KABANATA 21 - Are Engaged

274 15 39
                                    

Nakangisi ako habang nakatingin sa labas ng bahay namin. Nasa balkonahe ako at nakacurl-up ang mga paa sa malaking upuan habang nagpapatugtog ako sa phone ko.

Dapat nga nasa loob ako ngayon dahil malamig pero ewan ko, gusto kong panoorin ang pagbagsak ng yelo sa lupa.

Mag-isa ako sa bahay dahil ipinasyal nila mommy at daddy si Allicia even though it was snowing. Ayoko rin namang sumama.

Ang saya ko kasi hindi pa rin ako sanay na nakakakita ng snow. It was like everyday is a first time kung makakakita ako ng snow.

Kinuha ko ang hot chocolate na may marshmallow toppings sa tabi ko at ininom iyon. Narinig kong nag-ting ang phone ko kaya tinignan ko iyon. Napanguso at kumunot ang noo ko nang makita ang isang akala ko'y patay na. Nakaalala naman pala. Tinap ko ang chat head at nagpakita ang message niya. Nakanguso pa rin ako at nakataas ang kilay.

Allister: Hi, Lyse! Kailan uwi mo dito? 

Lalong kumunot ang noo ko, trying to read between the lines. Why on earth did he ask that question? Ano ba, rereplyan ko ba o hindi? Sa tagal kong nag-isip ay hindi ko rin nareplyan dahil sa pag-iisip kung rereplyan ko ba o hindi. Huh? Kaya nagting nanaman. Kinuyom ko ang panga ko habang iniirapan ang sariling phone.

Allister: Please naman, wag mo naman akong i-seenzoned. :( 

Nagtiim bagang ako at nainis kaya pinagbigyan ko na. Ano naman yun sa'yo kung sasabihin ko ang uwi ko? Maganda sana kung iyan ang irereply ko pero... sabi nga ng kantang nagpeplay sa phone ko ngayon: "Why you gotta be so rude? Don't you know I'm human too? Why you gotta be so rude?" Kaya inayos ko ang pagrereply.

Ako: Hindi ko alam. Baka summer.

Nagreply siya agad.

Allister: Really? I want to invite you! :) 

Invite? Saan?

Ako: For what?

Sumisimsim ako sa hot chocolate ko habang binabasa ang message niya.

Allister: Iyan kasi hindi mo na kasi ako friend sa FB kaya hindi mo na alam. :( Michelle and I are engaged. Sa summer ang wedding.

Namilog nang husto ang mga mata ko at naibuga ang iniinom. Halos maisigaw ko ang mura ko bago ipinatong ang mug sa barandilya ng balkonahe namin. Mabilis kong pinunasan ang bibig ko.

"What the heck?" I barked. Binasa ko pa ulit ang message niya. Bigla kong naramdaman ang panlulumo in the thought that the man I used to put my attention to is getting married to a...

Inalog ko ang ideyang iyon. I literally held my breath at ngumiwi.

Are you serious, Allister? Hindi na ako nakapagreply dahil tinignan ko ang profile ni Michelle. I was praying that her profile was set for public and it was. Ang latest na post niya ang nagpakompirma sa akin na baliw talaga si Allister.

Picture iyon ni Michelle na nakataas ang kamay niya na may singsing sa ring finger niya. Ang lawak ng ngiti. Kumirot ang puso ko nang makitang nakadausdos ang kamay ni Allister sa baywang niya.

Finally! I love you so much AllisterIyon ang nakalagay na caption niya.

Laglag ang panga ko sa itsura ng nakangiting Allister.

Nagkakatawan siya at mas lalong pumuti. Naging mas matured ang kanyang features na iyon ang mas lalong nagpakisig sa kanya. I keenly observed his eyes. Naningkit ang mga mata ko sa napansin ko sa kanyang mga mata. There's something wrong. Naglabas ako ng munting tawa at ngumiwi.

Always and Forever (Allyse Sequel)Where stories live. Discover now