KABANATA 3 - Everything's New

687 20 19
                                    

Nagbusina ako nang makarating sa tapat ng bahay nila Crista at napahinga ako nang malalim nang maalalang hindi rin pala siya marunong magtagalog.

This is torture, really.

Nakita kong hinawi ni Crista ang blinds ng bintana nila sa salas at ngumiti nang makitang nakaparada ako sa harapan nila. Ilang sandali pa ay umangat nang kusa ang roll-up ng garahe nila at nanlaki ang mga mata.

"Wala nanaman ang mga magulang niya." sabi ko sa sarili ko. Wala kasi ang sasakyan nila. Inapakan ko ang gas at dahan-dahan na ipinasok ang sasakyan sa loob ng garahe. Nakita kong naghihintay si Crista sa loob.

"You got some serious explaining to do, Allyse." ngumuso siya at sumimangot na parang bata. Nakarobe lang siya at nakalugay ang mahaba niyang blonde hair. Tumawa ako.

"We picked up our cousin in the airport, blondie." sagot ko at pinatunog ang aking sasakyan.

"Cameron?" nanlaki ang mga mata niya at pumula ang mga pisngi. I heard na may past sila pero hindi ko sinubukang makialam.

"Yep. Look, I'm sorry." niyakap ko siya.

"I'm not going to forgive you unless you come with us." kindat niya.

"W-what are you talking about?" tanong ko.

Hindi na siya nagsalita. Hinawakan niya ang pupulsuhan ko at hinigit na sa loob. Dumaan kami sa kusina at nagpunta sa salas.

"WHOA!" nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isa pang amerikanang dalaga na blonde rin ang buhok nanonood ng TV. Nakahiga sa sofa at yakap-yakap ang unan.

"Jess! Allyse's here! Let's go!" sabi niya. Iniwan niya ako sa salas; kasama ko si Jess at dumeretso sa taas, sa kuwarto niya.

"Hi, Allyse. I'm Jessa." nakipagbeso na sa akin and I was like standing there gaping and smiling.

"H-hi." iyon lang ang nasabi ko.

"You excited? You know we don't care about the cold outside. We're still going to do it." ngiti niya na kinunutan ko ng noo. Not getting what she means.

"Skating?" paalala niya at nanlaki ang mga mata. Ang tanga ko. Nagpunta ako dito na nakalimutan ko na kung anong gagawin ko dito. Ugh!

"OH! I'm sorry! I totally forgot. I'm not prepared-"

"Really now? You agreed with Crista and you forgot what you came here for?" tawa niya.




"I'm letting you borrow something that can warm your frame." ani Crista na may dalang dalawang pares ng skating shoes at isa pang box na medyo malaki. Laglag ang panga ko dahil nakabihis na siya. And what's more, ang sexy niyang tignan sa skinny jeans niya with her turtle neck jacket.

"Here. I bought a pair for you. Try it on!" Crista tossed the box to me.

"Really? Thanks, Crista. I owe you one." sabi ko habang binukbuksan ang box.

"Nah, don't mention it."

"Wow!" I radiated. I took one of my chrome black and lady pink skating shoes and tried it on.

"Oh my God!" tawa ko nang kumasya sa akin.

"Now try to stand up!" ani Jessa at naglahad ng kamay sa akin para tulungan akong tumayo. Kinuha ko ang kamay niya at tumayo ako.

"Oops!"

"Whoa! Careful!" tawa ni Crista nang medyo na-out balance ako.

"Now, make a little step forward with your right foot and drag..." and I did just what she said. "Okay, now the left foot, step forward and drag..." at ginawa ko rin iyon. "Very good, do the same pattern."

Always and Forever (Allyse Sequel)Where stories live. Discover now