister. Hindi ko alam kung saan pero siguro alam ni Xavier pero hindi ko siya tatanungin.

Nakasalampak ako sa sofa. Nagbuntong-hininga ako. "Wala." matabang kong sagot.

"Your mood says another story. Come on, sis." umupo siya sa tabi ko. Umirap nalang ako.

Nagbuntong-hininga ulit ako at ngumiwi.

"Iba ang inaakala niya, Xav." nanginig ang boses ko kaya tumuloy ang luha na kanina ko pa pinipigilan. "I love him but he doesn't trust me." pinunasan ko ang aking luha.

"Ano ba kasing nangyari?" tanong niya. Ikinuwento ko sa kanya lahat.

"Hayaan mo at kakausapin ko siya." umiling lang ako sa kanya.

"Huwag na. Let him realize everything." sabi ko. "Kaya hindi ako sumasagot-sagot sa kanya."

"Alam mo, there's this one thing I admire of you the most." ngisi ng kapatid ko. Ngumuso ako.

"Ano iyon?"

"Ikaw lang ang babaeng hindi talak nang talak kapag may problema sa boyfriend." hagikhik niya. Kumibot ang labi ko at hinampas ang braso niya.

"Aray." sinamaan ako ng tingin. "Pero serioso... si Clem-" natigil nanaman siya. Pero tumikhim lang at pinagpatuloy ang sinasabi. "Si Clem, yung girlfriend ko sa New York, kung may hindi kami pinagkakaintindihan ay talak siya nang talak. Kulang nalang mabasag ang eardrum ko." mahina siyang tumawa.

"Anong story niyong dalawa? Di mo man lang sinabi sa akin na may girlfriend ka." sabi ko.

"Nah, magkukuwento ako kapag okay na kami. We're not in the right terms, right now." ngumiti siya.

"Dahil ba yan kay Maven?" tanong ko. Tumango siya. Ngumiti ako at tumango rin. Mas excited kung okay na nga sila.

Nag-isang linggo pa kami dito bago kami nagpasyang umuwi na pabalik sa Cebu. Nagpaalam ako kay papa. Anila Tito Arman ay sasama-samahan daw din nila si papa sa bahay niya paminsan-minsan.

Pero kung tungkol kay Allister, isang linggo nanaman akong sinusungitan. And it's not funny anymore because it's breaking my heart. Matamlay na nga ang pagsagot ay hindi pa ako tinatabihan kahit sa eroplano o sa taxi. Napapansin iyon ni Xavier so he's always giving me a reassuring smile which is making me better somehow.

Sa suite ni Xavier ako tumuloy at patuloy pa rin akong nasasaktan dahil hindi man lang nagprotesta si Allister sa desisyon kong iyon.

"Aalis na tayo bukas." ani Xavier nang nasa suite na kami.

Kaya naman, ngayon palang ay inihanda ko na ang mga gamit ko. Magkasama din kami ni Xavier na nagpunta sa mall para bumili ng mga puwedeng iuwi sa States. Bago gumabi ay sinubukan kong tawagan si Allister pero nagriring lang. Hindi ako tumigil sa pagtawag hanggang sa naging out of coverage na kaya pumunta ako sa bahay nila.

Always and Forever (Allyse Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon